ANO ba ang magandang giveaways para sa binyag ng one year old na baby? Figurine? Pacifier? Basket na may lamang bulaklak? Asar! Bakit ba kasi walang wifi dito?! Walang Google na tutulong sa akin! Inis na napakamot ako sa ulo ko at mahinang pinukpok ang noo ko sa mesa na nasa harapan ko. "Argh! Bakit ba kasi wala akong maisip?!" inis na sigaw ko. Nakakabanas na talaga! Kanina pa ako nandito sa kusina at limang oras na akong nakatitig sa sketch pad ko pero wala akong maisip! Bwisit!
"Hey..." salita na nasa likuran ko.
Napatigil ako sa pagpukpok ng noo ko dahil dun. May umupo sa upuan sa may tabi ko kaya tumingin ako doon. Napakunot ang noo ko ng makita ko si Simon. Concern ang mukha niya habang nakatitig sa akin.
"Sam..." tawag niya sa pangalan ko. Tumitig lang ako sa kanya. Ano naman kaya ang sasabihin niya? Tatanungin ko na sana siya nang...
Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Napalunok ako at napatitig sa kanya. Teka lang ano ba ang trip niya? Napasinghap ako ng bigla niyang hinawi ang buhok na nasa mukha ko particular sa noo ko. Teka, may bangs ba ako? Wala naman ah! Siguro... Ano... Ahmmm... Crush--
"Bakit mo pinupokpok ang ulo mo sa mesa, ang pula tuloy ng noo mo?" tanong niya. Napanganga ako sa sinabi niya. Ano daw? Peste lang! Akal ako kong ano na! Pumikit muna ako bago hinawakan ang kamay niya at dinilat ang mata ko 'tapos marahang inalis ang kamay niya sa pisngi ko.
"Pakialam mo!" inis na sabi ko sa kanya sabay kuha ng sketch pad at lapis ko. Tumayo ako at umupo sa upuan na nasa likuran ko. Chumarchar akong nag dadrawing ng keychain doon-Damn it! Bakit hindi ko naisip 'yun?! Keychain! Keychain na lang! Ang tanong ano ang design sa keychain ko? Atsaka kaya pa ba sa oras? Eh kasi limang araw na lang binyag na ni Andy! Tama! Hindi ko pa alam kong ilan ang gagawin ko... Damn it!
"Nga pala Sam, darating sila Alicia ngayon, dito daw kasi sila bibili ng damit ni baby Andy..." sabi ng nasa tabi ko. Lumingon ako sa kanya. Baby Andy? Wow feeling close lang siya sa pamangkin ko ah! Pero, ayos pala ang timing ni Alicia!
"Anong oras ang dating nila?" tanong ko sa kanya.
Binuka niya ang bibig niya para sana sagutin ang tanong ko ng biglang may sumigaw sa may harap ng gate...
"Good morning tito!" masiglang bati ng nasa labas. Kilala ko ang boses na 'yun. Nandito na pala siya eh.
Nagkatitigan kaming dalawa ni Simon.
"Siya na yata 'yun eh!" sabay na sabi naming dalawa. Napangiti ako. Wow! Sabay lang?! Edi wow! Tumayo ako at nagmamadaling pumunta sa may front door. Nagulat ako ng may makita akong apat na babae-Biglang nagdilim ang mukha ko ng makilala ko 'yun! Mga kaibigan ni Alicia pala ang mga babae na 'to. Asar! Kung alam ko lang na sila ang dumating edi sana nag-ayos ako! Inis na tinalikuran ko sila at pumasok ulit sa bahay. Hindi naman siguro nila na-sense ang presence ko?!
Nakasalubong ko sina Andrew at Simon kaya nanlaki ang mat ako. Fvck! Dapat ko ba silang balaan na may pagkakati ang mga kaibigan ni Alicia? Tsk! 'Wag na nga lang! Hindi ko naman kasalanan kong masabit sila So-En-Victoria Secret pala!
"Hey, Sammy saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Andrew. Tinitigan ko siya ng masama. Sammy? Seriously?!
"Hoy, Andrew, tigilan mo nga ako sa kaka-Sammy mo diyan!" inis na sabi ko sa kanya. "Tito ba kita?!" dugtong ko pa at ang gagong si Andrew, ngumiti lang sa akin. Asar! Nag roll lang ako ng mata sa kanya.
