Maririnig ang mahinang tunog na likha ng mga alon. Hindi ko tanda kung kailan ba ang huling punta ko sa dalampasigang ito pero nakaka-miss din pala. Dahan-dahan naming sinusuyod ang tuyo at mainit-init na buhangin. Kapwa kami tahimik. Wala ni isang nagsasalita mula nang umalis si Carrie at magpatuloy kaming maglakad dito. I needed to gasp for air and rethink what I said. The h-ell, Jaguar. Ginawa ko ba talaga iyon? I rejected that invitation, mismong sa harapan pa ni Harlet. Napakaloko ko. Pwede ko naman sana tanggapin ‘yong pinaabot niya at i-text na lang siya o i-chat na hindi ako makakadalo. Sa parte ni Carrie, nakakahiya iyon. Tandang tanda ko pa naman kung paano nadismaya ang ekspresyon niya. “Bakit mo tinanggihan?” Sa wakas, nagsalita siya. Hindi ko kasi malaman kung saan sisi

