chapter two

4895 Words
Lily Naglibot ako sa mall. Kanina ay nagsama kami nila Avan at mga kaibigan niya pero naisipan naming mag part ways kasi may pupuntahan pa naman ako. Dumaan ako sa mall at naglibot-libot muna. Kahit ilang lamon ko sa bahay nila Tita Lucy ay gutom pa rin ako kaya pumasok ako sa isang cafe na nasa loob lang din ng mall. "I'll have an Americano and this Dark Chocolate Cake, please." Sabi ko at tinuro yung gusto kong orderin. Naramdaman kong nagvibrate ang telepono ko kaya nang matapos akong mag order ay umupo ako sa isang table at kinuha ang cellphone ko. Avan Calling.. Now one would be wondering kung bakit may number niya ako, pero one would only wonder more if hindi ko ito nakuha. "Evans' phone." "Hey. Saan ka ngayon?" "In a cafe." "That's nice to know, pero give me the name." Napakunot ang noo ko pero ginawa ko ang sinabi niya,. "Err. Den's Cafe." "I see." Sabi niya saka binaba ang telepono. Napa-shrug lang ako at binalikan ang impormasyon ni Avan at mga acquaintances niya. Avan seems to be around people that have good looks. I mean, look at me. Napatingala ako nang may naglagay ng gamit sa table ko, inilagay ng isang waitress ang order ko at ningitian ako, tinaguan ko siya at bumalik sa aking ginagawa habang panay higop at kain. "Nakikiupo." Tumango ako kay Avan nang hindi lumilingon, Umupo siya sa harap ko at nagpatuloy ako sa pagscroll ng mga impormasyon. "Who's Ariel?" Nang hindi siya sumagot ay napalingon ako sa kanya at nakita siyang namula ulit. Tumango-tango ako at nagsulat ng notes. "I see. I'll label it as 'First Love' then." "Hoy!" Napangisi ako. "Not denying means I'm right." Asar ko. "Hindi ko naman dine-deny. Pero pakihinaan lang ng boses, nandito kasi mga kaibigan niya." "I see." Sabi ko. "What brings you here?" "I'm here for you to answer my questions." "Unfortunately, Avan, that's not the reason as to why I was hired." Sabi ko sa kanya at nagbasa ulit. "When did you met Lein Ordon?" "You weren't hired to ask me questions too!" Asar niyang sabi kaya napatawa ako. Akala ko hindi niya sasagutin pero nagsalita siya, "when I was 14." Tumango ako. So 4 years ago. "So I can hire you for anything?" "Yes. But you're too late. 'Eto na yung last kong project." "Last? Why?" Napalingon ako sa kanya at napabuntong hinga nang makita ko ang super invested na mukha niya. Shouldn't have looked. "That's just how it is. We have a contract that lasted only in a certain time. To work after your contract expires, you need to renew it. And if not, you're out. I didn't so here I am." Tumango-tango siya. "Ahh, so it's like a kpop contract?" Kpop contract? "A what?" Lito kong tanong. "Anyways, can you tell me why you had to have a bodyguard?" "Yes. Pero I can only tell you if you exchange it for an important answer you have." "A trade, huh? What kind of important answer?" "Like your previous job." Tumango ako. "I see. So di ko malalaman kung bakit, tsk tsk tsk."Sabi ko saka umiling-iling. May sasabihin pa sana si Avan nang maputol siya sa pagsasalita dahil may tumawag sa akin. "Evans' phone." "Lily!!! Why didn't you-" Agad kong in-end ang call nang marinig ko ang kanyang nakakarinding boses. "Who was that?" Curious na tanong ni Avan. "Boyfriend." Napatampal ako at nabiliban sa sarili ko dahil sa napakabilis na sinungaling na nabitawan ko. "No, I meant an acquaintance." Tumango siya sa akin. "I see. My friends and I are going to have dinner later since mom will be out today. Tawagan mo lang ako, sabay tayong mag-dinner mamaya." "Sige." Umalis na siya at bumalik ako sa pag kain. Nang matapos ay pumunta ako sa isang department store at bumili ng mga necessities. Alas singko pa lamang nang matapos akong bumili ng mga kakailanganin ko, tinawagan ko na rin si Mr. Loef kung saan ako kukuha ng mga kagamitan dahil sinabihan niya ako na siya na ang bahala doon. Mabuti nga at nandoon na iyon sa bahay nila Tita Lucy kaya pupuntuhan ko nalang ito mamaya. Dialling Avan... Mahigit nakatatlong tawag na ako nang hindi niya pa rin ito sinasagot. Nakakunot ako at imbes na tawagan itong muli, ay tumayo at hinanap siya. Kahit hindi pa ako nagsisimulang maging bodyguard ay naging responsibilidad ko na rin siya kaya dapat ko siyang bantayan. Mahirap na, baka bangkay na yung babantayan ko. Habang naglilibot, may nakita akong nagkumpulan sa isang tahimik na hallway sa mall, may apat na lalaking nakapalibot sa isang lalaki din. Nilapitan ko sila para tingnan kung sila Avan nga ba ito, pero nagkakamali ako. Nakatungo ang lalaking pinapalibutan at nakangisi yung apat. "Umalis ka dito, miss, kung ayaw mo madamay." Sabi ng isa sa apat na lalaki, tumango naman ako at umalis. Nakita kong nanlaki ang mata ng lalaking pinalibutan nang makita akong paalis na, pero kinindatan ko lang ito dahil hindi ko naman ito problema. And he looks like he can handle it himself. Bumalik ako sa paghahanap kina Avan nang biglang magring ang cellphone ko. Sinagot ko agad ito nang makitang si Avan ito. "Lily, we're at Compass in front of the mall." "Akala ko sa mall kayo?" Lito kong tanong pero nagsimula na din akong tumayo at pumunta sa exit ng mall. "Well, whatever. See you." Sabi ko at binaba ang tawag. Palabas na ako nang mall nang may biglang humabol sa akin, nilingon ko ito at hinihingal siyang may inabot sa akin. Nakakunot-noo ko siyang tiningnan at hindi kinuha ang kanyang binigay. Mahirap na, uso pa naman tanim droga. Nang lalakad na sana ako paalis, nagpa-una siyang naglakad at hinarangan ako. "Teka lang." Napabuntong-hinga ako at sumandal sa isang pader na malapit lamang sa exit. Nang makahabol na siya nang hininga, hinarap niya ako."Hindi ako sigurado kung naaalala mo-" "Naaalala kita. Get to the point." Inip na sabi ko dahil gutom na ako at wala ako sa mood para makig-usap ngayon. Ang lalaking ito ay yung lalaking napapalibutan kanina, I'm guessing he took care of those. "Thank you." "I didn't do anything." Litong sabi ko sa sinabi niya. "Exactly. Thank you for that. Others would h-" "Look, as much as you love to have a chat with me, I have to go somewhere." Sabi ko at agad na naglakad palabas ng mall. "Ah, you're welcome, I guess." Nang nakita ko ang malaking sign na may katagang 'Compass' ay hindi na ako nagdalawang isip na eto 'yung ibig sabihin ni Avan. Pumasok ako at agad na may pumunta sa aking servers. "Good evening, welcome to Compass. Table for two?" Nilingon ko ang babae at umiling. "No. I'm here for Avan Wild." Tumango naman agad yung babae sa akin at iginaya ako sa terrace. "This way po." Nang makarating, nakita kong nagku-kwentuhan si Avan kasama ang kanyang mga kaibigan. Tinanguan ko silang lahat at umupo sa harap ni Avan. Hindi kami nagka-imikan dahil okupado siya sa pag-uusap sa kaniyang mga kaibigan. Isinuri ko ulit ang lugar at kinuha ang aking telepono para mag ungkat-ungkat. "Hi." Nilingon ko ang aking kanan at nakitang nakatitig sa akin si Lloyd. "Hey." "So I'm curious." Nang sinabi niya iyon napangiwi ako, kaya minsan akong nahihirapan na magtrabaho sa mga bago na proyekto dahil sa mga napakaraming tanong ng mga kliyente o kaya naman mga