*Joanna's POV* After nung pag-uusap namin ni Jason sa kwarto ay naging maayos na ang lahat at sa ngayon ay naghahanda kami para sa mga parating na mga bisita ng mga Hunter. Nandito ako ngayon sa may veranda nagpapahangin, kakatapos ko lang kasi sa nakatoka sakin eh kaya dito na ako tumambay para hindi ako makasagabal sa ibang nagtatrabaho pa. Ang mga bisitang darating na tinutukoy nila ay hindi ko pa kilala basta ang sabi sakin ni Jason mababait raw sila at napaka-importante raw nila sa pamilya nila Jason. "Hey," napalingon naman ako sa tumawag sakin. "Hey," bati ko rin sa kanya pabalik at ngumiti. "Anong ginagawa mo rito? Diba dapat nandun ka kasama nila tita Josephine at nagdi-discuss ng mga gagawin para sa mga bisita niyo?" Tanong ko kay Jason. "Nah. I don't want to," simpleng sago

