Matapos maglinis ng kaniyang katawan, dumeretso ng higa sa kama si Iran. Saktong paglapat ng kaniyang likuran ay ang pagpasok ng isang mapait na ala-alang nangyari sa unang linggo niya ng pamamalagi sa mga Morales. "I'm sorry. Hindi ko ginustong agawin ang atensiyon niya sa'yo. Hindi ko ginustong masira ang relasyon niyo ng tatay mo. Mas lalong hindi ko ginustong mahulog ang loob ko sa'yo dahil alam kong masasaktan lang ako." Hindi maampat-ampat ang kaniyang mga luha. Masakit para sa kaniyang makarinig ng masasakit nitong mga salita at paninisi, pero mas masakit para sa kaniya ang malamang tuluyan na ngang nahulog ang kaniyang loob kay Creed. Ngumisi ang lalaki bago pinabukol ang dila sa loob ng bibig ang kanan nitong pisngi. "Kahit ano pa'ng iyak ang gawin mo, hinding-hindi lalambot

