"As you can see, malaki ang budget na nakalaan para sa clinical trials ng cystic fibrosis. People are expecting a lot from this dahil nga isa itong rare na klase ng sakit at iilan lang tinatamaan nito. Masaklap pa dito ay hindi na umaabot ng ilang taon pa ang mga batang nagkaroon nito. This came from defective genes..." Patuloy pa ng isang professor na nag-eexplain about sa io-open ng FMC.
Walang pumapasok sa isipan ko. Ang masama pa nito, nakasimagot ako habang nakikinig. I feel men staring at me dahil pamatay ang vamp lips ko ngayon and of course with my vivid red hair. I'm just giving a 'fvck off' vibe na alam kong lalong nakaka-agaw ng atensyon nila.
Alam kong tatlong tao lang pagitan namin ni Benedict pero wala akong balak lingunin siya. Mukha niya. Hindi ako para hanapin siya ngayon tulad ng dati. My head is now takinh over me and I'm happy na nagigising ako sa katotohanan.
I crossed my legs intentionally at alam kong nakatingin si Benedict ngayon sa akin. Nagpalit na kasi ako ng damit from my scrub suit dahil nga sa isa itong importanteng seminar. I changed to my white long sleeves and tight black knee-length skirt. I'm using my Valentino rock stud heels because i am feeling so confident right now. I matched it with my Rebecca Minkoff purse.
Yes, I am beautiful and looking rich right now. And I am on my frigging biatch mode because of this bastard Benedict. Wala ako ngayong balak kumausap ng mga tanga. Basta alam ko lang nagnonotes ako at badtrip ako. Hindi ako nagseselos, nagagalit ako kasi minahal ko ang katulad niyang napakawalang kwenta.
"Okay ka lang ba, Cassie?" Kayla looked at me with concern. Alam niya kasi ang Biatch mode ko kaya naman hindi siya mapalagay.
"Perfectly fine, sweetie."
"Nagsisinungaling ka sa akin, hindi ka magsusuot ng ganyan kung okay ka lang. You are looking filthy rich right now at walang humility sa dating mo ngayon. Whatever you have in mind must be dreadful." Natawa lang ako sa kanya.
"No it is not. Gusto ko lang talaga maging maganda ngayon." Bulong ko naman sa kanya.
"Tse. May mali eh. Wala namang masamang magsabi ng totoo. I can feel it, so better spill it." Bulong pa niya.
"It's complicated and it needs to take some time for me to explain. It's just that... I need time. I'm feeling biatchy today so just keep with my mood. I'm sorry but I can't tone it down right now."
"And why is that Sexy Cassie?" Tanong pa ni Kayla na talagang ayaw akong tigilan. Nakikichismis na naman siya as usual.
"Because I don't feel so holy today. Basta wala ako sa mood."
"Ikaw lang ang wala sa mood na gumaganda. Nakakainggit ka naman, hmp!" Nagtawanan kami pero mahina lang. Napansin kong lingon ng lingon si Benedict kung nasaan ako. His intention is to piss me off. Halata naman kasi siya.
-=-=-=-=-=-=-=
"So, that's why they call you doc sexy. You really did improve, Cassandra." His cold voice made my insides shiver pero nanatili akong stiff at nakaupo sa conference area.
"Of course I did, Dr. Saavedra. They love me and I love it too. I love the attention and it keeps my blood pumping too." He smirked at napansin kong nakatingin sa amin sa malayo si Kayla habang kasama si Mark.
"So, have you thought about my proposition? Dati bawal sleepover, ngayon kahit tumira ka pa. I promise to be generous and lavish my riches on you." I gave him a sarcastic laughter.
"Don't you ever joke around, Dr. Saavedra. Hindi nakakatawa." I stood up and fixed my white coat but he held tightly on my right arm at medyo nakaka-attract na kami ng atensyon. Buti wala si Anthony or else malaking gulo talaga.
"Bitawan mo ako. Nakakahiya ang ginagawa mo, Dr. Saavedra." Mahigpit ang pagkakakapit niya sa braso ko at halatang wala siyang balak na bitawan ako. Why is he so angry? Hindi ba magaling himalik si Nurse Jing?
"Well hindi ako nahihiya. You are rejecting me? Eh halos magmakaawa ka nga dati sa akin tapos ayaw mo?!"
"Keep your voice down, Benedict." I calmly said pero sa dibdib ko alam kong natatakot na ako. I am frigging scared of him. He looks like he can beat the sh*t out of me dahil inaasar ko siyang lalo. Tanga lang niya kasi naaapektuhan siya.
"Wala akong pakialam! You are rejecting me and I don't like it." Nakita kong lumapit si Dr. Cruz at masama ang tingin kay Benedict. Nanlaki ang mata ko nang hatakin niya ako palabas pero nahawakan ako ni Dr. Cruz.
"What are you doing, Dr. Saavedra?!"
"May nagawa siyang mali nung isang araw sa shift niya. I need to talk to her as an attending doctor. You stay out of this." Then he gritted his teeth and dragged me outside. Wala nang nagawa si Dr. Cruz.
This monster is breaking out of his cell.