ELLE'S POV MATIWASAY NA natapos ang inihanda nilang kasiyahan para sa birthday ko kaya naman naglalakad na ako pabalik sa cottage na pinanggalingan ko kanina. 5:00 na ng umaga at inaantok nadin naman ako. Agad akong pumasok sa kwarto at nahiga sa malambot na kama pipikit nasana ako ng marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nilingon ko iyon at nakita ko si Kuen pumasok siya sa kwarto at saka inalis ang pang-itaas na damit pati ang pantalon na suot. "H-huy! A-anong ginagawa mo?!"natatarantang tanong ko. Natigil ito sa ginagawa. "Matutulog?" patanong na sabi nito "Kwarto ko to bat ka nandito?" tanong ko at napahigpit ang hawak sa kumot. "It's my room too."sabi niya at saka pinagpatuloy ang paghuhubad. "What?" exaggerated ang pagkakasabi ko non kaya naman kinunutan niya ko