acquaintance nito. "Aren't you all?" Sabi ko at uminom ng tubig. Napatawa naman siya bahagya at bumalik sa pagsasalita. "It's a different kind of curiosity, I promise." Sure, sure. Tinanguan ko nalang siya na para bang nagpapahawig na magpatuloy siya. "So, like, have you killed someone?" Napahinto ako at nilingon siya. Ningisihan ko siya, "Hmm, I don't know, hulaan mo if you're so curious." Sabi ko at bago pa man siya makapagsalita ay may dumating na waiter. "I'm James, I will be your server as of today." Sabi nito at lumabas ng ballpen at papel. Nang matapos kami ng order ay agad umalis yung James. "Lily." Napalingon ako sa tawag ni Avan. "Yes?" "Actually this is your welcome party. Na inform na kami na may magiging bodyguard ako, pero hindi namin alam kung kailan dahil marami nang tumanggap nito pero hindi naman nagtagal." "I see." Napatahimik naman sila at akala ko babalik na sila sa pag-uusap pero napatawa sila. "Haha! I will never get used to your dry replies!" Tawa nila Avan at hindi ko nalang sila pinansin at binaling ang atensyon ko sa pagkain na parating na. May mga maliliit na salita parin pero hindi ito ganon ka aliw kanina dahil kumakain kami. "Oooh, good posture!" Nilingon ko si Jordan. "Is that so?" "Yes, noon pa ako tinuruan ng etiquette kaya naman napapahanga ako kapag may nakita akong mga taong marunong nito." Tumango-tango ako. "Well I guess that's to be expected of a runaway heir." Jordan Salba is heir to one of the Asia's top companies that has owned many branches all over the world. And they are very diverse kaya madami ang sales nito and since only child si Jordan, it's to be expected na siya ang magiging tig pamana nito, pero umalis ito nang walang pahintulot at nagtago. Tumahimik ang paligid at tiningnan ko sila na puno ng gulat nila akong tiningnan. "What?" "Alam mo?" "Luh ba't alam mo?" "You knew?" "Oho~" Iba't-iba ang reaksyon na nakuha ko sakanila pero mostly gulat ito. "Did you do a background check on me?" "Of course. As you all are close to him, I ought to do so." Tumango-tango lang sila pero bakas ang pagkauncomfortableness sa kanilang mukha. "Don't look too shocked. Didn't you do a background check on me, too?" "W-well I did. But it still is shocking, you know." "Besides, except for basic information, wala kaming nakitang ibang impormasyon sa iyo at sa previous job mo." Napangisi ako, "It would have been stranger kung nakuha ninyo yung mga ganyan na impormasiyon." Sabi ko ar bumalik kami sa pagkain. Napalingon ako nang mayroon akong naramdaman na tumitingin sa amin. Napakunot ako dahil damang-dama ko ang killing intent nito. 'Sinong tanga ba ang nagpapakita ng kaniyang killing intent sa open space?' Tanong ko sa sarili ko. Nang malaman ko ang sagot ng tanong ko, agad akong tumayo at akmang aalis nang tinanong ako nila Avan. "Saan ka pupunta?" "Cr lang ako." Mahinang sabi ko pero alam kong narinig nila iyon, lalo na ang taong nagtatago sa labas. Nang binuksan ko ang pinto, agad kong sinipa ang lalaking nakacasual na attire lang at gin-ag ang kanyang bibig gamit ang table napkin na nasa lamesa kanina upang hindi ito umimik at makatawag nang iba pa niyang kasama. Isinirado ko ang pinto at hinila ang lalaki papunta sa isang closed veranda na malapit lamang sa table namin, kung saan naroon ang isa pa niyang kasamahan na agad kong binato ng isang kitchen knife na binili ko kanina sa mall. Natamaan ang dibdib nito at agad itong nangapos ng hininga at tumirik ang mata nito bago ito tuluyan na nakahiga sa sahig. Kinuha ko ang isang baril na nasa balakang ng lalaking ngayon ay patay na at bago pa man ako mabaril ng kanilang sniper ay agad akong nagtago kasama yung hostage ko. I prefer calling it a 'shield' pero I'll stick to hostage nalang. Nagpaputok ito nang ilang beses at maingat ito sa pagbaril dahil gumagamit ito ng suppressor. (A/N : Suppressor is silencer guys) Nang napagtanto ko na ang lokasyon ng kanilang sniper, ay agad kong pinatay ang hostage ko at umalis upang puntahan yung sniper nila na nasa kabilang building. 