Chapter 52

1228 Words

Aimee Masakit ang kaniyang ulo nang magising siya kinabukasan. Masyadong naparami ang kaniyang nainom na alak  kagabi. Hindi na nga niya alam kung paano nakauwi kagabi. Pero teka, bakit sa couch siya natutulog? Saka ba't wala siya sa bahay nila? Napahawak siya sa kaniyang sentido. Oh My God.  Nasa bahay siya ngayon ni Ryle. Pero bakit siya  nandito? Ang naalala niya kagabi ay ayaw niyang magpahatid dito. Saka ayaw niyang umuwi sa bahay nila kagabi dahil hindi siya puwedeng makita ng mga magulang na lasing na lasing. Ang paalam niya kasi sa kaniyang mga magulang ay may group project sila sa school kaya nag-sleep over siya sa bahay ng kaniyang kagrupo. Gumawa lamang siya ng dahilan. Ang totoo niyan ay gusto niyang uminom sa bar para ilabas ang sama ng loob dahil sa kaniyang kasintahan. 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD