Kahit hirap ay pinilit pa ring tumayo ni Tiffany mula sa pagkakatumba kanina dahil sa malakas na pagsipa sa kaniya nung isang lalaki. Kailangan niyang tawagan si Creed, kahit katumbas pa man non ay buhay niya. Ganoon din naman ang ginawa sa kaniya ng Ma'am Iran niya kaya gagawin niya din ang nararapat. Kahit sa pag-dial ay hirap na hirap pa din siya. She started calling Creed at kinabahan nang hindi ito sumasagot. Tumawag ulit siya at napaiyak na lang nang sagutin na ng nasa kabilang linya ang telepono. "Tiffany? Teka, ano'ng nangyari?" Agad umalerto si Creed. Bumigat ang loob ng lalaki nang mahinuhang may masamang nangyari. "S-Si... I-Iran, kuys. K-Kailangan mo siyang... i-iligtas..." hirap na hirap na sabi ng babae. Hindi na hinintay pa ni Creed na matapos ang sasabihin ni Tiffany. M
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