'It was a mistake to bring only two people on foot.' Naisip ko bago ako nagdali-daling nag-elevator. Yes, elevator. Modern na ngayon at ayaw ko naman magstaircase dahil mayroon naman elevator. "La la la la la~" Kanta ko habang hinihintay na mapunta ako sa top floor para makarating ako sa rooftop. Naka-hook ang CCTV ng building dito sa cellphone ko kaya kitang-kita ko ang pagpapanic nang dalawang tao sa rooftop, yung sniper at saka yung spotter. Ni-lock ko kasi yung doors, technology sure is convenient! Nang makarating, umakyat ako at sinalubong sila ng may ngiti sa aking mga labi. "Hi." Sabi ko at agad na pinatay yung sniper. The sniper was obviously oblivious to the plan dahil kanina pa sila nag-aaway and I can see na si spotter yung may mas upperhand sa kanilang dalawa. "Talk." Sabi ko, nanginginig siya at biglang lumuhod, sweats, snot, and tears coming out all at once kaya napakunot ang noo ko. "Please spare me. I'm innocent!" Bigla niyang sabi kaya hinila ko ang isang chair at napaflinch naman siya nang malapit itong tumama sa kanyang mukha. "Warden Reyes, Yerie Reyes, Laura Reyes, Nathan Reyes, and Joshua Reyes." Mas nanginig siya nang marinig niya ang pangalan niya kasabay ng kaniyang pamilya. I didn't take the elevator for no reason, it gave me enough time to know who this man is. "Hmm~ Which one should I kill first? Eenie, meenie, miney, you." Sabi ko sakay tinuro ang baril ko sa kanyang sentido. "Salita." Walang pasensyang sabi ko dahil kanina pa nagvi-vibrate ang cellphone ko, at nasisigurado kong si Avan iyon. Parang nagulat siya nang magtagalog ako pero hindi ko iyon pinansin and look at him sternly. Nang hindi siya nagsalita ay agad kong binaril ang kanyang kaliwang kamay. "I hope that juggled up some memories. Would like to talk more, but I'll see you later." Sabi ko bago ko siya pinatulog. Naglakad ako patungo sa stairs at dinial ang kakilalang numero. "Hi, this is Evans, I will need you to clean something up." -- "Hi, thank you for waiting. 'San yung mga kaibigan mo?" Tanong ko kay Avan nang makita kong siya lang ang natira sa table. "They left." "All of them? At once?" "Charot. Pinauwi ko sila dahil pinapatawag tayo ni Mommy. Kanina pa ako tumatawag, 'bat hindi ka nakasagot?" Usyuso niyang tanong. "Ah. May tinawagan lang ko. Halika." Sabi ko at umalis na kami. Nang makarating sa sasakyan, tinanong niya ako, "Do you know how to drive?" Tumango ako, "Oo, pero wala akong lisensya." Parang lumiwanag ang kanyang mukha sa sinabi ko. "Great! Samahan mo ako bukas." "Of course, I'm your 'cousin' after all." Napagdesisyunan namin na ang gagamitin naming codename sa 'bodyguard' is 'cousin'. Hindi naman kailangan ng codename dahil wala naman akong pake kung may makakaalam na bodyguard ako pero nagpumilit si Avan kaya sinabi ni Tita Lucy na sabayan nalang ito. Weirdo. Tumawa siya sa aking sinabi at sumakay na kami sa sasakyan. Wala kaming imik pauwi at tahimik ang buong biyahe pauwi ng bahay, the reason being him asleep the whole ride. Kumuha ako ng unan at inilagay si Avan sa comportableng