Four

1085 Words
SAM "ANG gwapo nya no..." malanding bulong nung babaeng nasa harapan ko. Tumango naman 'yung kasama nya at parang tangang kiting-kiti kumekembot sa upuan nila! Napangiwi na lang ako habang tinitigan 'yung dalawang babae. Pati pala sa probinsya may ganitong eksena? Partida may misa pa! Asar! 'Tapos 'yung damit pa nila, aish! Akala mo ang kinis ng legs nila! Kung maka-dress above the knee, parang sasali ng pageant?! 'Tapos kung maka make-up, sagala 'to?! Sagala 'to?! Aish 'yung isang babae, naka-pink ng lipstick with matching blue eye shadow and pink blush-on! 'Tapos 'yung isa naman, 'yung babaeng nagsalita kanina, sobrang pula ng lipstick na parang tinalo pa si Anne Curtis! With matching sobrang pulang blush-on pa sya, mukha tuloy syang sinampal! Napailing na lang ako! Napatingin ako sa harapan ko. Lord patawad! Alam ko na nandito ako ngayon para mag simba hindi mag-survey ng mga feeling maganda! Kaya sorry talaga! Hindi kasi ako maka-concentrate sa kanila eh! Kanina pa sila dada ng dada. Gusto ko tuloy na magwala dito! Bakit ba kasi sa likod ako umupo? Hay!! "Pero girl sayang magpapari daw 'yan..." dissapointed na sabi nung babaeng sobrang pula ang lipstick-s***h-tinalo pa si Anne Curtis! Napangiti ako! HAHAHAHA! Nasira ang pantasya nila!! Buti nga sa kanila! Mga malalandi kasi! 'Tapos dinala pa sa simbahan ang kalandian nila! 'Yan!! "Talaga?" parang naiiyak na tanong ng babaeng 'yun! Psh! Ang OA nya ha! Hindi ko mapigilan na iikot ang mata ko sa sinabi nung babae. "Yup!" tumatangong sagot nung isa. Napangiti ako. Sa wakas! 'Tapos na ang imagination nila! Makaka-concentrate na ako sa pakikinig ng misa! "Pero 'di bale, baka hindi sya matuloy sa pagpapari!" dugtong ni red lipstick. Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. Ano daw? Si Simon hindi matutuloy sa pagpapari? Baliw ba sya? Ilang araw na lang, oordinahan na ang lalaking 'yun! 'Tapos ngayon... Pinagsasabi nya?!  Sinabi kasi sa akin ni tito eh kung kailan si Simon oordinahan. Nagpapatulong kasi sa akin si tito sa mga dapat iprepare para sa paborito niyang 'adoptive'. "Bakit naman?" nahimigan ko ang HOPE sa boses ng babaeng 'yun. ASAR! Ang landi nila! Pilyang ngumiti sa kanya 'yung babae kaya napataas ang isang kilay ko. Ano ang pinaplano ng babaeng 'to? "Aakitin na 'tin sya!" malanding sabi nya sabay kindat. Ngumiti rin 'yung babae sa kanya 'tapos nag-apir silang dalawa at nagtawanan! Napanganga ako! 'Di nga? May ganito talaga sa probinsya? Napalatak naman ako. Kalandian nga naman! Napatingin ako kay Simon... Katabi nya si tito ngayon doon sa altar. Ano na kasi, announcement na! Tama! Napangiwi ako sa realization na 'yun. Malapit na matapos na ang misa pero buong misa, nakatingin lang ako sa dalawang malanding 'to. Kainis! Napatingin ulit ako sa altar... Simon, nasa panganib ka... At dahil may kasalanan ako sa 'yo, poprotektahan kita! Yeah! Pinapangako ko 'yun sa 'yo! Bilang sorry sa ginawa ko sa 'yo, poprotektahan kita sa mga babaeng higad na 'to! Sila ay mga tukso! Tiningnan ko 'yung rebulto NIYA. Tumango ako sa kanya and mouthed: 'Wag KANG mag-aalala! Si Simon ay magiging pari! Pramis ko 'yan SA IYO... Love YOU! SIMON Busy ako sa pag-aayos ng mga gamit na ginamit kanina sa misa nang biglang may humawak sa kamay ko. Nanlaki ang mata ko ng tiningnan ko kung sino 'yung nakahawak sa kamay ko... Nakita ko si Sam! Nakatalikod sya sa akin habang may sinisilip-silip sa may pintuan ng simbahan. Napansin ko ang suot nya at hindi ko mapigilan ang mapangti. Nakasuot sya ng palda na