"WHY ARE you smiling?" Tanong ni Saga habang nagmamaneho. Malapit na sila sa Silvestre Land. Tumanggi ito nang sabihin niyang magmamaneho na lang siya papuntang opisina. Nasanay na yata ito sa ilang araw nilang pagsasabay na pumasok at umuwi. "Wala lang. I just realized I should be proud dahil Presidente lang naman ng isang malaking kompanya ang naghahatid sundo sa'kin sa opisina." Puno ng pagmamalaking turan niya. Ito naman ang napangiti nang marinig 'yon. "Then I should be proud too," wika nito at sinulyapan siya saka muling ibinalik ang atensyon sa daan. "Anong ibig mong sabihin?" Kunot ang noong tanong niya. Kinuha ng binata ang isang kamay niya at dinala 'yon sa labi nito para halikan. "Dapat din akong maging proud dahil Presidente din ng isang kompanya ang inihahatid ko at kasam

