"Student"
LILY
Habang kumakain sila, naalala ko ang usapan namin ni Kian kagabi.
Habang niyayakap ang unan sa kama ko ay agad kong nilog-in ang aking account sa website ng company. May mga accounts kaming lahat at nandito ang most information regarding sa mga clients and also ex-members of the association. Dito ko kasi makikita ang number ni Kian kaya naisipan kong dito na lang ako maghahanap dahil nakalimutan ko ang pangalan ng kanilang kompanya.
Si Kian ay naging partners ko na, may duo si Kian na si James at sila ang isa sa mga magaling sa amin. They're the number one duos in the industry, at alam iyon ng lahat. Kaya nung malaman ng lahat na magreretiro sila ay agad nila itong pinigilan pero walang itong nagawa dahil umalis pa rin sila.
They joined six years ago kaya they were able to leave a year before me kaya nakatayo na sila ng kanilang kompanya na noon pa nila gustong gawin. Unlike me, who joined the industry and the company because it was a last chance and the only way for me to be alive, they joined because it seemed interesting.
To be more precise, sumali si James because he thought, yes he thought, that it was the same industry his family was in. He did it on a whim at first, then joined because everything seemed interesting, he never asked his family due to the reason of him wanting it to be a surprise.
His family was certainly surprised he joined the job, and this type of industry, and after having an earful nagging from his relatives, he then went on to finish his years of doing the work, which he enjoyed. As for Kian's case. Well.
He joined because he saw James joining, he joined because he too, was interested. But not at the industry, it was on James. He quote, "He awakened the gayness in me when I saw his sexy butt."
They're closer than ever now after having a company. They're engaged to one another and I couldn't be more happy with them.
I was happy with everything except for the part when Kian randomly texts me and sends me pictures of his big engagement ring doing random things like picking up a glass, drinking water, getting the keys. Which made me annoyed to the point of blocking him, so now here we are.
Napakunot ang aking noo nang hindi ako makalog-in. Naglog-in ulit ako ang after 5 tries, I gave up. Lito ko munang tiningnan ang screen ng laptop bago napabuntong hininga at ginamit ang aking dummy account.
Yes, dummy account. Despite the account being made nine years ago, it still is not suspended nor deleted. It's randomly active by me so it isn't deleted because it's inactive.
I then searched Kian's name and when I withhold of his contact information, agad ko itong dinial. After ilang rings ay may agad na sumagot.
"This is Kian & James' Corporation. I'm Ivy Lane, how may I help you?"
"Hi, this is Lily Evans, I woul-"
"I'll connect you to Mr. Oliver right away" Lito akong tumango pero hindi sumagot. Kian must've told them about me.
"Who's this? Wait a second, J."
"Hey, Kian."
"Lily?! Wait. Lilian?"
"Yes, Kianivieve, it's me."
Nakarinig naman ako ng inis na 'tsk'. "Ew. Fine, Lily. Why are you calling me at this time?Did you know that I was in the middle of giving James the best fcking fella-"
"Too much information. Shut up."
"Haha, anyways. I didn't know you're still alive. Since you, after all, were busy blocking me without any thought of unblocking me."
"Oh. About that, well, err, I forgot." Na-imagine ko na ang pagro-roll eyes ni Kian sa akin.
"Alam mo bang ilang araw na akong kino-contact ng mga randos tsaka mga potential at regular clients mo? It's annoying. Mas dumami lang sila nung bigla ka nalang umalis without telling anybody."
"Not telling anyone was our plan, remember?"
"That was the plan. Pero akala ko ay mabibilang lang ang pupunta at inisin kami kaya madaming security all around our building, we live in our building now to avoid running into those weirdos." Tuloy niyang sabi. "Ano bang ginagawa mo na ngayon, babae?"
"I'm in the middle of job right now. It's going to be my last job related to the company kaya kinuha ko na. Although naghe-hesitate pa rin ako."
"Bakit? Anong klaseng trabaho ba yan? Hey, James. Si Lily 'to."
"Hey, Lil!"
"I'm guarding someone."
"Guarding?? You?"
"Why? Were you threatened? Was several guns pointed at you?" Huminto muna siya sa pagsasalita at biglang napasinghap. "Gets ko na! Tinorture ka noh?" Napailing agad ako.
"No, I wasn't. It just seemed interesting, y'know. Guiding someone."
"Interesting, my ass. If there's anything you're interested in, it's seeing people trip and fall. Are you doing well on your job?"
"I guess so? Hindi ko alam. Wala naman ata akong maling nagagawa."
"Then that's good."
"Although, nagdadalawang isip ako sa binabantayan ko.."
"Sino ba 'yan?"
"It's Avan Wild. You know-"
"Lily?" Nabalik naman agad ako sa realidad nang tinawag ako ni Avan.
"Yes?" Tiningnan ko naman agad ang paligid at medyo nagulat nang kaming dalawa nalang ni Avan ang natira sa kaninang puno na table. "San sila pumunta? Nag-cr?"
"Nope. Umuwi na sila. Should we go now?" Tumayo siya kaya sumunod naman ako at pinagpag niya ang kanyang pants. "May pupuntahan tayo." Excited niyang sabi, his smile widening and his dimple that I didn't know exists surfaced. Naanigan ng light ang kanyang buhok kaya medyo nakapikit ang isa niyang mata.
"I see." Sabi ko at napaubo ng mabulunan ako bahagya. Uminom naman agad ako ng tubig at nilingon si Avan na may tinitingnan.
Sinundan ko ang kanyang tingin at nakita ang isang babae na may brown hair, mahaba ito at nakasuot siya ng isang shirt saka jeans. May kasama itong ibang babae na parang kaibigan niya pero halatang ito ang tinitingnan ni Avan dahil ito si Ariel Heart. Nakangisi akong sumandal sa table at tiningnan ang kanyang expresyon habang tinitingnan niya si Ariel. Nakita ko siyang namula at tumingin sa gilid nang muntik nang magtama ang mata nila ni Ariel.
Pero kung gaano siya kabilis mag iwas ng tingin, ganon din ito kabilis bumalik at mga ilang minuto niya ito tinitigan-iniwasan-tinitigan-at-iniwasa uli. Napakiling naman ako ng ulo at tumitig sa kanyang mata na para bang kumikislap. Cute.
"You know, if you stare at her like that that openly, she'll think you're a creep."
"I don't mind." Walang malay niyang sabi at napataas naman ako ng kilay at napangisi sa kanyang sinabi.
"Creep." Asar ko at napailing naman siya at agad akong hinila, forcing me to stand from my comfortable leaning position before.
"Erm. I'm not.. I'm just, well, you know... admiring." Mahina niyang sabi habang malumanay niya paring hinihila ang aking braso at sabay kaming naglalakad. Sinabayan ko naman ang bilis ng kanyang paglalakad at tiningnan siyang nagfi-fidget. "Anyways, may pupuntahan pa tayo." Pag-iiba niya ng topic.
"San tayo pupunta?" Tanong ko maya-maya, hawak niya parin ang aking braso pero malumanay na ang aming paglalakad kaya side by side kaming naglalakad patungo sa parking lot. Napangiti siya bahagya habang nakatingin sa malayo.
"Basta." Sabi niya. Naglakad kami papunta sa likod ng parking lot, since parking lot ang nasa likod ng school, behind the parking lot is the road. Naglakad kami paalis ng school at tahimik lang akong sumunod kay Avan. Habang naglalakad ay napatingin ako sa kanyang kamay na nakahawak pa rin sa aking braso at napangisi dahil halatang hindi niya namalayang hinahawakan niya parin ako.
Plano ko na sana siyang asarin nang naramdaman kong may sumusunod sa amin. Tumingin naman agad ako sa aking relo para malaman kung sa amin nga ba ito nakasunod. Napakagat labi naman akong naging tama ang hinala ko.
Hindi naman kakaiba ang fact that someone is tailing Avan and I, since he's a really juicy target for the many. Pero ang kataka-taka lang dito ay parang halos lahat ng araw ay mayroong nakasunod sa kanya. Tita Lucy probably knows this kaya she decided to hire some bodyguards.
After checking the people that guarded Avan before, may nakita akong kakaiba. Almost all of them, except for one, all betrayed Avan due to money. Hindi naman maliit na halaga ang binibigay ni Tita Lucy sa mga bodyguards kaya halatang may taong nasa likod nito.Kagaya ng taong nasa likod namin ngayon.
Ang nag-iisang tao na naging loyal lamang sa kanila ay patay na. Lingid ito sa kaalaman ni Avan kaya wala siyang masiyadong reaksyon dito. It's not good to hide the truth, but at times, it's better.
Napamura naman ako ng nakita ko sa reflection na kumuha ito ng baril. "Avan. Pwede tayong pumunta muna ng restroom? I need to pee." Sabi ko sa kanya at sinigurado kong hindi niya makikita ang lalaking nakabuntot sa amin.
"Sige." Sabi niya at naglakad kami patungo sa kanan, kung saan maraming buildings unlike in front na plain lamang, hindi madaling magtago at siguradong matatamaan si Avan ng bala pag diyan kami dumaan.
Nagulat naman kaming dalawa ng may biglang pumutok sa aming kaliwa, unconsciously naman akong lumingon sa kaniya at nakitang naka-point ang kanyang baril sa akin. Dali-dali kong tinulak si Avan papasok sa isang store at sabay kaming pumasok. "What's wrong? Ayos ka lang? What was that earlier?"
"Ang 'rami naman ng mga tanong mo." Biro ko pero hindi siya tumawa kaya napaubo ako. "Bilhan mo muna ako ng sampung ice cream, one whole chicken, fifteen junkfoods, tsaka tatlong mogu-mogu." Lito naman niya akong tiningnan pero hindi ko na iyon pinansin at nagmadaling umalis. "I'll pay you back, may pupuntahan lang ako." Sabi ko at lumabas.
Narinig ko naman ang kanyang sigaw sa akin. "Hindi mo ako katulong, Lily! Aish!"
Nang makalabas ako, nakita ko ang lalaki na nakasandal sa isang kotseng naka-park. Nilalaro niya ang kanyang baril at nakamask ito. Dahan-dahan ko namang kinuha ang aking baril at inilagay ang aking knife sa likod ng aking jeans in case. Nilingon niya ako na parang nakangiti. I would guess a smirk, but due to the mask, hindi ako sigurado.
"Well, well. Another one? Haha, hindi na ba sila nagsawa?"
Kunot noo ko siyang tiningnan at umastang hindi ko alam ang kanyang sinasabi. "Hindi ko alam ang iyong sinasabi." Napamental face palm ako nang nalagyan ko ng accent ang aking pagtagalog, nagpoker face nalang ako para hindi ako mapahiya. Umubo naman ako at nagsalita, "Ano bang ginagawa mo dito at sinusundan mo kami?"
Kanina pa siya nakasunod sa amin, ngunit binalewala ko iyon until he let out his killing intent.
"Madali lang naman ako kausap. Ibigay mo sa akin ang lalaking kasama mo."
"Ganyan pala type mo, I see." Nagalit naman siya sa aking sinabi, kaya napakiling ko ang aking ulo at tiningnan ang galit niyang mukha na namumula. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang baril. "Oh, 'bat ka namumula? I don't judge."
Malaking hakbang siyang lumapit sa akin at marahas akong itinulak sa building ng convenience store kung saan si Avan bumibili ng pagkain.
"Shut up!" Diniin niya ang paghawak sa aking balikat at galit na tiningnan ako sa mata. Tinutok niya naman agad ang kanyang baril sa aking sentido. "As I said, madali lang akong kausap. I can easily pull the trigger and put the bullet in your head with just one move. I wanted to have a deal with you, but I changed my mind."
"What kind of deal?" Pagpuputol ko sa kaniyang pagsisimula muli sa pagsasalita.
Ningisihan niya ako. "Hindi mo na maaaring kunin ang kasunduan namin, pero I'll tell you just for the fun of it." Imbes na madistract sa pag-iiba ko ng topic ay mas humigpit ang kanyang hawak sa akin at mas diniin niya pa ang baril sa aking sentido. "70-30 for the money I'll gain for giving that kid to that clan. Simple job, yet you made it harder. I guess this'll be goodbye then."
"What clan?"
"You talk too much." Sabi niya at in-off ang safety ng baril. "Bye-bye."
Napabuntong hinga naman ako at agad na binaril siya sa sentido. "You're right." Lumapit ako sa kanya at kinuha ang mga gamit niya bago siya kinapa. "This was the goodbye." Sabi ko at umalis, napashiver din ako sa sinabi kong nakakabaluktot ng kamay. Hindi ko kinalimutang kumontact ng isa kong kakilalang cleaner ng mga bangkay. Tinago ko ang kanyang katawan sa isang cart at siniguradong walang ebidensya sa kung ano ang nangyari kanina. Kinunahan ko na rin siya ng larawan at sinend ito kay Kian.
Pumasok ako sa convenience store at nakitang na sa counter si Avan, nakasandal siya sa counter habang may hawak-hawak na dalawang cellophane at isa pang cellophane sa counter. "Ang tagal mo naman, malapit nang magdilim."
"Ah, yeah. Should we call the driver? Para mauwi na ang mga bags. May pupuntahan pa tayo, di ba?"
Umiling naman siya. "Unfortunately, hindi na tayo aabot pa. Sa susunod nalang siguro." Malumanay niyang sagot at halatang bigo ang kanyang mukha.
"W-well let's go somewhere else." Tiningnan niya ako nang may ngiti. It's obvious, pero I'm not good at dealing with people, especially when they're down and upset.
"Sure! I already called the driver kaya hintayin nalang natin siya sa school since I told him we'll be waiting there." Sabi niya at sabay kaming lumabas sa convenience store. Dala-dala ang mga bags from the convenience, mabagal kaming naglakad papunta balik sa eskwelahan. "Lily."
"Yes?"
"What do you think about Ariel?"
Nilingon ko siya, "What about her?"
"Like, what do you think about her? My friends thinks she's alright, but I'd love to know your thoughts on her."
Napaisip naman ako. "She's.. Well, I can't really evaluate her when I haven't seen her, you know?"
"I see."
"But why are you asking?"
"It's just that, nararamdaman kong she's different compared last school year, wala namang sinabi sila Lein, pero I can see that they too noticed the change."
"Then why didn't they say anything about that?"
"Dahil hindi sila sigurado, if they're not sure about something, they'll investigate it. And as what I can see, their investigation is currently ongoing."
"That's good, right? Since iniinvestigate nila si Ariel, someone you have feelings with?"
"It is, yeah." Natahimik siya at napatingin sa kaniyang kamay. "Baka na miss ko lang yung times na kami palagi ang magkasama." Sabi niya. Nagbuntong hininga siya at pagkatapos ng ilang minuto ay agad kaming naglakad papunta sa eskwelahan. Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang magkwento sa mga naranasan na mga sandali kasama ang kanyang mga kaibigan.
How Jordan went missing for 27 days bago nila nakitang nakatago si Jordan sa isang warehouse na palagi niyang tinatambayan noon. Kung paano napagkamalan ni Lein that Lloyd was a girl before, but in his said defense, Lloyd has an androgynous features. How Kenneth kissed some random mom because he thought it was his crush - which obviously was not her after seconds of the kiss.
He told many more stories regarding of their adventures and trips kaya napaisip naman agad ako.
"I haven't gone on a trip." Napahinto naman agad siya at tiningnan ako na para bang sinabi ko na kumakain ako ng daga for dinner.
"Eh? Anong ibig mong sabihin?" Taas noo niya akong tiningnan na.
"It is what I said, maliban sa mga trip ko when working, I haven't had a vacation until now. Well, if you call this a vacation."
"You don't. When there's a break, pasyal kita dito sa Pinas." Tiningnan ko siya at tiningnan niya ako nang nakangiti pabalik.
"Okay, I'll look forward to that." Sabi ko at naglakad ulit kami. When we arrived at the school, agad naming pinalagay ang aming pinamili at tiningnan naman agad kami tiningnan ni manong ng litong ekspresyon at napangiti nalang kami at napatawa awkwardly.
"Didiretso na ba kayo sa bahay o may pupuntahan pa kayo?" Tanong ni manong. Agad ko namang kinuha ang aking phone at pina track kung saan kami papunta. Binigay ko ito kay manong at tumango naman agad siya at umandar na ang sasakyan.
"San ba tayo pupunta? Curious na ako." Sabi ni Avan habang ngumunguya sa Moby na nakuha niya sa isang bag, napachuckle naman agad ako pero hindi niya iyon napansin nang lumaki ang kanyang mata at may kinuha sa bag ng Moby. "Owmay! Look!" Sabi niya at pinakita sa akin ang Moby na dumikit-dikit at nagform as a big Moby. "Maya ko na 'to kakainin."
"Pupunta tayo sa bahay ko rito. My father bought it years ago, I've been here most of the time na nandito ako sa pinas." 'But it's my first time taking someone here' was something I wanted to add but decided against it. Binili ito ng tatay ko way before I was born, his original plan was to have me and my mom live here while he work, kaso nga lang ay namatay ang aking nanay in childbirth, and he was never able to see the house being completed.
"Nandito na tayo. Hihintayin ko nalang kayo dito."
"'Wag na po manong, may sasakyan naman dito, I'll take Avan home nalang po, salamat." Sabi ko at bumaba na kami sa sasakyan. Agad kong kinuha ang Moby sa kanyang kamay at nilagay ito sa sasakyan bago umalis si manong.
"What was that?!" Gulat niyang sabi habang tinitingnan ako na para bang trinaydor ko siya.
Binigyan ko siya ng wipes at pinunasan ang kanyang kamay. "Ang dumi mong kumain." Sabi ko at nang matapos kong punasan ang kanyang kamay ay agad kaming naglakad papunta sa bahay ko. Kinuha ko ang susi na ginamit kong kwintas at in-open ang gate, napakaliit ng lock ng gate kaso napakahirap nitong buksan dahil konektado ang mga locks nito.
Napangiwi ako nang makita ang garden na halatang hindi na tend. The grass are uneven and yellow leaves were left lying in the lawn and the little shack on the side looks so fragile, it seems like it could fall apart with just a poke. "You really weren't joking when you said that you don't go here often."
"Shut up." Sabi ko sa kanya at binuksan ang pinto, umubo-ubo kami nang malanghap namin ang mga alikabok sa pintuan. Tiningnan niya ako ng may, "wtf" look kaya inirapan ko siya at sinabihan, "Stop judging." Tinawanan niya lang ako at nagpaunang naglakad sa loob. I closed the door and turned on the lights. The bulb color was yellow-white which was accenting the wooden floors. Kahit na maalikabok ang paligid, hindi pa rin nito matatakpan ang kagandahan kaya napangiti ako nang marinig ko ang singhap ni Avan.
"It's beautiful." Mangha niyang sabi at naglakad pauna sa akin. Napangisi lang ako at sinundan siya sa kanyang paglilibot.
"Kung makasabi ka na maganda itong bahay, para namang hindi rin maganda ang saiyo."
Lumingon si Avan at mabilis akong nilapitan, "That's the case! Akala kong ang ganda ganda na ng bahay namin, I thought no one could compare, yet seeing this, I couldn't be more in awe." Sabi niya at napaiwas ako ng tingin sa kanya ng mas nilapit niya ang mukha niya sa akin at nakita kong kumikinang ang kanyang mata.
"Alright, alright, you like this place, gets ko na." Tumango-tango naman siya.
"Maglilibot muna ako, ayos lang?" Tumango ako at bago pa ako makasabi ng 'Lily' kaya napailing ako. Nang makaupo ako sa sopa, kinuha ko agad ang aking cellphone na kanina pa nagvi-vibrate.
"Oh?"
"It never hurts to be more polite when answering the phone."
"Knowing it was you, I dropped the politeness, what is it that you want?" Sabi ko at tumayo, chineck ko ang mga lugar kung saan posibleng itinago ng aking tatay ang kanyang mga armas.
"I heard you've come back to that house, since pupunta din naman ako sa Pinas for work, I thought I'd dropped by."
"What?- AH." Napa-aray ako nang matamaan ko ang cabinet sa gulat sa sinabi ni Odney. "Gago ka ba? Ba't ka pupunta dito?" Inis kong tanong sa kanya at napalingon ako nang makarinig ako ng mga kalabog at mabilis na paang papunta dito.
"Lily! Are you okay?" Hangal na tanong ni Avan na may dalang walis sa kanyang dalawang kamay at basang-basa sa pawis. Halatang taranta ito base sa nanginginig niyang mga kamay, ngunit makikita sa kanyang mata ang katapangan.
"You know it's the other way around, right? Ako dapat ang mag-aalala sa'yo, not you to me." Kumukurap-kurap lang siya at binigyan ako ng litong ekspresyon, "I'll call you back."
"Sino 'yan?"
"Kakilala ko lang, bakit ka tumakbo papunta rito?"
"Akala ko napano ka na.." I tilted my head at his comment, usually clients are said to put themselves first when danger comes, but Avan came running here because he was worried? "Anyway, tapos na ang pagpapasyal ko dito, aside from showing me your home, may iba pa ba tayong gagawin dito?" Pag-iiba niya ng topic.
Despite being curious myself what his worried expression meant, I acknowledge his want for changing the topic. "I was planning on showing you the backyard." Napangiwi naman agad siya.
"I think I've seen enough of that sa harap. It isn't exactly that good." Napangisi naman agad ako sa kanya dahil hindi niya maamin-amin na ampanget ng front yard.
"Ayos lang 'yan, it's different, hindi naman garden ang nasa likod." Naglakad ako papunta sa backdoor ng bahay, I memorized the structure of the house in case it came handy, but who would know I'd use it to tour someone?
"Bakit? Ano bang nando'n?"
"Basta sundan mo lang ako." Tumango naman agad siya at sumunod.
"By the way, hindi ba bastos ang pumasok dito habang nakasapatos? Hindi ba ako masasapak kagaya ng ginagawa ni mommy?" Pag-aalala niyang sambit at napatawa naman agad ako at umiling.
Napunta kami sa labas at hindi kagaya ng sa labas na puro d**o at bulaklak ang nakapaligid, konektado somewhat ang likod. May shed na nagbibigay bubong kung may ulan o mainit man, tapos pagkatapos n'on ay maliit na parang shack ngunit gawa itong metal kaya kitang-kita ang kalawang nito. Walang salitang sumunod sa akin si Avan kaya naglakad kami papunta sa pintuan at agad kong hinablot ang hawakan ng pinto ngunit pinigilan ako ni Avan.
"Wala bang.. kakaibang lalabas diyan sa pintuan?"
I squinted my eyes at him, "You're showing me an awful lot of expression today, it's interesting." Nagulat ako nang bigla niya akong sinampal sa braso. "What?" Gulat kong sambit.
"Don't tease me." Sabi niya at napatingin sa kanyang gilid, nakita kong namula bahagya ang kanyang tenga at pisngi dahil siguro sa hiya pero hindi ko maiwasang isipin kung ganyan din ba ang kanyang ekspresyon kung siya ay mamula sa kilig. What?
Napaubo naman agad ako at humarap sa pintuan, "Don't be ridiculous, there'd be nothing coming out of here-" Napahinto ako nang may nahulog na lata sa aming harap at napatalon si Avan sa gulat. Agad ko naman siyang hinapit papalapit sa akin. "Alive, see? Lata lang 'yan, walang multo dito." Sabi ko saka siya binitawan at pumasok sa loob.