"Ang sungit mo ngayon, Sammy. Meron ka ba?!" napamaang ako sa tinanong niya at namula. It's a girl thing you know! Hindi 'yun pinagsasabi! Asar ka Andrew! Aba't! Inis na lumapit ako sa kanya at sinabunutan siya! "Aray Sammy!" reklamo niya.
"Shut up!" sigaw ko sa kanya.
"Aray Sammy!" sigaw niya.
Nang masawa na ako sa kakasabunot sa buhok niya ay tumigil ako. Hinihingal na tumingin ako sa kanya. Tumingin ako kay Simon na ngayon ay nakatitig lang sa aming dalawa at parang tuwa-tuwa pa sa nakikita niya.
"Sammy naman eh, akala ko close na tayo, nagyakapan na kaya tayo..." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Andrew. Pusang gala! Sinabi niya ba talaga 'yun?! Napatitig ako kay Simon. Gulat din ang mukha niya. Bakit ba ang daldal ng kapatid niya?
"What?" gulat na tanong ni Simon. Inosenteng tumingin si Andrew kay Simon at sumagot.
"Nagyakapa---
Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya dahil bigla akong tumakbo palapit sa kanya at tinakpan ang bibig ni Andrew. And daldal niya! Tahiin ko kaya ang bibig niya?! Asar! Alanganing ngumiti ako kay Simon. "'Wag kang maniwala sa gago mong kapatid..." nakangiting sabi ko sa kanya. Biglang naalis ni Andrew ang kamay ko sa bibig niya at tumingin sa akin.
"Hey, Sammy you are lying, mapupunta ka sa hell niyan..." nanunuksong sabi niya.
Asdfghjk!
"Ahhhhhhh!!!" inis na sigaw ko sa kanya sabay tapak sa paa niya. Sisikuhin ko na sana ang tiyan ng biglang may magsalita sa harapan namin.
"Anong nangyayari dito?" sabay kaming napatingin sa harapan namin. Mabilis na nabitiwan ko si Andrew ng makta ko si Tito na karga-karga si Andy at katabi si Alicia na nasa likuarn niya ang mga kaibigan niyang nakatingin rin sa amin.
"Wala!" sabay naming sagot na tatlo. Napatitig ako sa damit na suot ni Andy. Ang cute! Celebrity lang ang peg? Well, ano ba ang inaasahan mo kay Alicia na isang fashonista? Tinitigan ko ang damit ni Andy Ang ganda talaga and suddenly blag! Oh God! Thank you so much! Andy is such a blessing! Bakit? May naisip na kasi akong design! Pasimpleng kinuha ko ang cellphone ko at chumarchar na nagtetext kahit na ang totoong pakay ko naman talaga ay kunan ng picture si Andy habang karga-karga siya ni tito. Nang makuha ko na ang tamang angulo ay tinago ko ang cellphone ko. Whoo!
HashtagHokage
Ang tanong ko ngayon, saan ako maghahanap ng pwedeng gumawa nun? Kung ikokontak ko 'yung kaibigan ko dati na gumagawa ng keychain 'tapos sa kanya ko ipapagawa 'yun, kulang ang araw! Nasa Amerika na kasi ang gagong 'yun eh! s**t! Kailangan ko yatang haluguhin ang mga contacts ko sa ganitong bagay.
"Pupunta muna ako sa kwarto ko..." sabi ko sa kanila. Hindi ko na hinintay na mag react sila at dumiretsong pumunta sa kwarto ko. Nagmamadaling binuksan ko 'yung pinto at pumasok sa kwarto. Nakakainis! Bakit ba napakaseryoso ko sa bagay na 'to?! Bibigyan ba ako ng award dito?! Psh! Nakakainis talaga! Pumunta ako sa cabinet ko at binuksan 'yun 'tapos kinuha 'yung laptop kong nakatambak doon! Buti na lang talaga fully charged ang laptop ko. Pumunta ako sa kama at umupo run. Ini-open ko 'yung laptop ko at binuksan 'yung software na ginagamit ko tuwing nag le-lay-out ako ng design sa mga ginagawa at kinuha 'yung cellphone ko. Tiningnan ko 'yung picture ni Andy. Grabe! Ang cute talaga ni Andy. Halatang-halata na foreigner tatay niya! Tsk! Sam, 'wag ang itsura ni Andy ang tingnan ang damit niya! Zinoom ko ang damit ni Andy.
This is it! I can draw, design 'coz I love arts! Connect?! Wala! Pamapalakas lang 'to ng loob!
----
"HINDI ako nakapunta doon..." malumanay na sagot ng kuya ko ng tinanong siya kung nakapunta ba siya sa... peste nakalimutan ko anong lugar ang tinanong ng isang babaeng kaibigan ni Alicia.
Suminghap naman ang apat na babaeng bwisita nila Sammy. Asar! Kung maka-react ha! Asan ba kasi si Sammy? 'Yan tuloy wala akong makausap dito. Ang boring kasi dito! Actually, tinanong-tanong din ako ng mga babaeng 'to kanina at dahil sa wala ako sa mood, tango, ewan, oo, hindi, maybe, pwede lang sagot ko sa kanila.
"Ahhh..." maarteng sabi nung kaibigan ni Alicia. Lara yata ang pangalan ng babaeng 'to. "Why? The place is beautiful!" dugtong niya. Tanga lang?! Hindi naman nagbabakasyon kuya ko sa Cebu eh! Seminarista nga siya diba?! Tanga lang talaga
"Yeah lalo na ang mga beaches sa Cebu... Grabe ang ganda!" exage na sabi ni Cora sabay pasimpleng hawak sa kamay ng kuya ko. Ang landi! Pinagdiinan ko na nga kanina na mag pa-pari ang kuya and here they are, flirting wih my brother! Asar! Ano, barahin ko na sila? Nah! Baka multuhin ako ng nanay at tatay ko pati na rin ang mga magulang ko. Turo pa man noon sa akin, galangin at mahalin ang mga babae!
"Omo! 'Tapos sa Bohol, nagpunta ka ba dun?" excited na a
Asar! Asdfghjk! Dear Lord, please help me na pataasin ng sobrang haba ang pasensya ko. Masasapak ko ang babaeng nasa harapan ko at ayoko kong mangyari.Kasi nga, tinuruan ako ng mga magulang ko pati na rin nina nanay at tatay na galangin ang mga babae pero-wala naman sila! Kaya pwede ko naman sigurong barahin ang mga babaeng 'to! Kung makakwento sa 'magarang' pamumuhay nila, parang totoo! Alam ko kaya ang nagsisinungaling at hindi! Pinag-aralan ko kaya 'yan!
Napatingin ako sa gilid ko, timing naman na nakatingin sa akin si tito. Nagkatinginan kami ni father Ismael. Tinaas ko ang isang kilay ko na parang naghahamon ng away sa kanya. Tinaas lang din niya ang kilay niya. Napangiti na lang ako. Ang cool talaga ng paring 'to!
"Ah guys, handa na ang lasagna!" masayang sabi ni Alicia. Napalingon kaming lahat sa kanya. Savior! Nagluto kasi siya ng lasagna para sa miryenda namin... Ang sosyal ng meryenda namin noh?! "Punta na kayong kusina, tatawagin ko lang muna si Sammy..." dugtong niya. Umiyak naman bigla ang anak niya na nasa crib. Pinatulog kasi ni father 'yung baby kanina. "Oh no..." sabi ni Alicia sabay punta sa crib. Kinuha niya ang anak niya at kinarga 'yun. "Hush baby, mommy is here..." sabi niya sabay haplos nung likod ng anak niya. "Basa na pala likod mo, baby..." tanong niya sa bata. Tsk! Ano kaya ang magiging reaction niya kapag sumagot ng 'Oo. mama, 'wag tanga!' ang baby niya?! Psh! Tumingin siya sa amin at ngumiti. "Ah, una na lang kayo guys, susunod na lang kami ni baby at ni Samm—
"Ako na lang ang pupunta sa kanya..." suhestyon ko.
Tumingin silang lahat sa akin. "Ako na lang ang pupunta kay Samantha..." ulit ko sa sinabi ko kanina. Tumitig lang silang lahat sa akin. Uhmmm Why? Masama ba kung ako ang pumunta sa kanya? Siguro! Lalo na kung ang pakay ko lang ay asarin siya! Ang cute niya kasi tuwing napipikon siya eh!
"Okay..." rinig kong sagot ni Alicia. Napangiti ako! Yes! Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumunta sa kwarto niya. .
Napangiti ako ng nasa harapan na ako ng pinto ng kwarto ni Sammy. Kumatok ako doon ng malakas. "Sammy, kakain na ng meryenda!" sigaw ko. Napakunot ang noo ko. Walang sumagot! Wala rin akong narinig na ingay sa loob. Wala kaya si Sammy sa loob ng kwarto niya? Wala sa sariling hinawakan ko 'yung doorknob at pinihit 'yun pabukas-hindi kasi lock eh!
