Third Person's POV
Azai was very lazy walking on the beach where the party they told him to attend was being held. He doesn't know why he has to come there even though he has nothing else to do but pretend with the guests.
He was just walking in, with his two hands inside his pocket when he saw two people near him. He was about to ignore it but he accidentally heard what they were talking about.
"You're disgusting! You're not that pretty but you act like one! Stop seducing some of our customers here!" The girl shouted. Agad na lumipat ang tingin niya sa nakayukong babae na sinisigawan niya. Based on her clothes, he knew right away that she's one of the employee there.
"I'm seducing no one, Ma'am." Dinig niyang pagtatanggol noong babae sa sarili niya pero nanatiling nakayuko ang ulo niya.
"You're unbelievable! You're nothing but poor! Don't you dare tell me those things because I'm fed up with that! If you want to have a boyfriend and get pregnant, don't do it while you're wearing this goddamn uniform!"
"I'm sorry," malumanay na paumanhin noong babae na ikinakunot ng noo niya. After her boss left, he saw how the girl tried to calm herself as she sat on the edge of where the plants are placed. He saw her take out her phone and answer a call.
He saw her smiling through her phone like nothing just happened.
Margeurite's POV
Pagkatapos naming maglinis sa hall at idala ang mga mesa, upuan, at iba pang gamit na kakailanganin ay pinagpahinga muna kami ng manager namin lalo na at dumating 'yong boss naming masungit.
Sa pagkakaalam ko, mayroong company party na gaganapin. May narinig akong Calara Empire ang pangalan ng company na isa sa pinaka-respetadong kompanya sa iba't-ibang bansa lalo na rito sa New York. Maraming tao ang gustong mag-apply dito ngunit iilan lang ang nakukuha dahil mapili sila sa mga empleyado.
Pare-pareho kaming mga pagod lalo na at puro babae ang mga nagbuhat ng mga mesa at upuan dahil kulang kami sa lalaki.
"What's wrong with all of your faces?!" Pagkapasok na pagkapasok niya ay iyon kaagad ang pinuna niya sa amin. "Disgusting! That's not the proper attire you should wear and proper faces when you face our customers and visitors! What a shame!"
Walang sinuman ang nag-angat ng tingin sa kaniya upang ipagtanggol ang mga sarili namin dahil pareho kaming mga pagod at isa pa, sanay na kami sa ganoong ugali niya. Ang tanging pumipigil lang talaga sa amin ay ang malaking sweldo na binibigay niya sa amin buwan-buwan.
"You!" Agad akong nag-angat ng tingin nang sikuin ako ng katabi ko at doon ko nakitang nakatingin siya sa akin. "Follow me!"
Bumuntong-hininga lamang ako bago tumayo at sumunod sa kaniya. Kung may paborito lang din siguro siyang pagdiskitahan ay ako 'yon. Hindi ko alam kung bakit ngunit pinipilit ko nalang ding tiisin ang lahat ng sinasabi niya sa akin kahit na wala naman akong ginagawang masama.
Pasimpleng hinawakan ng manager namin ang braso ko nang mapadaan ako sa pwesto niya kaya ngumiti lang ako sa kaniya.
"You're disgusting! You're not that pretty but you act like on! Stop seducing some of our customers here!" sigaw niya sa akin pagkalabas na pagkalabas ko.
"I'm seducing no one, Ma'am," kagat-labing pagtatanggol ko sa sarili ko. Alam kong hindi na tama ang trato niya sa akin ngunit kailangan ko talaga ng pera. Wala na akong pakialam sa kung anumang sasabihin niya pa sa akin.
"You're unbelievable! You're nothing but poor! Don't you dare tell me those things because I'm fed up with that! If you want to have a boyfriend and get pregnant, don't do it while you're wearing this goddamn uniform!"
"I'm sorry," paumanhin ko kahit na wala naman akong dapat ihiningi ng tawad. Padabog siyang iniwan ako sa labas kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko, hudyat na may tumatawag kaya umupo nalang muna ako sa gilid para sagutin 'yon. It was Nixson.
"Hi!" nakangiting bungad ko sa kaniya. Nakita kong nagmamaneho siya kaya alam kong papasok na siya ngayon sa trabaho niya.
"Ae, kumusta?" tanong niya kaagad sa akin. Panay lang ang sulyap niya sa akin dahil kailangan niyang ituon ang paningin siya sa daan. "Kumakain ka ba sa tamang oras? At bakit parang naka-uniform ka pa? Nag-overtime ka nanaman?" sunod-sunod na tanong niya.
"Oo, may ganap kasi rito ngayon sa hotel, eh. Calara Empire, hindi ba roon ka nagtatrabaho?" nakangiting tanong ko sa kaniya.
"Oo, nagkaroon nanaman kasi ng panibagong achievement. May kaunting salo-salo rin kami mamayang gabi sa opisina," sagot niya. "Kailan ka uuwi?"
Bumuntong-hininga ako. Madalas niya rin itong tinatanong sa akin tuwing tumatawag siya sa akin. Hindi naman kami araw-araw nag-uusap dahil pareho kaming abala sa trabaho pero maya't-maya niya akong minemessage.
