"Tay!" Hindi na nag-aksaya pa ng segundo si Creed. Mabilis nitong nilapitan ang ama at niyakap ng mahigpit. Noong mga panahong hndi pa sila okay ng tatay niya, pinangarap ni Creed ang ganoong klase ng tagpo. Kung ilang beses niyang inasam na malaman ang pakiramdam ng isang batang may amang magtatanggol sa kaniya noong bata pa siya. Nang magkaayos sila ng ama'y hndi na sila nag-aksaya pa ng panahon sa isa't-isa. Naging mas close pa nga sila. "Creed, anak." Seryoso man ang boses ni Antonio, dama pa rin ng anak nito ang sayang nadarama sa kanilang pagtatagpo. Masuyo nitong tinapik sa balikat ang anak na bahagyang mas matangkad kumpara dito. Yet, both men can be recognized with that distinction. They look both dangerous at kahit may edad na ring tingnan ang isang Antonio Morales, hindin

