"I still can't believe this, Cassandra. Pa'no mo kinakaya ang lahat? I'm... just feeling too much agony in your situatuon. Hindi ko alam kung paano mo nakakaya." Hindi tumitigil sa paghikbi si Alexandra habang nakaupo sa harapan ko. Ang aga niya kasing pumunta sa condo namin nang i-chika ba naman ni Kayla sa kanya ang nangyari. Ayan tuloy, namamaga na ang mata niya. "I don't know how I go to work everyday. Basta alam ko lang na kaya ko nagagawa kasi dapat magmove on. He is still here in my heart, Alex. He's still." I felt her warm embrace. Kahit na may issues sila ng sobrang gwapo niyang chinitong boyfriend ay nagawa pa niyang kamustahin ako. She's really sweet. "Grabe, hindi ko alam na... muntik na pala kitang hindi makilala. That's why you have this tattoo on your wrist. Kaya pala ang

