Kanina pa ako nagdadalawang isip. Mula kasi rito sa nilalakaran namin, nasisiguro ko na mas mauunang madaanan ang amin. Pinag-iisipan ko pa kung ipakikilala ko na ba sa kaniya si Jaslo o hindi pero nangingibabaw kasi ang takot ko. Paano kung hiwalayan niya ako nang dahil dito? Paano kung ayaw niya na may inaalagaan ako? Nang humingi ako ng advice kay Denver noon kung ipagsasabi ko na ang tungkol dito, sabi niya ay huwag muna. Huwag ko raw munang ipagkalat dahil batid niya kung gaano kasarado ang isip ng mga tao ngayon. May times pa na na-t-twist ang kwento kaya mali ang balitang umaabot sa iba. Talaga bang hindi na maiiwasan ang ganito? Talaga bang kailangan ko na tanggapin ang reyalidad? Dapat ko na bang asahan na wala ng magbabago sa lipunang ito? Bakit ang lupit-lupit nito? Hin