"Miss na kita," dagdag pa niya. Muli siyang tumingin sa akin. "You don't look okay today. What happened?"
Natawa ako nang sabihin niya 'yon. Akala ko hindi niya mapapansin pero naalala kong kabisado na nga pala niya ako.
"Wala naman. Nakausap ko lang 'yong boss ko kanina..."
"'Yong masungit? Ano nanamang sinabi niya sa 'yo? Ako ang naiinis sa boss mo, Ae," seryosong sambit niya.
"Okay lang. Baka kailangan niya lang din ng taong mapaglalabasan ng galit. Nagkataon sigurong ako 'yon kaya iintindihin ko nalang," sabi ko sa kaniya. Nanatili lang seryoso ang mukha niya habang nagmamaneho. "Sa susunod na linggo... uuwi na ako," wala sa sariling sabi ko.
Awtomatiko siyang tumingin sa akin. "Talaga? Totoo na ba 'yan? May ticket ka na ba? Anong oras ang flight mo? Sinong kasama mong uuwi? For good?" sunod-sunod na tanong niya
"Hindi pa ako sigurado. Balak kong pumunta sa Spain, Nix," amin ko. Muli siyang sumimangot dahil doon.
"Aalis ka nanaman. Nagkaroon lang ako ng trabaho ayaw mo na akong makasama," parang batang sambit niya.
"Hindi naman sa ganoon. May kailangan lang talaga akong hanapin, alam mo naman 'yon, 'di ba?" nakangiting tanong ko sa kaniya.
"Text mo sa akin details ng flight mo, ha? Ako ang susundo sa 'yo. Bye Ae, tatawagan kita mamayang gabi. Ingat ka!"
"Bye," paalam ko rin bago tuluyang binaba ang tawag. Muli akong bumuntong-hininga bago binalik ko sa bulsa ko ang cellphone. Pagkatayo ko ay hindi ko napansing may tao pala kaya sa hindi inaasahang pangyayari ay nabunggo ko siya.
"I'm sorry!" I apologized immediately kahit na ang sakit ng ulo ko dahil tumama 'yon sa dibdib niya. Ang tigas naman ng dibdib, bato ba 'yon?!
"Are you okay?"
Napagat ako ng labi bago tumikhim at nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Yes, Sir. I'm sorry I---" Natigilan ako nang magtama ang paningin naming dalawa. Agad akong nag-iwas ng tingin ngunit agad ding binalik ang paningin ko sa mukha niya.
I saw a glimpse of memory in my head with the man in front of me. Saglit lang 'yon at 'yon ang unang pagkakataon na nangyari sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no'n. Bigla nalang akong nakaramdam ng kirot sa ulo ko kaya hindi ko na narinig ang sinasabi niya.
"Hey, are you okay?" dinig kong tanong niya.
"Sir Azai, kanina pa po kayo hinahanap ng Daddy mo!" May lalaking lumapit sa kaniya para sabihin 'yon. They know how to speak Tagalog! "Ano pong nangyari?" nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa akin.
"I---"
"Nothing. Let's just go," putol niya sa akin bago ako tinalikuran.
"Wait!" pigil ko at agad na hinawakan ang kamay niya. Napatingin tuloy siya roon kaya naman nahihiya ko 'yong binitiwan. "Sorry, have we... have we met before?" I asked him. Kumunot lang ang noo niya bago tinitigan ang mukha ko.
"No," masungit na sagot niya bago ako tuluyang tinalikuran at umalis na. Hahabol pa sana ako nang may makita akong pamilyar na tao malapit sa pwesto ko. It was the diety who gave the life I have right now.
"You know him. You know him, right?" tanong ko habang naglalakad palapit sa kaniya. "The glimpse of scenes I saw earlier. Is that part of my past? Then that means... I know who that person is?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin. "Please, tell me something. If the answer is yes, then I'll ask him to help me!"
Umiling siya pagkatapos kong sabihin 'yon. "Don't involve a human being here, Margeurite or else you'll regret it."
"But he can help me, right?" muling tanong ko. "Right?" nabubuhayan na ng pag-asang sabi ko. "If that's the case then I don't care anymore! I just want my memories back!" masayang sambit ko.
"Alam kong nasabi ko na sa 'yo ang mangyayari sa oras na mabalik na ang lahat ng memorya na tinaggal ko sa 'yo. Your second life is not a gift, Margeurite, it's a punishment," seryosong sabi niya.
Alam ko 'yon dahil madalas niya itong sabihin sa akin ngunit alam kong hindi niya rin ako papabayaan dahil lagi naman siyang nakabantay sa akin.
"I won't harm anyone, I promise!"
"You really should. Once you harm someone using the ability I gave you, it's all over for you, Margeurite. Huwag mo ng dagdagan ang hirap na nararanasan mo ngayon."
Parang bata akong yumuko at pilit tinatatak sa isip ko ang mga sinabi niya. "Can I ask you something?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita pero nanatili siyang nakatayo sa harapan ko at nakatingin lang sa akin. "Am I Spanish?"