posisyon upang makatulog ito. Nang makarating, sinabihan ko ang driver na buhatin siya papasok at tumango naman ito. Binati kami ni Tita Lucy nang may masayang ngiti habang nakatingin kay Avan. Nang makapasok, pumunta ako sa kwarto bitbit ang mga pinamili ko at saka ito inayos, ang isang unan na pair nitong isa ay naroon kay Avan. Nagpunas ako at nagbihis ng damit bago pumunta sa opisina ni Tita Lucy. Kumatok ako ng tatlong beses at naghintay. "Sino 'yan?" "Lily Evans po." "Sige, pasok." Inikot ko ang hawakan ng pinto at pumasok. "Magandang gabi po, Mrs. Wild. Narito po ang report ngayong araw." Sabi ko at binigay sa kanya ang isang folder na naglalaman kung anong nangyari ngayong araw. "I told you to call me more comfortably. Salamat sa report." Tumango ako. "I will be absent this evening po, babalik ako mamayang umaga so kung kailangan niyo man ako, I'll be busy. That is all." Sabi ko at saka umalis. Bumalik ako sa aking kuwarto at kinuha ang mga kailanganin ko bago ako nagpaalam sa mg maid na gising pa at umalis sa mansyon. -- 9:30 A.M Nang matapos ako sa ginawa ko, ay agad akong umuwi, nang makarating ako sa bahay ay nakarinig ako ng mga tinig kaya kumatok muna ako bago pumasok ng pintuan. "Oh, ikaw pala 'yan, Lily. Halika pasok!" Pumasok naman agad ako at saka nagmano kina Ale at Tita Lucy. "Magandang umaga 'ho." Sabi ko at saka naglakad pataas, nahagip ko si Avan na kumakain sa hapagkainan, "magandang umaga." Sabi ko bago pumunta sa taas. Naligo ako at saka nagbihis ng kaswal na damit at saka jogging pants. Nanatili muna ako sa kwarto ko at nagbasa-basa ng romance novel na nakita ko sa internet. This'll be a great step in me being more normal. Hindi naman maaalis ang aking nakaraan pero kahit na kaunti ay gusto ko pa ring makita kung ano ang magiging hantungan ko if I were raised differently. Ang binabasa ko ngayon ay 'Tula'. Hindi ito popular kaya nakuha nito ang aking atensyon, maayos lang naman ang pagkakasulat nito pero nasisiyahan pa rin ako. Ang akin nga lang ay kung bakit hindi pa rin alam ni Yael ang nararamdaman ni Loisa e' napakahalata na nito. At saka bakit hindi nalang umamin si Loisa sa kanyang nararamdaman? Para hindi rin siya masaktan. Bobo amputa. Hindi ko muna tinapos ang aking pagbasa dahil kumukulo na ang aking tiyan, nakaligtaan ko kasing kumain kanina kaya ngayon gutom ako. Tumayo ako at saka naglakad pababa, wala na si Tita Lucy at ang nakikita ko lang na narito ay si Avan na gumagamit ng kanyang cellphone habang tumatawa. Napansin niya akong bumaba kaya tinanguan niya ako at ningitian, tinanguan ko siya pabalik at naglakad papunta sa kusina. "Nasa lamesa yung breakfast." Pumunta ako sa lamesa at nandon nga ang pagkain, nang mabuksan ko ang takip nito ay may nakita akong note. "Lily's Breakfast" Kinuha ko ang note at saka ito pinasok sa aking bulsa bago ako nagsimulang kumain. Nang patapos na ako ay nakarinig ako ng yapak na sa tingin ko ay kay Avan. Naglakad siya at umupo sa harap ko na may malaking ngiti. Hindi ko ito pinansin at tinapos ang aking pagkain bago ko siya nilingon. "Ano?" Kumuha ako ng tubig at saka uminom nito, parang hinintay yata ako niya na matapos uminom dahil pagkatapos nito ay agad siyang nagsalita. "Oooh, nakasanayan mo nang magtagalog, ah!" Sabi niya sabay clap. "Nga pala, may pupuntahan ako mamaya, kasama ko mga kaibigan ko kaya ayos lang na hindi ka pumunta, baka kasi hindi ka maisama sa aming pag-uusap." Sabi niya at naglaro sa kanyang kamay. "I don't mind, I'm not a fan of talking to strangers din naman." Parang