TANGHALI NA pumasok kinabukasan si Brenna dahil may kinailangan pa siyang gawin. Pagdating sa opisina ay kasunod na agad niya si Sheryll para ipaalala ang mga meetings at appointments niya para sa araw na 'yon. "And as for your request… your last appointment would be with the CEO of De Verdad Group of Companies regarding the development of De Verdad Hotel and Restaurant." pagtatapos ni Sheryll. "Alright, salamat." Tipid niyang sagot at binuksan ang laptop niya. Nakatuon ang atensyon niya sa screen pero ramdam niya ang titig ng sekretarya na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan ng mesa niya. "May kailangan ka pa ba, Sher?" Tanong niya at sinulyapan ito. May nakakalokong ngiti ito sa labi nang okupahin ang silya sa harapan niya. "Anong meron?" anito. Napakunot naman ang noo ni

