May ngiti sa labi ni Nanay Sandra habang inilalapag nito sa kaniyang harapan ang miryendang espasol. Isa iyon sa paboritong pagkain na nakasanayan na niyang kainin at naging paborito sa panahong tumigil siya sa pamilya ng Morales. Miranda let out a warm smile. Halos mag-init ang kaniyang mga mata sa nakikitang pagmamahalan ng mga magulang ni Creed. Antonio Morales, who is now retired and was blessed to have the luck to return home alive to his family, shows sign of old age pero hindi maitatangging minsan itong naging magiting at matapang na tagapag-protekta ng kaniyang buhay. Kagabi ay nagulat ang mag-asawa nang mapagbuksan siya ng pinto bandang alas-onse ng hatinggabi. Kasama niyang dumating doon si Tiffany, Pollux at dalawa pang security aid. Pagkatapos ng nangyaring pagtatalo nila ni