nataranta naman siya na sinabi ko, "Hindi ganon, eh, may gusto lang sana kasi kaming puntahan, it's not appropriate to take you there." "Why?" "Ba't andami mong tanong, bawal nga sabi!" Inis na sabi niya saka nag pout. He crossed his arms and looked away from me, ginagago niya ba ako? "Kahit saan pa 'yan, hindi pwedeng wala ako, what's the use of guarding someone if wala ka sa tabi ko?" Napa-sipa siya sa sahig kaya nanlaki ang matang tiningnan ko siya. Anlaking tao, nagta-tantrum? "Hindi nga!" Napangisi ako, "Pupunta kayo bar, 'no?" Mabilis niyang nakaway ang kanyang kamay. "Hala hindi! It's similar pero hindi ganon." Napatakip siya sa kanyang bibig. "Strip club?" "Crazy!" "Ah!" Nilingon niya ako na nagpapawis ang sentido. "An 18+ store, maybe?" Parang nanigas siya sa sinabi ko kaya napatawa ako. "W-wa-what?!!?!? Hindi 'no!" Sabi niya at tiningnan ako na magkadikit ang kanyang mga kamay na para bang sinasabing 'wag ko itong sabihin. Napailing naman ako sa kanyang ginawa pero napangisi din. "Magbihis ka na." Parang lumiwanag ang kanyang mukha at dali-daling naglakad paakyat. Kinuha ko ang aking cellphone at nagtungo sa note. "Number two, likes p0rn." Salita ko sa aking sinusulat na 'Avan Facts'. Tinago ko agad ang aking cellphone nang matapos magbihis si Avan. Nakasuot ito ng v-neck na shirt saka fitted na jeans. "May pupuntahan pa tayo bago tayo pumunta dun." Sabi niya at ginabay ako papunta sa parking lot. "Oh, Aleng Barek! May pupuntahan sana kami ni Lily." "Ah ganon ba? Sige, sige, kunin ko muna ang susi." Sunod-sunod na tumango nang nakangiti si Avan. "'Bat napaka-excited mo yata, tuyo ka na ba?" Asar ko, pero bago pa siya makasalita pabalik sa akin ay bumalik na agad si Aleng Barek. "Halika na." Sabi ni Aleng Barek kaya sumakay na kami sa sasakyan. Pinigilan ko siyang sumakay sa shotgun at itinuro ang backseat. "Dito ka umupo at mabantayan kita ng maigi." Sabi ko at tumango siya at sumunod. Tahimik lamang ang biyahe at sila Avan at Aleng Barek lamang ang nag-uusap. "Dito lang po kami, Manong. Pakidala nalang rin po ni Johnny mamaya, dala ko po yung spare key kaya ipark niyo nalang po kahit saan. Salamat po Aleng Barek!" Sabi ni Avan bago kami makalabas sa sasakyan. "Salamat po." Pagpapasalamat ko at tinanguan ako ni Alen Barek. "Sige, mag-ingat kayong dalawa. Paalam." Sabi niya at saka umalis. "Johnny?" "Yes papa." Biro niya pero pinilig ko lang ang aking ulo pakaliwa nang hindi ko naintindihan ang kanyang biro. Napasimangot naman siya. "You know, joke-killer ka din minsan." "I see." Sabi ko at umiling naman siya at nag-mutter ng words that I think were swear words in different language. Naglakad na kami at may isang hakbang lang ang aming agwat so that if ever harm comes in his way, mas madali ko siyang mapo-protektahan. Tiningnan ko ang sign ng building na pupuntahan namin at tama nga ako na ito ay para sa pagmamaneho. Masayang kinuha ni Avan ang kamay ko at pumasok na kami. Nang makapasok, madami ang taong nakapila at halatang inip na sila sa pagpipila. Binalewala ni Avan ang pila at naglakad papunta sa reception, wala lang isang minuto kaming nakapasok at nakasingit ng pila nang makita nung babae sa desk ang kanyang mukha. Narinig ko naman ang mga galit at inip na sinasabi ng mga pumipila at masama ko silang tiningnan nang bigla silang nag-ingay. Kasalanan bang maging mayaman? Naglakad kami papunta sa malaking road area at may mga nakaparada na sasakyan sa gilid. "Mr. Avan! A pleasure to have your visit, I'm Mr. Larry Reyes." Napalingon ako sa kanyang sinabi. Although