ANDREW's POV NAKAKAPANIBAGO! 'Yan agad ang nasabi ko ng ma-realize ko na nakakapanibago talaga ang babaeng 'to ngayon! Gumigising siya noon ng nine ng umaga, kumakain ng 12 para sa lunch, manonood ng TV 'tapos matutulog ulit, gigising lang kapag may meryenda, kukwento 'tapos matutulog ulit pagkatapos ng hapunan. Pero ngayon, heto siya sa harapan ko, busy na nag da-drawing-painting pala sa canvass niya. Take note, alas kwatro pa ng umaga! "Sam..." tawag ko sa kanya pero hindi siya nakinig. Wow! Hangin lang ako? Concentrate na concentrate kasi siya sa ginagawa niya! Baka naman gusto niya akong tulungan sa mga gawaing bahay at paglilinis ng ginawa niyang kalat. Kasi ewan ko ba sa babaeng 'to at ang hyper! Hindi lang mga pader ang pinagtripan niya pati na ang mga sabon na ginagamit namin di

