Twelve

2027 Words
"SAM! Saan kayo galing ni Simon?" tanong sa akin ni tito. Hindi ko siya pinansin napatingin lang ako kay Simon na ngayon ay diretsung-diretso pumasok sa kwarto niya. "At ano ang nangyari sa batang 'yun? Inaway mo ba ang lalaking 'yun..." agad na napatingin ako sa tito ko sa sinabi niya at mabilis na tinapakan ang paa niya. "Aray!" nakangiwing sigaw niya. Masama na ba talaga ang tingin niya sa akin? "Wow ha! 'Pag Biyernes Santo ang mukha ng semenaristang boarder mo rito, ako agad ang may gawa, diba pwedeng nag pa-practice lang siyang magluksa?!" inis na sabi ko sa kanya. Tumingin naman sa akin si tito. "Eh ano ba talaga ang nangyari doon?" concern na tanong niya. Okay.... Baka naman talaga concern ang tito ko sa lalaking 'yun. Sila na talaga ang close. Dapat na ba akong magselos sa penomenang ito?! Napailing na lang ako at napatitig sa kanya. Sasabihin ko ba sa kanya? Tsk! 'Wag na! Baka ayaw ipaalam ni Simon ang problema niya sa tito ko. "Malay ko!" kibit balikat na sagot ko sa kanya 'tapos ay pumunta sa kwarto ko. Mabilis na binuksan ko 'yung pinto at agad na humiga ako sa kama ko na nakadapa. Kinuha ko 'yung unan ko at inilagay sa may baba ko para maiangat ko ang mukha ko. Tsk! Naalala ko na naman 'yung nangyari kanina. Matapos kasi ng sabihin ni Simon 'yung linyang 'Andrew!' parang may biglang dumaang anghel sa harapan namin kaya tumahimik bigla 'tapos nagmamadali siyang umalis. Sinundan ko naman siya. Like duh?! Knows ko ba kung saan ang daan pauwi sa amin? Siya lang kaya. Kaya ayun napasama ako ng wala sa oras sa problema niya. Pumunta kami doon sa isang maliit na bahay kubo sa likuran nung 'mansyon' kuno ng 'kaibigan niya'. Kaso wala namang tao doon sa kubo. Para ngang 'hunted kubo' 'yun eh! Buti na lang talaga umalis na kami!  Tumawag kasi si tito at pinapasabing umuwi na kami dahil may misa siya, na tapos na 'pag uwi namin dito. Napabuntong hininga na lang ako. At eto ngayon! Isang pepeng Simon ang umuwi! Tinanong ko nga siya kung ano ang problema niya para makatulong man lang ako-PERO ANG SIRAULONG SEMENARISTANG 'YUN, TINANGGIHAN AKO!! Naman! Minsan lang akong magmagandang loob, na-fail pa! Tsk! Tsk! Hindi niya ba alam na napakalaking award ang makatanggap ng tulong sa akin? It's his loss naman eh, not mine! Charot na maharot! Napapa-English tuloy ako! Teka tama ba ang english ko? "Sam!" bigla akong napatayo ng biglang bumukas 'yung pinto ng kwarto ko at may kung sino ang biglang sumigaw ng pangalan ko. Nagkasalubong ang kilay ko ng makita ko ang tito ko. Trip ng paring 'to?! "Tito naman eh! Walang katok-katok?! 'Yung totoo- "Samantha Guevara!" napatigil ako sa pagsasalita sa sinigaw niya ang buong pangalan ko. Sobrang seryoso kasi ng pagkakasabi niya nun. 'Tapos 'yung boses pa niya parang tulad nung dati, 'yung tuwing nahuhuli niya akong kumukuha ng pera sa pitaka ng nanay ko para bumili ng 'pusit' at 'sasa' na junkfood sa tindahan ng kapitbahay namin 'tapos papaluin niya ako gamit nung maliit na sanga ng bayabas! Napangiwi na lang ako ng maalala ko 'yun. Ang sakit kaya ng sanga ng bayabas pero mas masakit 'yung papaluin ka ng isang stick ng walis tingting! Tingnan lang natin kung hindi ka mapapasayaw ng harlem shake! "Baka nakakalimutan mo, TITO mo ako kaya 'yang bibig mo!" dugtong pa niya. Napalunok ako sa sinabi niya at napaupo ng maayos sa kama. Magpakabait ka muna Sam! Itago ang sungay at ilabas ang halo! "Bakit ka ba kasi biglang pumapasok tito?" malumanay na tanong ko sa kanya. Baka ibitin ako ng patiwarik nito kong pasinghal ang pagkakatanong ko sa kanya nun eh. Totoo nga ang sabi nila, hindi lahat ng madre at pare, anghel! Minsan sila pa 'yung grabe! Grabe kung magparusa! "Saan kayo pumunta ni Simon?" malumanay na tanong niya. "Pinagtripan mo ba? Hindi naman kasi magiging ganun katamlay ang batang 'yun eh.. O baka naman may ginawa ka sa kanya...." dugtong niya pa. Napataas ang isang kilay ko! Lintek ha! 'Pag ako nainis ipapa-salvage ko 'tong si Simon! Nagiging masama na talaga ako sa mata ng tito ko! Pero... Baka naman talaga concern lang talaga ang father na 'to kaya ganito siya. pero kasi...Aish! Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Sam..." madiin na saad niya sa pangalan ko na para bang inuutusan niya akong magsalita. Napatingin ako sa kaniya. Aish! Bahala na nga! Huminga ako ng malalim at nag-confess! "Una, namasyal kami sa magandang lugar..." simula ko. Napataas naman ang kilay ng tito ko kaya nataranta ako. Baka naman kasi isipin niya na pinagtitripan ko siya. Magandang lugar? Baka iba maisip niya? Kasi may naiisip din akong hindi maganda sa 'magandang lugar na' 'yan eh. "Sa magandang lugar na may serve sa dulo..." alanganing dugtong ko. Tinitigan"Alam mo 'yung..." s**t! Ano ba kasi ang pangalan nun?! Ah tama! "Lugar na may rebulto ni Mama Mary!" sigaw na dugtong ko. Oha! Thank you mama Mary! May nakita kasi akong rebulto niya ng pauwi kami eh! Kumunot naman ang noo niya. "Shrine..." wala sa sariling sabi niya. "Pinasyal ka niya sa Shrine of Mary Queen of Peace..." dugtong niya naman na nagpangiwi sa akin. Seryoso siya sa sinabi niya?! "Adik ka 'to!" wala sa sariling sabi ko sa kanya. Alam ko na sa sinabi ko sa kanya, sira na ang acting ko! Pero naman! Ang adik lang! Shrine of Mary Queen of Peace. Eh sa EDSA 'yun eh! 'Yung rebulto na tinatawag na EDSA shrine! O di kaya naman, tinatawag ding Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace or Mary, Queen of Peace Quasi-Parish, Na tinatag para ... to commemorate the memories of the People Power Revolution and its peaceful outcome. Oh ano, gulat kayo noh?! Akala niyo wala akong alam sa ganito, nagkakamali kayo! Ako nga po pala si Samantha Guevara, 18 years old nag-elementary at nag high school sa isang Catholic school! Tinaglish ko pa 'yung dulo! Kasi 'yun 'yung natatandaan kong sinabi ng teacher ko ng elementary. Kaya nga, may tuktok na ba sa ulo ang tito ko! Ghad! Kailangan ko ng magpasundo sa mga kapatid ko! Ang layu-layo ng EDSA sa lugar na 'to! Anong tingin niya, Superman si Simon kaya lumipad kami papunta doon! Kaya dahil sa pagka-imbyerna ko... Kinuwento ko na lang ang nangyari kanina! "Pagkatapos naming pumunta sa Shrine of Mary Queen of Peace na sinasabi mo, biglang nagpasikat itong si Simon at sinabing pupunta daw kami sa mansyon ng kaibigan niya na tingin ko naman sa kanila ang mansion na 'yun..." naalala ko na naman 'yun. Tch! Akala mo kung sinong honest 'yun pala... Heh! "'Tapos 'pag punta namin doon, walang tao, may katulong na lumayas, tag-tuyot na parang ewan 'yung 'hacienda' kuno nila at nang pumasok kami sa loob ng mansyon, nawawala daw ang vault ni Simon, pagkatapos ng lahat ng 'yun, pumunta kami sa kubo para hanapin si Andrew na hindi namin nakita!!" diretsung-diretsong saad ko. Hiningal pa nga ako ng masabi ko 'yun eh. Oh diba galing kong mag story telling?! Nakita ko namang kumunot ang noo ng tito ko 'tapos biglang siyang napasapo sa noo niya at napailing. Halululu! Kung maka-react 'tong lalaking 'to parang natalo sa lotto ah! Tsk! Kainis naman oh! Baka iniisip nito na tsismosa ako! "Ahhhh.... Alam niya na pala..." mahinang sabi ng tito ko. Agad na napakunot ang noo ko sa sinabi niya at mabilis na tumingin sa kanya. May alam ang tito ko sa mga nangyayari?! Wow ha! Siya na ang tsismoso! "Anong ibig mong sabihin?" curious na tanong ko sa kanya. Tumingin sa akin si tito. Tumitig siya sa akin at maya-maya ay bigla na lang huminga ng malalim. "Sam may sasabihin ako tungkol kay Simon pero please lang baka pagkatapos kung masabi sa 'yo 'to baka may maisip kang kapilyahan at tuksuhin mo 'yung tao!" napaikot na lang ako ng mata sa sinabi niya. Ganun ba kasama ang tingin niya sa akin? Ehh! Slight lang naman ang kasamaan ko diba?! "Oo na! Wala akong gagawing masama sa TAONG 'yun!" nakataas ang isang kamay na sabi ko sa kanya. Tumitig lang sa akin ang tito ko na para bang tinitiyak na