"You sure you're going to be fine?"
"Yes, I'm going to be fine. Nothing to worry," pilit niyang pinadarama sa taong kausap na huwag na itong mag-alala. Priam has been asking it for the Nth time at kahit nakukulitan man si Iran dito, napangiti na lamang ito at napailing. Matagal na niyang kaibigan ang lalaki. Magkababata sila nito at halos sabay na lumaki sa Segovia. Besides, malapit na magkaibigan ang kanilang mga magulang.
"Promise, susunod din ako kaagad ng Pilipinas. I just need to finish some business meetings in here - " mabilis itong pinutol ni Iran.
"Hindi mo kailangang magmadali, Priam. I can take care of myself. Please, worry no more," she exhaled exaggeratedly. Sumasakit pa kasi ang kaniyang ulo lalo pa’t halos wala siyang pahinga bago siya tumulak sa biyaheng ito. As much as her body needed rest, hindi niya rin magawang iurong ang biyahe dahil naka-set na ang mga appointments sa kaniya ng mga taong haharapin pagdating ng bansang sinilangan ng kaniyang ina.
She sighed. Natahimik kasi ang kausap niya sa kabilang linya at na-guilty naman siya doon. Minsan talaga, nakukulitan na siya sa binata but she can't blame him. Mula pa noong mga bata sila'y nakabuntot na sa kaniya ito at nangakong hinding-hindi siya nito pababayaan, lalo na nang magkaroon siya ng stalker. Priam blamed its self, dahil wala daw itong nagawa para siya’y proteksyonan.
"I’m sorry, Priam. Just don’t worry too much. Magiging okay ako sa pupuntahan ko.”
“But you don't have any choices, my lady. You know your place in my heart, right?" kahit hindi niya nakikita ang kausap, alam niyang nakangiti ito ngayon. She smiled.
"Oo naman, Priam. Now, go back to your meeting and finish everything para makahabol ka na dito sa akin, alright?"
“I will, my lady. Nos vemos pronto. (See you soon).”
“Bye, Priam.”
Pagkatapos ng tawag ay mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Kasabay ng pagbagsak ng kaniyang likod sa malambot na sandalan ng couch na iyon, hindi niya maiwasang mapailing.
"Ayos lang po kayo, my lady?" isang boses ng babae ang nagpamulat sa kaniyang mga mata. Nasa loob pa sila ng private plane at ilang sandali na lamang ay magta-touch down na ang eroplano sa NAIA.
Inirapan niya ang babaeng nagtanong but the latter didn't flinch. Naghintay lang ito ng kaniyang sagot. Inilingan niya ito bago napahawak sa kaniyang sintido para bahagya iyong i-masahe. The woman is her PA. Lumapit pa ito sa kaniya at ito na mismo ang nagmasahe sa kaniyang sintido.
"Tigilan mo nga ako, Tif. We're not in the quorum," angil niya dito. Natawa naman ito. Aside from being her PA, Tiffany is her considered best friend sa babae.
"Oo na, Iran. But still, alam mo 'yon? Talagang hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang isang prinsesa ang kaibigan ko na dati'y pinagmamalditahan ko." Naiiling na sinabi nito.
Miranda hissed. “How many times do I tell you, hindi ako prinsesa? Tss.”
“O siya, solong tagapagmana na lamang ng buong yaman ng Segovia.” Inirapan lang ito ni Iran at nagpatuloy sa pag-iidlip sana. It felt good, habang minamasahe siya ng kaibigan niya, pero hindi niya magawang makatulog.
"Naaalala mo ba noong una tayong nagkakilala? Nginitian mo ako pero inirapan lang kita saka tinalikuran?"
Natawa si Iran nang maalala ang tagpong iyon. Tama si Tiffany, she was friendly that time and she was the one who first approached her. Pero inirapan lang siya nito at tinarayan. Inaway-away pa siya kasama ang iba nitong kaibigan noon.
Nawala ang ngiti sa labi ng babae. Kasabay kasi noo'y rumehistro din sa alaala nito ang isang taong pilit na niyang nililimot. Technically, she was able to forget him because of that emotional depression na naranasan niya. Kaso ay unti-unti itong bumabalik nitong nakaraang dalawang taon kaya naman nakagawa siya ng isang pagpapasyang sa tingin niya ay kailangan niyang gawin para tuluyang itong makalimutan.
I'm okay now. All is in the past.
"Sa totoo lang, kahit naman basahan pa ang suot mo ng mga sandaling iyon, hindi pa rin maitatago ang ganda mo, ang bait-bait mo pa. Kaya nga hindi ko alam kung bakit si -"
“Ano’ng oras ang ETA natin?” biglang tanong niya sa kausap. Ayaw niyang marinig ang susunod nitong babanggitin sana.
"Err, ay naku, ano ba itong bunganga ko! Huwag mo na ngang isipin ang sinabi ko, Iran. Ano, sabi ni sungit kanina, ETA daw less than an hour."
Noon lumapit ang tinutukoy ni Tiffany na si sungit. It’s her father’s trusted man, Ismael. Yumuko muna sa kaniya ang Segovian security aide ng ama bago nagsalita.
“Llegaremos en menos de cuarenta y cinco minutos, milady. (We’ll be arriving in less than forty-five minutes, my lady.)” Iniiwas nito ang makipag-eye to eye contact sa babae dahil isa iyon sa ipinagbabawal na gawin ng sinumang tauhan ng ama.
Ang dahilan kasi’y ang mga mata ni Iran ay kakaiba. She has a bluish eyes na sobrang ganda, that happens to be the reason why the woman is the favourite persona to be stalked by a psycho. Ilan na ba sila, tatlo? Apata? Everytime na mahuhuli ang mga iyon, ang idinadahilan ay ang nakabibighaning mga mata ng babae. Of course, sino ang hindi mabibighani sa kagandahan ni Iran bukod sa kulay asul nitong mga mata? She has become the subject of unspoken desire as Iran got the rarest pair of eyes in the world.
"Mírame, Ismael. Está bien,(Look at me, Ismael. It's fine)" utos niya sa kaniyang head resident security aide. "Please,
"Yes, my lady,” mabilis naman itong sumulyap kay Iran, bago napahugot ng malalim na paghinga. Pagkatapos ay seryosong tumingin kay Tiffany na nakataas ang isang kilay. Hindi iyon nakaligtas kay Miranda.
Sa hindi matantong dahilan ng babae, ilang beses na rin niyang nakikita ang dalawang nagbabangayan. Suplado kasi si Ismael pagdating sa ibang babae habang may pagka-maldita naman talaga ang kaniyang kaibigan.
Maya-maya pa’y ini-anunsiyo na ni Ismael ang kanilang paglapag sa NAIA. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya tumayo at inayos ang sarili. Bago pa man niya bitbitin ang kaniyang Hermes designer bag, nauna na itong dinampot ni Tiffany para ito ang magbitbit para sa kaniya. Aangal pa sana siya, pero nauna na itong senyasan siya ng makahulugan. Nakatingin kasi sa kanila si Ismael na siya namang naunawaan niya kaagad. Naniniwala kasi ang kaniyang PA na hindi malayong magsumbong ito sa ama ng dalaga kapag nakitang hinahayaan siyang magbitbit ng kung anu-ano.
Well, for Iran, she really doesn't mind. Kaya lang ay batas pa rin ng kaniyang ama ang masusunod at kasama doon ang hindi siya dapat nagbi-bitbit ng kung anu-ano kahit na ng kaniyang personal bag. Turns out she hated it at first at hanggang ngayon din naman pero hindi na lang siya nagpumilit. May usapan na sila ng kaibigan. Sa oras na tumapak sila ng Pilipinas, hahayaan siya nitong gawin ng malaya ang mga ginagawa ng isang ordinaryong mamamayan. Ayaw niya kasing tinatrato siyang boss ng kaibigan. She was a true friend noong mga panahong kailangan niya ng tulong at sandigan.
Nilapitan siya nito at nakangusong binulungan.
"Alam mo namang nariyan ang sipsip na Ismael. Mamaya, makarating pa sa daddy mo na pinagbibitbit kita ng bag mo, patay na."
Natatawa siyang binalingan ng tingin ang lalaking tinukoy nito. Hindi nakaligtas sa kaniya ang pag-angat ng mga kilay nito at ang pagpukol ng matatalim na mga mata sa kaibigan. Ismael, being his father's trusted bodyguard, is always serious and grumpy. Lalo na sa tuwing nasa paligid si Tiffany. Parang aso't pusa talaga ang dalawa.
"O, ayan na, para ka nang kakatayin ng crush mo," nakangiting kinurot niya ang tagiliran ni Tiffany.
"Ano'ng crush? Like, eeeww," maarte itong umiling. "Kahit siya na ang pinakahuling guwapo dito sa balat ng earth, hindi ko 'yan papatulan, Iran. Napakayabang at antipatiko. Leche siya!"
Iran just rolled her eyes up lalo na nang makita niya kung paano magpalitan ng nakamamatay na tinginan ang dalawa. Tawa lang siya ng tawa dahil talagang nawiwili siya sa dalawa. She even tried to play cupid sa dalawa to the point na nakita niyang dumaan sa mukha ni Ismael ang iritasyon nang tuksuhin niya ito. Kung hindi lang siguro sya ang amo, nakatikim na siya ng singhal sa lalaki.
Nauna na itong bumaba kasunod si Tiffany. Naiiling na pinagtuunan na lamang ng pansin ng babae ang kaniyang nilalakaran. Pagbungad niya pa lamang sa pintuan ng private plane na iyon, bago pa man siya humakbang pababa ng hagdanan ay agad na niyang napansin ang apat na lalaking puro nakasuot ng fatigue uniforms. Hindi niya muna pinagmasdan ang mga mukha nito. She doesn’t care, really. Normal na sa kaniyang magbigay ng personal body guards ang gobyerno ng bansang kaniyang pinupuntahan. What matters to her right now is the heavy feeling she’s having that moment.
Nandito na naman siya sa bansang una niyang inibig at unang naranasang masaktan ng labis. But she promised herself not to think of him again and with that, bumakas sa kaniyang mukha ang tigas at determinasyong huwag itong isipin ngayon naririto siyang muli sa Pilipinas.
Muli siyang napatingin sa mga naka-unipormeng nasa ibaba ng eroplano. Pare-pareho ang suot nitong uniforms, maliban lamang sa isang lalaki na namumukod tangi dahil sa tila perpekto nitong katawan at angking tangkad nito. He’s wearing a fatigue pants pero itim na t-shirt ang pang-itaas nito.
He’s in a hair bun style na agad ikinaangat ng kaniyang kilay.
Alagad ba ng batas ang isang 'to o nagmo-model lang ng fatigue uniform?
She can't help the thought of it, na agad naman niyang pinalis sa isip. Bakit naman niya agad napansin ang lalaking ito?
Inihakbang na niya ang kaniyang mga paa pababa ng eroplano matapos makitang sumenyas si Ismael na pwede na. Dahil madaling araw ang kanilang dating, bahagya nang nakalabas ang haring-araw sa paligid kaya naman suot na niya ang kaniyang aviator. Dere-deretso ang kaniyang hakbang at halos nakatuon lang doon ang kaniyang pansin.
Kaya naman nang pumantay na siya sa matangkad na lalaking naka-bun ang buhok, halos huminto ang kaniyang puso nang marinig ang baritonong boses nito na nagsalita.
"Magandang umaga po, Lady Miranda Gonzalez Morales. Welcome to the Philippines."
She winced a bit upon hearing that voice at mas lalo pang nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang mukha ng lalaking bumati. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang pandinig ang apelyidong binanggit nito pagkatapos ng Gonzalez.
Morales. It's been a while since she last heard that surname.
"Miranda," she heard him called that name, pero hindi niya ito nilingon kaagad. Nanlamig ang buo niyang katawan at tila nasakal ang kaniyang puso. Kilalang-kilala niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon. What the hell is he doing here?! At bakit naka-fatigue uniform ito?!
Lumunok muna si Miranda bago pinatigas ang mukha, saka nito hinarap ang lalaki. Lo and behold, the Creed Evander Morales he had been crazy in love. Mas lalo itong naging matikas at guwapo sa kaniyang paningin but she chose not to be blinded by those temptations.
Buong tapang siyang humakbang at hinarap ang lalaki. Taas-noo at malamig ang boses niyang tiningala ito. Wearing a 5-inch stilleto didn't made justice to him. Hanggang pangahan lamang siya ng "asawa". Nakita niya rin ang bahagyang pamumutla ni Creed pero bakas na bakas dito ang katatagan at kakisigan.
“My last name is Gonzalez. Ayusin mo ang trabaho mo, soldier. Kung ayaw mong mismong ako ang magreklamo sa head mo at alisin ka dito sa assignment mo.”
"Hinayuipak talaga ang Brix Frialente na 'yon. Ang yabang-yabang at palaging wala sa hulog. Palibhasa, inggit na inggit sa'yo at puro katarantaduhan lang ang nalalaman," ani ni Pollux habang naglalakad sila papalapit sa kadarating lang na private plane ng VIP guest ng bansa.
"Huwag mo nang pansinin 'yon, Pollux. Napipigilan ko pa naman basta ba't wala lang siyang gagawing kabalastugan sa organisasyon, palalampasin ko iyon."
Pumalatak ang kaniyang kausap. Alam niyang nauunawaan nito ang ibig niyang sabihin.
May nasagap silang balita na may ginagawang katarantaduhan ang pamangkin ng isa sa mataas ng opisyal ng PNP. Pero dahil wala naman silang ebidensiya, hindi niya muna iyon pagtutuunan ng pansin. Pero siyempre ulit, hindi ibig sabihin noon na hindi na niya ito didikitan ng mga mata at tenga. Mas lalo na ngayon na kasama pala ito sa kaniyang team. Ibang klase ang titig nito sa litrato ng asawa.
Huwag lang susubok na gawan ng masama si Miranda at hindi siya magdadalawang-isip sa gagawin.
Mas lalong hindi niya dapat iwala sa kaniyang pakiramdam si Brix Frialente. Usap-usapan ang pakikipagkita nito sa isang lider ng grupo na kwestyonable ang estado sa lipunan. At ngayon ay napabilang pa ito sa magiging security aide ng VIP guest ng bansa. Mas lalong hindi niya ito pwedeng hayaan na mapalapit sa kaniyang asawa. Minsan na niyang narinig itong nagsabi na hindi na ito makapaghintay na makita ang paparating na dugong bughaw. Ayon pa dito, pantasya nito ang babae. And that was way before he knew, si Miranda pala ang tinutukoy nito. Mas nauna kasi nitong nalaman ang tungkol sa misyon kesa sa kaniya.
Kumuyom ang kaniyang mga kamay nang maalala ang mga sinabi nito. Kung bakit kasi malapit ang babae sa mga ganitong tao. Alam niyang ang dahilan noon ng pagbitbit ng ama kay Iran ay dahil sa isa din nitong psycho stalker. Maimpluwensiya iyon at may mataas na rangko sa militar ng bansang Segovia ang ama nito. Patay na rin daw ito pero hindi naman naubusan ng pumalit.
Nang masiguro niyang nasa tamang posisiyon na ang mga miyembro ng security team, pumwesto na rin silang apat malapit sa paanan ng hagdan ng eroplano. Siya, si Pollux, si Brix at si Ryder Damires. Ang huli ay bagong miyembro ng SAF na nanggaling pa ng Davao.
Bumukas ang pintuan ng Segovian Aircraft 201 at naunang lumabas ang matikas na lalaki. In its three-piece suite, seryoso itong tumingin at bahagyang tumango sa kaniya na agad din naman niyang tinanguan. Pagkuwa'y umangat ang mukha nito sa itaas upang sulyapan ang mga sumusunod.
Una niyang nasulyapan ang pamilyar na babaeng hindi siya kaagad nakita dahil sa madiing nakatitig ang mga mata sa naunang lalaking bumaba. Napakunot-noo si Creed nang makilala niya ang babae. Suminghap ito pagkatapos. Mukhang mapipitik niya talaga sa noo si Paning sa sandaling makompirma niya ang hinala.
So, their prodigal friend is back. Kasama pala ito ni Iran. Halos mabaliw ang nanay nito sa kahahanap noong unang taon na nawala ito, iyon pala'y kasama ng kaniyang asawa?
Nang ibaling niya ang mga mata sa taong nakasunod dito, literal siyang namingi dahil sa malakas na nagkabog ng kaniyang dibdib. Walking gracefully, yet without smiling is the woman he's longing to see. Napalunok siya nang makita kung gaano kalaki ang ipinagbago nito mula sa hubog ng katawan, pananamit hanggang sa kung paano magsalubong ang dalawang kilay nito. And then when she was in front of him, napahinga siya ng malalim dahil sa pamilyar nitong bango na agad umatake sa buo niyang sistema.
“Magandang umaga po, Lady Miranda Gonzalez Morales. Welcome to the Philippines.”
Titig na titig siya dito at huli na nang dumulas ang salitang sinasabi ng kaniyang puso.
"Iran," sa pamamagitan noo'y sana, napaabot niya dito ang kasabikan niyang makita itong muli.
Memories of her wearing a genuine smile flashed in his mind noong panahong una silang nagkita. Sa tingin ni Creed ay mas lalo pang gumanda ang asawa. Hindi man ito nakangiti nang mga sandaling iyon, napakagat-labi pa rin si Creed dahil mukhang hindi bagay sa maamong mukha ng babae ang matigas nitong anyo. He felt like something rumbling in tummy habang halos hindi makahinga sanhi ng malakas na kabog ng dibdib.
Ngunit nawala ang ngiti sa labi ni Creed. Humarap sa kaniya si Miranda at kulang na lamang ay manlamig siya sa paraan ng paninitig nito. Halos sumayaw ang puso ni Creed sa kagandahang nasisilaya, isama pa ang bango ng babaeng kaytagal niyang pinangarap na masamyo at mayakap muli. He made all his effort not to embrace her. Ayaw niyang biglain ang asawa.
Kasabay ng pamumungay ng mga mata ni Creed, namamangha niyang tinunghayan ang magandang mukha ni Iran.
“My last name is Gonzalez. Ayusin mo ang trabaho mo, soldier. Kung ayaw mong mismong ako ang magreklamo sa head mo at alisin ka dito sa assignment mo.” Saka ito tumalikod sa kaniya at naglakad papalayo.
Napapikit ng kaniyang mga mata si Creed. He clenched his jaw not because he got irritated by her insult. If only she knew how Creed's heart reacted to her presence. Kamuntikan na talaga niyang habulin ang babae at hablutin para sa isang mahigpit na yakap kung hindi niya lamang naalala ang lahat ng nangyari at kung bakit sila nito muling nagkita.