sobrang taas at naka t-shirt sya ng puti 'tapos naka-head band pa sya... Tuloy para syang nagtatrabaho sa simbaham... Napasinghap ako ng tumingin sa akin si Sam. Hindi dahil mukha syang inosente na walang gagawing masama sa suot nya kundi sa itsura nya. She looks so paranoid. Nawala tuloy ang awkward na nararamdaman ko sa kanya dahil sa kiss. Atsaka isa pa, sinabihan rin ako ni father na pagpasensyahan ko na lang daw si Samantha kung minsan pilya at maldita sya dahil may pinagdadaanan daw sa buhay, kaya ito ako ngayon pilit na iniintindi sya at pilit na kinakalimutan 'yung ginawa nya. Hindi ko na sinabi kay father 'yung nangyari sa amin. Baka mapagalitan pa si Sam. Tingin ko rin naman na ayaw rin namang pag-usapan 'yun ni Samantha! At isa pa, ang mga bagay na ganun ay dapat lang talagang kalimutan! "Sam ayos ka lang ba?" concern na tanong ko sa kanya. Namumutla kasi sya! "Wala bang lumapit sa 'yong mga higad?" kinakabahang tanong nya. Higad? Napakunot ang noo ko. "Wala naman...." sagot ko sa kanya. Huminga sya ng malalim at tumango-tango. "Good!" nakangiting sabi nya. "Pero bakit mo natanong?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Bakit kasi nya natanong 'yun? Atsaka higad? Impossible namang magkaroon nun dito... Lagi kayang nililinis ni Manang Selda ang simbahan. Tinitigan nya ako sa mata 'tapos hinawakan ako sa magkabilang balikat.. Eh?! "Dahil baka masabit ka sa SO-EN!" seryosong sabi nya. "'Tapos hindi ka matuloy sa pagpapari..." pananakot nadugtong nya pa. Huh? SO-EN? Teka... parang pamilyar ang salitang 'yun... Saan ko nga ba narinig ang salitang 'yun? Tumalikod sa akin si Samantha at ganun na lang ang gulat ko ng makita kong idinipa nya ang kamay nya na para bang may hinaharangan. "Sabi nila may mission ang bawat tao at tingin ko, ito ang mission ko." rinig kong sabi ni Sam. Eh? Naitaas ko ang isang kilay ko. Ang weird nya... Una, bakit nya ba kasi ginagawa nya 'yun? 'Yung pagharang-harang at pangalawa, ano ang pinagsasabi nya? Buti na lang talaga at wala ng ibang tao dito sa simbahan bukod sa aming dalawa. Baka may makakita sa kanya at iba pa ang sabihin sa kanya. Napatili si Sam ng may dalawang babaeng pumasok sa simbahan. Mabilis na hinawakan nya ang kamay ko at hinila papunta sa likod ng simbahan. "'Wag kang maingay!" mahinang sabi sa akin ni Sam sabay takip ng bibig ko. "'Yang mga babaeng na 'yan..." bulong nya sa akin at tinuro nya pa 'yung mga babaeng pumasok gamit 'yung kamay nyang hindi nakatakip sa bibig ko. "Gusto ka nilang akitin..." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Akitin? Bakit? Bakit nila gagawin 'yun? "Kaya mag-ingat ka sa kanila..." dugtong nya sabay alis ng kamay nya sa bibig ko. Hinarap ko sya. Naguguluhan na talaga ako sa kanya. "Kaya quits na tayo ha..." nahihiyang sabi nya. Eh? Bakit bigla-bigla nagbabago ang mood nya? "Tutulungan kita laban sa kanila at gusto ko sanang kalimutan at alisin sa isipan mo 'yung nangyari..." nakangiting sabi nya sa akin. Biglang nag-iba ang aura ni Sam... Sa pagiging pilya parang naging isang mabait na tao... Napangiti na lang ako. She's interesting! "Ayoko kasi na baka dun, hindi matupad ang pangarap mo..." Tumango lang ako sa kanya. Sabi na nga ba mabait si Samantha! "Friends?" nakangiting sabi nya sabay lahad ng kanang kamay nya. "Friends!" sagot ko sabay tanggap nung kamay nya. Atleast may bago akong naging kaibigan bago man lang ako na-ordinahan. Atsaka, gusto ko ring matulungan si Sam... 'Yung tungkol sa problema nya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD