Chapter 11 Joy's POV Nang huminto ng tuluyan sa tapat ng mansyon ang sasakyan ni Grey, tahimik akong bumaba duon. Hindi ko na hinintay pa na magsalita sya o kahit anong aksyon mula sa kanya, all I want is to be out of his sight, because of this awkward feeling I have inside my system. Bawat hakbang ko ay halos pagpawisan ako, knowing that he might be staring at me from the back. Mas lalo pang dumoble ang kaba ko ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kotse, na alam 'kong sa kanya iyon.. Napalunok ako, at akmang mas bibilisan ang paglalakad ng makarinig ako ng paparating na tunog ng sasakyan, na siyang ikinahinto ko. Wala naman akong balak na lumingon, pero tila ba awtomatiko ko iyong ginawa. Hindi man lang pinagplanuhan, dahil na rin siguro sa paga-akalang sina Zhairiya

