"How are you?" She just shrugged her shoulder. Tipid na nangiti si Iran at pinilit na gawing kaswal ang boses. "I am okay, ate. Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan." Graciella chuckled. Humalukipkip ito at sumanda sa head board ng kama. Kasalukuyan itong nasa loob ng silid nito sa Segovia. Ilang araw ding walang naging balita si Iran sa nakatatandang kapatid kaya nang hapong iyon, minabuti niyang tawagan ito. Luckily, mabilis na sinagot ng kapatid ang video call request. "I am fine, if that's what you want to know, bunso. Pasensiya ka na kung hindi rin kita nakakumusta. Inaalala ko din ang sitwasyon mo diyan. Sadyang busy lang talaga sa negosyo." Ani ni Graciella. Nakasuot lamang ito ng silky robe at mukhang katatapos lamang maglinis ng katawan. Pinanliitan ito ng mga mata ni Iran. Few