karamihan ang mga Reyes dito sa Pilipinas ay hindi ko maiisip na makakakita ako ng Reyes. "Ditto." May katahimikan na naganap bago ngumiti si Larry at ginabayan kami papunta sa isang desk na may mga papeles. "Just fill up this form and after that, magte-test drive tayo. If you have any questions, feel free to ask." Tumango kami at umupo siya two tables away from us at saka na kami nagfill up nung form. I'll be having only a student's permit since I'm still underage, meanwhile Avan will be having his driver's license. May test din kaming ginawa bago kami namili ng kotse at sumakay nito. Sumama ako kay Avan sa pagda-drive niya kahit na tutol ang lahat sa aking desisyon, isang threat lang gamit ang kanyang gagawin mamaya ang nakapagpasang-ayon sa kanila. Nang nagda-drive siya ay nakatama siya ng ilang cones, and worse, he's a slow driver. I wouldn't ask him for help in a car chase if ever, I'd rather drive while shooting other people. Nang matapos siya ay ako naman ang nagdrive, dahil sanay naman ako sa pagda-drive ay mabilis kaming natapos. Masaya namang hinawakan ni Avan ang kanyang lisensya at tiningnan ako, "I got it! Haha!" Masaya niyang sabi then ran towards the exit. Napailing lang ako saka sumunod sa kanya. "Congratulations." Nilingon ko si Mr. Larry Reyes. "Thank you." Aalis na sana ako nang may naisip ako. "I know a Reyes, do you happen to know Laura Reyes? She's in her 40s." Tumango siya kaya napangisi ako, nice. "Ah si Laura? Oo naman, kapatid ko 'yon." "Is that so? That's nice to know." Sabi ko sa kanya at umalis. "That's really nice to know." Napasabi ko bago ako nakapunta sa parking lot at hinanap si Avan na nakaupo sa hood ng isang Audi. "Hi." Nakangiti niyang bati. "'Lika, ako magda-drive." Excited niyang sabi kaya sumunod ako at sumakay sa shotgun seat. Nakaupo siya at mahigpit na hinawakan ang manobela, nakapikit ang kanyang mata at nagfi-fidget ang kanyang mga paa. Mga ilang minuto pa bago niya inimulat ang kanyang mata at nagtama ang aming tingin. Ningitian niya ako, "Let's go." Sabi niya at nagstart na magreverse nang may biglang tumawid at muntik na niyang masagasaan. "Oh!" Napasabi niya nang malapit matamaan ang kanyang ulo sa manobela. Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi nag activate ang airbag but at the same time hindi. Nagmadali siyang umalis at sumunod naman ako, pumunta kami sa likod at nakakita kaming galit na galit na lalaking may dalang bag. "Tumingin naman kayo sa daan kung may tao ba o wala! Hay nako mga bata ngayon." Sabi niya saka umalis. "Ayos ka lang?" Tanong ko kay Avan na nanginginig.Tumango naman siya sa akin. "Akala ko makukulong na ako." Mahina niyang sabi, nagbuntong hininga siya at saka mabilis na sinampal ang kanyang cheeks. "Ha!" Hindi ako nagsalita at nilingon niya ako nang nakangiti. "Let's go!" Sabi niya at nagpaunang naglakad papunta sa driver's seat. Tumango ako at saka sumunod. Nang makapasok ay dahan-dahan siyang nagreverse at successfully na nakaalis sa pagpa-park. "Here." Sabi ko sakanya saka inabutan siya nang candy. I heard kids like candies, and it does help calm the nerves... I think? "Ah. Thanks." Sabi niya at kinuha ito at kinain nang nagred light. "How long will you be here?" "In the Philippines?" Tumango siya. "I'm thinking of staying for good after maybe a year of finishing the mission." "Ooh! That's nice! We should meet when you do stay here. Gusto ko nang house tour." Sabi niya saka tumawa. "Yeah, sure." Nilingon ko siya. "How about you? Anong plano mo after college?" Tanong ko sa kanya