Sa isang abandonadong warehouse sa Muntinlupa.... "Boss, kumpirmado. Si Morales ang kasalukuyang protector ng babaeng may bughaw na mga mata. Kelan po tayo kikilos?" Mula sa isang silid na tanging dilaw na bombilya lamang ang nagsisilbing liwanag, humakbang papalapit sa isang silya ang lalaking may malaking peklat sa pisngi patungo sa leeg at balikat nito. Naupo ito sa bakanteng silya at dinampot ang isang baso na naglalamn ng whiskey. Ngumisi ito na siyang ikinangisi din ng mga tauhang nakapalibot sa silid na iyon. "Magandang balita nga 'yan, Oscar. Pero huwag kang masyadong excited. Ang katulad ng Creed Morales na iyon ay may sa-palos kaya huwag tayong magpadalos-dalos. Ayokong mabulilyaso ang mga plano ko." Tumango ang tinawag na Oscar pagkuwa'y sinagot ang isang tawag nang mag-rin