Hindi ko mabasa ang reaksyon niya dahil wala naman siyang pinakitang kung ano. Ngumuso ako at bumuntong-hininga dahil alam kong wala naman akong makukuhang sagot galing sa kaniya.
Sa mga sumunod na araw ay naging abala ako habang iniisip kung paano ako makakahingi ng tulong sa lalaking 'yon. I don't know his name but I know his face.
Mas napapansin ko rin ang pag-iiba ni Anika, doon ko napatunayan na buntis nga siya ngunit wala pa rin akong sinabi o tinanong sa kaniya.
"Sigurado ka bang sasama ka ng uuwi sa akin next week? Sure na 'yan ha, nabilhan na kita ng ticket kaya huwag na huwag mong susubukang baguhin ang isip mo," sabi niya sa akin habang kumakain kami ng meryenda. Maaga ang out namin ngayon dahil magpapaalam na rin kami sa mga boss namin.
Nakapagpaalam na ako sa boss ko sa food chain kanina. Mabuti naman at naintindihan niya ako. She even gave me extra money para raw pang-gastos ko at ngayon, sa boss namin masungit na kami magpapaalam. Hindi ko kayang harapin siya kaya gumawa nalang ako ng resignation letter at inabot 'yon sa manager ko. Sa tigin ko, kay Grandma ako mahihirapang magpaalam.
"Pero bakit nga ba napaaga rin ang pag-reresign mo? May isang linggo ka pa naman, hindi mo naman kailangang sumabay sa akin," pagpapatuloy niya.
"May kailangan din akong gawin," tanging nasagot ko nalang dahil ang totoo ay balak kong hagilapin sa buong New York 'yong lalaki 'yon. I tried to research something about the celebreation at sinubukan ko ring tingnan ang pangalan niya sa employees profile ng Calara Empire pero hindi ko mahanap dahil hindi rin naman 'yon kumpleto.
Pagkatapos naming kumain ay kinuha na namin ang lahat ng gamit namin bago tuluyang magpaalam. Tinulungan ko na si Anika sa bitbit niya tutal ay isang backpack lang naman ang gamit ko dahil hindi naman talaga ako nag-sstay sa beach.
"Ako na, Anika. Hindi naman mabigat," ulit ko nang subukan niya akong tulungan sa pagbubuhat nung iilang box na dala niya para ipasok sa apartment niya. Malapit lang kasi ang apartment niya sa flower shop ni Grandma kaya nagprisinta na akong tulungan siya at para na rin safe ang baby niya.
Agad din akong nagpaalam sa kaniyang aalis na bago ako dumeretso sa flower shop. Naabutan ko si Grandma na inaayos ang mga iilang naka-display na bulaklak.
"Grandma..." pagtawag ko sa kaniya. Agad niya akong nilingon at nang makita ay ngumiti siya sa akin.
"You're out early! What are you doing here? You don't have work?" sunod-sunod na tanong niya.
"Grandma, I have something to tell you," nakangiti pa ring sabi ko sa kaniya.
"Sure! Wait a minute." Tinanggal niya ang suot niyang gloves at binalik ang gunting na hawak niya saka naghugas ng kamay bago lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. "What is it? What's the matter?"
I bit my lowerlip. "I'm leaving," tanging nasabi ko. Mukhang hindi niya iyon nakuha kaya nagsalita muli ako. "I'm going home. I'm resigning," sabi ko bago nahihiyang yumuko. "I'm sorry."
Resigning out of a sudden is too much lalo na at kailangan niya talaga ng katuwang sa shop pero kailangan ko ring umuwi dahil sinabi ko na rin Nixson ang flight details ko. Hindi na pwedeng magbago ang isip ko.
"You're going home in the Philippines? That's good! When are you coming back?" nakangiti pa ring tanong niya pero hindi na abot 'yon sa mga mata niya.
"I'm not sure, Grandma. I'm planning to move in Spain after. I'm sorry, I---"
"Shush, you don't have to say sorry," putol niya sa akin bago tumayo para yakapin ko. "When is your flight? I'll give you your advance payment for this month and next month."
"You don't to give me---" hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko dahil pinigilan na niya ako. Pinauwi niya na rin ako para raw makapagahinga na ako at hindi na ako tumanggi pa. Pagkarating ko sa maliit na apartment na inuuwian ko ay agad kong nilabas ang laptop na regalo sa akin ni Nixson at nagsimula nanamang maghanap ng impormasyon tungkol doon sa lalaki.
Inabot na ata ako ng tatlong oras pero ni picture niya ay hindi ko pa rin makita kaya napagdesisyunan kong lumabas muna saglit para bumili ng makakain. Tahimik lang ako habang nakalagay ang dalawang kamay sa suot ko habang naglalakad.
Nag-take out nalang ako sa isang restaurant na walking distance lang sa apartment. Habang naglalakad na ako pauwi ay may biglang bumunggo sa aking isang lalaki. Ni hindi man lang ako nilingon dahil nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarinig ako ng ilang ingay kaya dali-dali na akong naglakad pauwi sa apartment dahil sa gawing 'yon nagpupuntahan ang mga tao.