"Sammy..." tawag ko sa kanya pero wala pa ring sumagot.
Pumasok ako dun at ganun na lang ang pagkunot ang noo ko ng makita ko si Samantha na nakahiga sa kama niya na naka-fetus style! Nasa ulunan niya ang laptop niyang nakabukas, cellphone at isang sketch pad. Lumapit ako sa kanya at tinitigan ang mukha niya. Tsk! No doubt, Sammy is beautiful! Kahit walang make-up, ang ganda niya. Umupo ako sa kama habang nakatitig sa kanya. Matangos ang ilong. Manipis ang labi, and damn... malambot kaya ang pisngi niya? Wala sa sariling itinaas ko ang isang kamay ko at inilapit sa mukha niya. Hahawakan ko na sana ang pisngi niya ng bigla siyang nag-stir! Mabilis na binawi ko ang kamay ko at tumayo sa kama!
Damn it! Ano ba ang iniisip ko?! She's eighteen, for Pete's sake! Napailing na lang ako at kinuha 'yung sketch pad niya. Matingnan nga natin ang dina-drawing ni Sammy! Baka kasi puro anime lang ang laman nito. Ganun naman talaga eh! Lahat kasi ng mga kilala kong marunong mag-drawing puro anime ang laman ng sketch pad nila and maybe Sammy is one of them!
Binuklat ko ang sketch pad niya, sa may dulo ng pahina para matingnan natin ang latest na dinadrawing niya.. .
Oh! Sammy can draw! Bumungad kasi sa akin ang isang keychain na may susi at damit na pang baby girl. Maganda, pero feminine masyado ang dating eh. 'yung tipong hindi pwede sa mga lalaki-Damn! Feminine nga diba?! Paulit-ulit lang?! Tanga! May nakita akong pangalan niya sa may dulo na nasa kanang bahagi ng sketch bag at sa baba nun ay may 'For: Andy'.
Ahh... Baka ito ang ginagawa niyang giveaway para sa binyag ng pamangkin niya. Okay lang...
Inilipat ko sa sa unahang bahagi ang pahina. Wow! Ang galing! Ang ganda ng mga dina-drawing niya. Sa bawat pahina kasi na nakikita ko ay may picture na, siguro model niya at kuhang-kuha niya ang nasa picture. Tulad na lang nung isang babaeng nakasuot ng gown na ewan ang design sa gown dahil parang galing sa impiyerno ang itsura. Napakunot ang noo ko ng habang tumatagal ay puro damit na lang ang nakikita ko. Sa pagiging fashion designer ba ang kinkuhang kurso ni Sam o fine arts? Wow! Hindi halata sa kanya ah! Don't get me wrong, may fashion sense naman talaga sa pananamit si Sam, 'yung attitude lang niya ang hindi!
Napatingin ako sa cellphone ni Sam ng bigla 'yung mag-vibrate. Wala sa sariling kinuha ko 'yun at binasa ang nag-text. Alam kong masama ang magbasa ng text ng iba pero wala kasing password na hiningi ang cellphone niya eh kaya baka destined ko na basahin ang text na 'yun!
'From: Archie'
'Hey Sammy-baby, I can't help you sa project mo, may ginagawa kac akong mga giveaway at ndi ko pwdng unahin ang sa 'yo...1st come first serve policy, Sammy. Remember that. Love u.'
Napakunot ang noo ko. Boyfriend ba 'to ni Samantha?! Kung maka-Sammy-baby! 'Tapos I love you. Psh! Wala sa sariling tinapon ko pabalik sa kama ang cellphone ni Sam at kinuha 'yung sa akin. I dialled my friend's phone number.
"Hello, Andrew.." sagot nung nasa kabilang linya.
"Hey, Arman, gumagawa ang tatay mo ng giveaways sa mga binyag diba?" mabilis na tanong ko sa kanya at naglakad palabas sa kwarto ni Sammy.
"Oo!" sagot niya. Maingat na isinara ko 'yung pinto ng kwarto at naglakad papuntang kusina. Nanag malapit na ako ay tumigil ako sa paglakad. Baka marinig nila ang sinasabi ko at baka kung ano pa ang isipin nila.
"Busy ba kayo ngayong isang buong linggo?" tanong ko ulit sa kanila.
"Hindi..." napangiti ako. Good! Ayos sa timing!
"Sige, pupunta kami diyan bukas ha.." sabi ko na lang sa kanya sabay patay ng telepono...When tomorrow comes. When tomorrow comes.... Peste!