Kinakabahan akong pumasok ng bahay namin. Ito talaga yung bahay namin at hindi yung condo sa Ayala. Iba ang ambience dito kasi mad masaya at napakawarm sa pakiramdam. Pagpasok mo pa lang ng garden matutuwa ka na sa mga mayayabong na carnations, roses at orchids na paborito ni mommy. Nandoon pa rin sa pwesto ang duyan na gawa sa kahoy na binili pa noon ni daddy. I guess deep in her heart mahal pa rin niya si daddy. Pagpasok sa loob ng bahay, bubungad sayo ang family portrait namin na kasama si daddy. Hindi kasi bitter ang mama ko at never ko pa yata siyang nagsalita against kay daddy ever. Siya kasi ang tipo ng babae na naliligo sa class. She's soft spoken at kita mong laki sa alta-sociedad. My mother is different from all the mothers in the world. She could be smart, sophisticated and all

