NANG MAGISING si Brenna ay medyo magaan na ang pakiramdam niya. Kalat na ang dilim sa labas at hindi niya alam kung anong oras na. Bumangon siya at lumabas ng silid para pumunta sa kusina. Titingnan niya kung may iniwang pagkain si Sheryll dahil bigla siyang nakaramdam ng gutom. Sa pagkakaalala niya kasi'y kaninang umaga pa 'yong huli niyang kain. Habang palapit ng kusina ay nakarinig siya ng mga kaluskos. Mukhang hindi pa umuuwi si Sheryll? Sa isip-isip niya. "Nandito ka pa pala, Sher?" Nakangiting bungad niya. Pero nagkamali siya dahil hindi ang sekretarya ang nando'n kundi si Hideo. Suot nito ang violet niyang apron habang may hawak na spatula. "Hi! Nakauwi na si Sheryll kaninang umaga pa. Ibinilin niya na 'wag kitang iwan kaya ito suma-sideline akong nurse at cook mo." Malawak ang n

