CHAPTER 27

1546 Words
“Ano’ng nangyari?! Ano’ng nangyari!? Ano’ng ginawa mo sa asawa ko!” sunod-sunod na pabulyaw na tanong ni Bryle kay Kenneth. Sinugod na niya ito at marahas na kwinelyuhan, na kung hindi siguro siya nakakapagtimpi ay nabugbog na rin niya. “P-pare, hindi ko alam! Ang bilis ng pangyayari!” kabadong-kabado at parang nawawala rin sa sarili niya na sagot ni Kenneth. “Pagkatapos naming mag-usap ay tumawid lang siya sa kalsada tapos ganoon na ang nangyari. Pagtingin ko ay nabangga na siya’t nakabulagta na sa kalsada.” “Bryle, huminahon ka. Walang kasalanan si Kenneth. Walang gustong mangyari ‘yon. Aksidente ang lahat. Buti nga’t naroon si Kenneth at naitakbo siya agad dito sa ospital dahil kung hindi ay baka lalong mas malala ang nangyari kay Leia!” awat ni Pressy kay Bryle. Tinitigan muna ni Bryle ng masama si Kenneth bago niya ito binitawan. Patulak. At dahil hindi niya mapagbuhatan ng kamay si Kenneth ay iyong pader ang pinagsusuntok na lang niya. “Bakit ganito? Bakit ganito na sabay-sabay na lang lahat? Bakit?! Ano ba’ng kasalanan naming mag-asawa! Ano?!” “Bryle, ano ba? Itigil mo yan’! Huwag mong saktan ang sarili mo, utang na loob!” awat ulit ni Pressy sa kaniya. “Ano ba’ng kasalanan naming mag-asawa at ganito?! Bakit puros kamalasan na lang?! Ano?!” Dumugo na ang kamay niya pero suntok pa rin siya nang suntok sa pader. Sa pagsuntok niya ibinuhos ang lahat ng sama ng loob. Habang si Kenneth ay nakahinga nang maluwang na inayos ang sarili nito. Pasulyap-sulyap ang tingin sa nagwawalang si Bryle. Kahit paano ay naaawa rin siya sa kapwa lalaki. Kung siya nga ay hirap na hirap ang kalooban niya sa nangyari kay Leia, siguradong sampung beses para kay Bryle. “Ang lupit niyo! Ang lupit niyo sa amin!” hiyaw pa ni Bryle na napaiyak na sa sobrang sama ng loob. Sinipa rin niya ang pader ngunit wala na iyong lakas. Pagkatapos ay padausdos itong napaupo sa pader habang nakasabunot ang mga kamay sa ulo. “Bakit?! Ano ba’ng kasalanan ko? Bakit niyo ako pinaparusahan ng ganito?!” anito pa na ang kinukuwestyon na ay ang Diyos. “Bryle…” Nadala na rin si Pressy sa pagdadalamhati ng asawa ng kaibigan. Maluwang niyang niyakap si Bryle at hinagud-hagod ito sa likod. Iyakan silang dalawa. Nang lumabas ang doktor ay si Kenneth ang humarap. Madaming sinabi ang doktor, na critical daw ang kondisyon ni Leia, na dapat ganoon dapat ganyan ang gagawin, at isa lang ang isinasagot ni Kenneth. “Do everything you can, Doc. Walang problema ang pera basta iligtas niyo ang buhay niya. Iligtas niyo po si Leia.” “Rest assured we will do everything we can do to save the patient's life,” may assurance na wika naman ng doktor bago bumalik ulit sa operating room. Tumingin si Kenneth kay Bryle. Kay Bryle na parang nawawala na naman sa katinuan. “Kenneth?” patanong na sambit ni Pressy sa pangalan ng pinsan. “Ano’ng sabi?” “Maililigtas daw ang buhay ni Leia pero siguradong malaking halaga ang kakailanganin,” imporma naman sa kanila nito na kay Bryle pa rin ang tingin. Natahimik na silang tatlo. Hindi naman nagtagal ay biglang tumayo si Bryle. “Bryle, saan ka pupunta?” nag-aalalang pigil ni Pressy dito dahil halatang nawawala pa rin sa sarili si Bryle. Tumutulo rin ang dugo nito sa kamao. “Maghahanap ako ng pera,” sagot ni Bryle na desperado ang dating, kuyom ang mga palad at nakatiim-bagang. Tinginan sa isa’t isa ang magpinsang Kenneth at Pressy. Sa huli ay hinayaan nila si Bryle, dahil sadya namang napakahirap ang pinagdadaanan nito ngayon. “Kawawa naman sila, Diyos ko,” ang nasambit na lamang ni Pressy na nakasunod ang tingin sa paalis na si Bryle. Mabagal at maliliit ang hakbang ni Bryle, mayroon pa ‘yung parang matutumba ito at doon parang sasabog ang puso ni Pressy sa awa. “Hayaan mo muna siya,” ani Kenneth na napaupo sa waiting bench ng OR. “May problema ba?” pansin sa kaniya ni Pressy nang mahalatang may iniisip siya. Nakagat ni Kenneth ang pang-ibabang labi. “I'm just thinking about what to do.” “Anong ‘what to do’?” Nagdugtong ang mga kilay ni Pressy. “I'm thinking, what if… what if we transfer Leia to a better hospital? Baka hindi magagaling ang mga doktor dito kaya nag-aagaw buhay siya.” “Kenneth, ano