Nakabibingi ang ingay. Bawat isa yata rito ay nagsisigawan kahit na isang dangkal lang ang layo ng mga kausap. Amoy malansa dahil sa mga isda at karne na nakahambalang sa mga bangketa. Sa sobrang gulo ng mga tao, mas nagkaroon pa ako ng dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong mamalengke.
Huminto ako sa paglalakad at nag-isip nang malalim. Kumakain na kaya ng karne ang batang iyon? Paano kung hindi iyon matunawan? Edi problema ko pa kung sakaling sumakit pa ang tiyan. Siguro isda na lang. Sana lang hindi talaga iyon maarte sa ulam.
“Isang kilong galunggong po,” wika ko nang makapili ng sariwa. Kaagad namang dumalo ang tindera at tinimbang ang isda na nais kong bilhin. Naghanda naman ako ng pambayad at mabuti na lang dahil sinobrahan ni Ms. Lacambra ang bigay sa akin kanina.
What she did was wrong. Alam ng lahat na makasasama iyon sa reputasyon niya lalo't isa pa naman siyang lisensyadong guro. Oo, sabihin na nating gipit ako ngunit kahit kailan ay hindi ko magagawang kumapit sa patalim. Gagawa ako at gagawa ng paraan upang makausad ngunit ang dumipende sa gawaing ilegal, alam kong sa akin din ang bagsak ng masamang dulot nito.
Growing up, I’m aware that my father used to draw flak in his dirty businesses. Hindi man direktang ipinaliwanag sa akin, batid kong nagtatago pa rin siya sa awtoridad. I knew he’s been killing people. Bata pa man ako noon, magkasabwat na sila ni Mama.
Ngayon, sa kanila ako natuto. Na kahit gaano man kataas ang perang maibibigay sa‘yo ng masamang gawain, ang ilegal ay mananatiling ilegal. Babalik at babalik ang kahihinatnan, hahabulin ka kahit sa napakasamang panaginip.
Naglakad ako at dumiretso sa child’s apparel upang bumili ng damit. Ano kaya ang size ng batang iyon? Kakasya kaya sa kaniya kung anuman ang mapipili ko? Bahala na. Kaysa naman wala siyang maisuot.
Saktong pagpulot ko sa dalawang shorts ay biglang naagaw ng pansin ko ang katabi kong namimili na rin ngayon ng damit. Pinakatitigan ko nang matagal ang kaniyang ginagawa at mariing pinapansin kung paano siya mamili. Nang i-angat niya ang tingin niya at i-abot sa tindera ang mini shirts, sunod na umaliwalas ang ekspresyon ko. Teka, si Harlet ito ah?
“Ito lang po ang sa inyo miss?” tanong ng sales lady sa kaniya. Tumango naman siya at ngumiti.
Tatawagin ko ba siya? I mean, magpapatulong sana ako kung anong magandang bilhin sa bata dahil sa totoo lang ay wala talaga akong kaalam-alam.
Hindi kami close ni Harlet kahit magkaklase. Tulad ko, aktibo rin siya sa mga school activities at nagsasasali rin sa mga school contests. Oo, inaamin kong mataas ang alam ko sa academics. Pero anong alam ko sa pag-aalaga ng bata?
Ibubuka ko na sana ang bibig ko upang tawagin siya ngunit umalis na siya nang hindi ko man lang natatanong. Naroon kasi ang pagdadalawang isip ko upang sabihin sa kaniya na may bata akong aalagaan. Paano kung magduda siya at sumama sa apartment ko? Paano kung ipakilala ni Jaslo ang sarili biglang anak ko? Gustuhin ko mang ibalik ang panahon sa oras na mangyari iyon. batid kong wala akong magagawa.
Bwisit.
“Sir, ‘yong inyo po?”
Natauhan na lang ako nang tanungin ako ng sales lady. Bumaling ako sa kaniya at pilit na ngumiti.
“Ah ito po.” Sabay abot ko ng shorts. Pinili ko rin ang tatlong t-shirt na may naka-imprintang bola sa harapan. Sa tingin ko ay magkakasya naman ito sa kaniya. Bahala na.
Pagkabili ko ng mga damit, saka ko na napagpasyahang umuwi. May kung anong kaba na namutawi sa dibdib ko habang nakasakay sa tricycle dahil halos dalawang oras din akong wala sa bahay. Paano kung dalawang oras na palang gising ang bata? Naku, wala pa namang nagbabantay sa kaniya.
Agad akong nagbayad pagkababa ng sasakyan. Dali-dali akong naglakad papasok ng tarangkahan at mabilis na binuksan ang pintuan. Laking gulat ko na lang nang makitang nakaupo sa sofa si Jaslo. Nakahalukipkip at nakabusangot.
“Saan ka nanggaling?” masungit niyang tanong. Napahinga naman ako nang maluwag dahil buti naman at walang nangyari.
Nilapag ko sa mismong harap niya ang mga pinamili saka umupo sa gilid niya. “Hoy ikaw ha? Huwag kang bastos. Matuto kang gumamit ng po at opo.”
“Ano kung ayaw ko?”
“Aba aba! Iyan ba ang tinuro sa’yo ng Mommy mo huh?”
“Hindi. Ang sabi niya sa’yo raw ako nagmana e.”
Namilog ang mga mata ko. Lintik talaga. Bakit para yatang sinusubukan ako ng batang ito?
Hindi na ako umimik. Tumayo na lang ako at kinuha ang plastik na naglalaman ng isda. Iniwan ko ang mga damit na sigurado naman akong uusisain niya. Kaniya naman 'yan e.
Nang marating ang kusina, binabad ko muna ang isda. Hinanda ko ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto dahil sa totoo lang, kanina pa talaga ako gutom at hindi kumakain. Grabe, hindi ko pa pala nasisimulan ang school works ko. Anong oras kaya ako matatapos nito?
Aabutin ko pa lang sana ang kutsilyo nang bigla namang sumigaw sa sala ang bata. Mariin akong pumikit at napahilot sa sintido.
“Daddy! Hindi kasya sa akin! Napakaliit!”
Napahilamos ako at sumandal sa dingding. Hindi kasya? Eh anong gagawin ko roon? Gawing basahan? Four hundred ang kabuuang presyo na ginastos ko para roon tapos hindi magkakasya? Pucha naman.
Huminga ako nang malalim. Pinulot ko ang kutsilyo at tinuloy ang paghihiwa ng isda.
“Daddy! Hindi mo ba ako naririnig? Paano ito magkakasya sa akin?”
Hindi ko siya pinansin ngayong nasa likod ko na siya. Tuloy-tuloy akong naghiwa rito sa lababo at isa-isang inalis ang hasang ng isda.
“Daddy! Daddy! Daddy—”
“Putang ina!”
Hinagis ko sa malayo ang kustilyo at padabog na sinuntok ang semento ng lababo. Kinagat ko ang nangangatal na labi at pinigil sa pagpuyos ang galit. Nakakapikon na!
“Hindi ka ba mananahimik ha? Binilhan ka na nga’t lahat-lahat, nagrereklamo ka pa!”
Natulala siya habang nakatingala sa akin. Hawak-hawak niya ang t-shirt na parang kahuhubad pa lang niya.
“Kasing sama siguro ng nanay mo ang ugali mo ano? Wala eh, tahimik akong nabubuhay rito pero pinuputakti niyo ako.”
Sa sobrang galit ay hindi ko na nakayanan pang magtagal sa harap niya. Padabog akong naglakad at lumabas ng bahay nang mabibigat ang mga hakbang. Ano kung nasigawan ko siya? Huwag niya akong masigaw-sigawan dahil palamunin lang siya sa pamamahay ko!
Umupo ako sa hadgan na nasa tapat lang ng pintuan. Yumuko ako at pumikit nang pagkariin-riin. Paano ko tatakasan ang problemang ito? Magulo na nga ang buhay ko, lalo pang ginulo ng bwisit na mag-inang 'yon.
Paano na ako makakapag-aral nito? Paano na ang pangarap ko? Paano ko maaabot lahat ng iyon kung may batang iniwan sa akin kahit na hindi ko naman iyon resposibilidad na alagaan?
Iyan ang hirap sa mga tao ngayon. Anak nang anak pero hindi kayang panagutan. Hindi ba nila kayang pigilan ang tawag ng laman? Bakit ako ang kailangang magdusa gayong hindi naman ako ang nagpakasarap? Nananahimik ako’t nagpapakatino pero bakit ako? Bakit ako pang maraming nais matupad sa buhay?
Mula rito, rinig na rinig ang malakas niyang palahaw. Ginulo ko na lang ang buhok ko habang nakatitig sa simentong tinatapak-tapakan.
“Kaninong boses ‘yon? Bakit parang may umiiyak sa loob?”
Unti-unti kong inangat ang tingin ko. Muntik na akong mabuwal sa kinauupuan ko nang makita kung sino ang nasa harap ko.
“Harlet?”
Puno ng kuryosidad ang kaniyang mga mata habang yakap-yakap ang libro ng biology. Pilit siyang sumisilip sa pinto kaya agad akong tumayo upang humarang.
“A-anong sadya mo?” natataranta kong tanong na may pilit na ngiti sa labi. Sh-it! Bakit pumunta siya nang walang pasabi?
“Teka, may umiiyak sa loob—”
“Daddy!”
Napapikit na lang ako at naibagsak ang mga balikat. Ano na ang susunod na gagawin ko? Paano ko ito malulutas gayong may nakakita na sa makulit na batang ito? Paano na?