nagsasabi ako ng totoo at biglang umiling. Aba! Napanguso na lang ako. "Mayaman sila Simon and the truth is, mas mayaman pa si Simon sa 'yo..." Napasinghap ako sa sinabi niya at hindi makapaniwalang tumitig sa kanya. Seryoso? Si Semenarista? Mas mayaman pa sa akin? CHAROT! Alam ko naman 'yun eh! Well hindi naman talaga, kutob ko lang na mayaman sila! Sa mga nakita ko sa mansyon na pinuntahan namin, well mapapaisip talaga ako! Wala lang talaga akong utak minsan pero hindi ako tanga! Pero wow ha! Mas mayaman pa siya sa akin? Galing! Bigyan ng masigabong palakpakan na may kahalong sigawan ang mokong na 'yun! I admit, mayaman ako! Oo mayaman ako! Bakit? Piloto ang tatay ko-retire na pala siya, Lawyer ang dalawang kuya ko, engineer ang isang kuya ko, fashion blogger s***h architect student ang isang kapatid kong babae which is si Alicia tapos nurse naman ang mama ko at bunso ako! Oh ano? May say kayo? Kaya nakaka-amaze na mas mayaman pa ang Simon na 'yun sa akin. Ano dahil sa hacienda nilang walang ... Okay! Nagiging lalaitera na ako! Pero paninidigan ko 'tong acting ko. Baka ma-realize ko pala na artistahin ako at sumali ako sa workshop ng Star Magic at viola-Sikat na artista na ako NEXT YEAR! Dahan-dahan akong tumingin sa tito ko. TAKE NOTE: With shock expression in my face-Charot! "Talaga?" gulat na tanong ko sa kanya. Dahan-dahan ko pang inilagay ang kanang kamay ko sa bibig ko. Tinitigan lang ako ng tito ko 'tapos umiling. "Malala ka na talaga Sam..." umiiling na sabi niya. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin? Mabilis ko namang inalis ang pagkkunot ng noo ko. Nag-aacting nga ako diba?! Pang Oscar Award ang acting na 'to! "Actually mahirap sila...." napapigil ako sa ginagawa ko at maang na napatingin sa kanya. Ano ba talaga 'to. ang g**o mo?! Mayaman 'tapos mahirap? "Magsasaka ang magulang niya pero dahil sa mabait at masipag ang magulang ni Simon, hindi nakakapgtaka na magustuhan sila ng mag-asawang Del Rosario at sa kanila pinamana ang lahat-lahat ng ari-arian ng mag-asawa ng pumanaw ito!" dugtong niya pa. *Loading.... Loading...* Ano daw? Mana? *Buffering..... Buffering* "Sa kanila rin pinaubaya ng mag-asawang Del Rosario ang anak nilang si Andrew! Mabait si Andrew pero minsan, dala na siguro sa mga masasamang barkada niya, napapariwala 'yung bata kaya ayun..." Anong ayun? Namatay siya? Pinapatay siya ni Simon? Pero pinahaghahanap siya ni SImon diba? "Isang buwan pa lang si Simon sa Cebu para sa pagiging semenarista, wala na ang mansyon nila at nalugi na ang negosyo nila. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Andrew para magkaganun...." malungkot na salaysay ni tito. Napatulala na lang ako. Kung ganun, hindi na kay Simon 'yun mansyon? Wow! Samantha Makathang-Isip presents: PagkalugiSerye! Napatingin ako sa tito ko.... "To hindi na ba nila makukuha ang mansion at hacienda nila?" mahinang tanong ko sa kanya bigala. Ewan ko kung ano ang tumulak sa akin para itanong 'yun! May tumatakbo kasi sa isipan ko na kung ano... At swear hindi niyo magugustuhan! Kunot ang noong tumingin sa akin si tito na para bang may alam siya na gagawin ko. "Oo..." alanganing sagot niya. "Kung kayang bilhin ulit ni Simon ang mansion at Hacienda nila kay Mr. Cuevas..." mahinang sabi niya. Napatango na lang ako. "Okay...." tumatangong sabi ko. Napatayo ako sa pagkakaupo at tumingin ng seryoso sa tito ko. Samantha Evil plan 101: Tulungan si Simon at nakawin sa kanya ang Hacienda nila! *insert evil laugh* Bakit? Ayaw ko ng mag-aral! Gusto ko ng magtrabaho ng may malaking sweldo at hindi masyadong mahirap! Paano ko nanakawin? Iisipin ko pa! Pero may alam akong makaktulong sa akin... Sinabi ko naman na may kuya akong lawyer diba? Huminga ako ng malalim. "Tito, magkano ba ang utang nila at babayaran ko...." nakita kong napanganga ang tito ko sa sinabi ko... "Sam..." hindi makapaniwalang sambit niya sa pangalan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD