MULA SA itaas ng rest house ay palihim na sinulyapan ni Patrick ng tingin si Alpha. Nakapusod ito pero bahagyang naglaglagan sa batok nito at paligid ng mukha ang ilang hibla ng makapal nitong buhok. Gumagawa ito ng sandwich at kape. He felt the familiar warmth in his chest, but he immediately discarded the emotion. Hindi maaaring lumambot ang puso niya para sa ‘asawa.’ Walang puwang ang awa, konsensiya at pagmamahal niya rito ngayon, dahil kailangan nitong maunawaan ang perhuwisyong idinulot ng pagmamaniobra nito sa buhay niya--at sa buhay na posible sanang napasakanila kung hindi lang matigas ang ulo nito. Ito ang dahilan kung bakit nagkagulo-gulo ang lahat. Planado na sana ang lahat kung hindi lang ito nanghimasok. Pakakasalan niya si Anne pero makalipas ang ilang buwan ay ipapa-ann