dahil graduating student na siya this school year. "Hmm, I'm thinking of inheriting mom's business and also having my own that I can merge with hers. I, too, want to travel all over, maybe for summer pupunta ako ng ibang bansa." Masaya niyang sabi. "That's nice, which country would you love to visit?" "Hindi pa ako nakaisip kung saan, pero I'm thinking that Europe would be nice." Lumiko kami at saka dumaan sa isang gate. Behind those gates ay ang mga buildings na may ilang espasyo mula sa isa't-isa. "Saan tayo pupunta?" Sabi ko nang hindi ko na recognize ang place. "To our building." "Kay Tita Lucy?" Umiling siya at saka nagpark sa isang underground parking lot. Nilingon niya ako at ngumiti. "Nope. It's for me and my place." Tinanggal niya ang kanyang seat belt. "Let's go." Napatunganga lang ako bago ako bumalik sa huwisyo at lumabas sa kotse. "This building, for only the five of you?" Gulat kong tanong. "Haha, yes. Our parents pitched in para sa gastos, pero mostly kami ang nagbayad para sa building at nagdesign ng interior saka exterior." "Wait." Nilingon niya ako. "Hmm? What is it?" "Don't tell me you own the other buildings in the block?" Tinawanan niya ako at naglakad kami papunta sa entrance ng building. "Don't be silly, Lily. We don't." Tumango ako. "We own the whole village." Sabi niya saka nagpaunang naglakad sa entrance habang may ngiti. Tinanguan naman siya sa mga guards at mga employees sa pagpasok namin. "You five are a crazy bunch." Tinawanan niya ako. "A group of crazy rich bunch." Mas lumakas ang tawa niya at ginabayan ako papunta sa elevator. "Thanks for the compliment, but aren't you richer? I heard my mom's giving you a blank check for this." "No comment." Sakto namang nag-open ang door kaya hindi pa nakasalita pa si Avan. Nasa 20th floor kami kaya medyo nagulat ako dahil mabilis kaming nakapunta dito. "The elevator's a new product of one of our partners from Japan. It's limited edition but we're planning on mass producing it as soon as makakita kami ng alternative para sa isang materyal dahil may pagka-rare iyon." "Your company's great, not something a group of 19 years old would think of having." "Well no normal 19 year olds would have bodyguards, so this much is not something to gasp to." Tiningnan ko ang well-light na floor, may tatlong pintuan ang naroon at maputi ang ceiling, paired with wooden floor and dirty white walls. May bulbs sa gilid na para bang lamps-shaped. It has a classic design and are nice to see together with the modern design of this floor. The bulbs reflects the color of yellow, giving a classic vibe to the floor and making the place - what I'd like to call - expensive. Nang makarating kami sa malaking oak wooden double-door, ay nagpamaunang naglakad si Avan, giving a slight mocking bow and politely opened the doors. "Welcome to Lusalor Wañez!" Napatigil ako at napatingin sa kanya. Lusalor Wañez? Despite the odd name, the brand is widely known, not to ordinary people, but to the really rich ones. There had always been a clear line between the lower class, middle class, upper middle class, upper class. But there's one thing those people can't see, the huge transparent line that only the upper class and the VIP class see. VIP class represents those who's rich enough to cover their net worth and look like a lower class yet the brands they're wearing and the fabric of choosing and how its made is something no one can even imagine. And Lusalor Wañez is one of those brands VIPs.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD