Natuto na ako sa naging pagkakamali ko noon. Hindi na ako nagpagabi dahil baka magwala na naman si Jaslo. “Daddy’s here!” salubong niya sa akin habang si Tweety ay nakapatong sa palad niya. Unti-unti ay para bang pumupusyaw ang kulay asul na mga balahibo niya. Siguro dahil unti-unti na itong lumalaki. Mabuti at nakaka-survive dahil masasabi talagang hindi biro mag-alaga nito. Sa pagkakaalam ko kasi ay sensitive ito sa init at lamig. Nang makapasok na ng bahay, pinindot ko kaagad ang switch ng ilaw saka umupo sa sahig. Inabot ko sa kaniya ang tatlong sachets ng biscuits na binili ko dahil iyon lang ang kinaya. Marami kasing mangyayari sa linggong ito na paniguradong kailangan ng gastos. Paubos pa naman iyong budget ko. Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan siyang kumakain. Nang m

