"Hey, handsome." Napangiwi si Iran at hindi sinasadyang napatingin sa repleksyon ni Creed mula sa tila salaming pinto ng lift. Nagtama ang kanilang mga mata ng lalaki kaya agad din naman siyang nag-iwas ng tingin. Umangat ang isang kilay ni Iran. Bahagyag sinipat ng tingin ang babaeng naglakas ng loob na kunin ang pansin ng kasama. The woman is damn sexy, alright. At hindi mawari ni Iran kung bakit gayun na lamang ang pagkabog ng kaniyang dibdib kasabay ng inis na umaahon. Walang sagot na ibinigay si Creed mula sa babaeng nagmamay-ari ng boses na iyon. Obviously, si Creed ang tinawag nitong handsome dahil sa apat lang naman silang lulan ng elevator. Nanatiling tuwid ang tingin ni Creed at bahagyang napasulyap sa babaeng pangahas nang sexy itong tumawa. "Loyal, huh.Doesn't look like y