ka ba. Hindi mo obligasyon si Leia. Oo, tutulong tayo sa mag-asawa pero hindi as is na aakuin mo ang responsibilidad. Si Bryle pa rin ang may kargo sa asawa niya. At saka ano na lang ang iisipin ng tao kung makikialam ka?” Natauhan si Kenneth na napatuwid sa pagkakaupo. “Um, ang sa akin lang ay baka mas kailangan ni Leia ng tulong. Pero ‘di bale handa naman akong tumulong.” “Gumagawa ng paraan si Bryle kaya kumalma ka. Huwag kang OA.” “Pero paano kung hindi siya makahanap ng pera? Si Leia nga walang nahanap noon para sa anak nila, eh. Si Bryle pa kaya?” Natigilan si Pressy. “Huwag mong sabihin na…” Napahimas-himas sa noo si Kenneth. “Oo, Insan. Ako ang tumulong kay Leia pampagamot nila sa anak nila. Pinautang ko siya.” Ang lakas ng “Ano?!” ni Pressy. Natutop din nito ang dibdib. “Alam ba ‘yon ni Bryle?” “Syempre hindi.” Nanghina ang mga tuhod ni Pressy na umupo sa tabi ng pinsan. “Ganoon mo siya kagusto kahit na may asawa na siya?” Seryoso na tumango si Kenneth. “Matapos ang sampung taon ay ngayon lang ulit ako nakaramdaman ng ganito sa isang babae na gagawin ko ang lahat para sa kaniya, Insan.” “Pero masasaktan ka lang sa ginagawa mo. Masasaktan ka ulit. Bakit kay Leia pa? Uulitin ko, kahit balik-baliktarin mo ang mundo ay may asawa pa rin siya. Hindi mo kailanman mababago iyon.” “I don't care even if I get hurt again. Basta gusto ko si Leia, Insan, at ayoko siyang mawala. Baka mamatay rin ako kapag mawala rin siya sa akin. Hindi ko kakayanin.” Hindi na nakaimik si Pressy. Hindi na niya alam ang sasabihin. Hindi talaga niya akalaing aabot sa ganito ang lahat. Matagal na binalot sila ng katahimikan. Pagkuwa’y biglang napapitik sa hangin si Kenneth. May naisip na itong ideya. Takhang napatingin dito si Pressy. “Ano na naman ang naisip mo?” tanong nito kay Kenneth nang ilabas ng binata ang cellphone nito. “Tatawag ako kay mommy,” sagot ni Kenneth na nagda-dial na sa mamahalin nitong cellphone. “At bakit mo tatawagan ang mommy mo? Sasabihin mo na bang babalik ka na States?” “What are you talking about? Tatawagan ko siya para pauwiin.” “Ano?!” Animo’y may spring ang kinauupuan ni Pressy na naitulak patayo. Nabahala agad ito sa binabalak na gawin ni Kenneth. Ngumisi si Kenneth. “I realized that this is my chance to have Leia. I shouldn't waste this opportunity.” “Hindi kita maintindihan.” Tumayo na rin si Kenneth sa kinapuupuan nang may sumagot na sa tawag niya. “Mom?” “Napatawag ka, Son?” “Mom, I need your help.” “What do you mean help? What’s wrong?” Agad na kinabahan ang mayamang ginang sa kabilang linya. “I mean, I need you here, Mom.” “And why?” “Huwag kang magagalit, Mom, pero ang totoo ay may fiancée na ako rito sa Pilipinas.” “Anong fiancée?” Katulad ng kaniyang inasahan ay nag-iba na ang timpla ng tono ng mommy niya. “Akala ko ba ay umuwi ka lang diyan para asikasuhin ang office na ipapatayo diyan ng kompanya ng Kuya Marvin mo?” Pinalungkot niya ang tinig. “I’m sorry, Mom, but I lied. The real reason I agreed to come home was because of my fiancée.” “Kenneth, tigilan mo—” saway dapat sa kaniya ni Pressy pero mabilis siyang lumayo rito. “My gosh, Kenneth! Sumakit ang ulo ko!” daing naman ng mommy niya. “Sorry, Mom, pero puwede bang huwag mo muna akong pagalitan dahil kailangan ko ang tulong mo?” samo niya sa ina. Alam niya na kapag ganoon ang tinig na ginamit niya sa ina ay lalambot agad ang puso nito. “Why, what happened?” Kunwari ay depress siyang bumuntong-hininga. “She got into an accident, kanina lang. She was hit by a car and her life is in danger now.” “Ay, Diyos ko! Eh, kumusta siya?” Palibhasa mabait ang kaniyang mommy sa kaniya ay naniwala agad ito sa gawa-gawa niyang kuwento. “At ano ang magagawa ko para makatulong?” Napangiti na si Kenneth. Nakahinga na siya nang maluwang. “Gusto ko lang po sana kayong umuwi kahit saglit lang. Kayo sana ni Dad.” “At bakit?” “Because I am planning to marry her, Mom, and I would like you to be here at our wedding.” Si Pressy na nakikinig lang ay halos lumuwa ang mga mata pinagsasabi ng pinsan. Napahawak pa siya sa pader dahil parang siya ang hihimatayin sa pinapasok na gulo ni Kenneth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD