Chapter 9 Joy's POV "Kevin?" mahinahong tawag ko sa head security, matapos nitong i-garahe ang kotse sa parking lot ng bar na napili ko. Agad naman ako nitong nilingon ng may pagtataka sa mukha. "Bakit, Miss?" magalang na tanong nito, while staring at me straighly in the eyes. I don't know why but his stares are really giving me something. Kaya ako ang napapaiwas ng tingin. Because of it, I lost for words for a time, until I immediately thought about my plan again. "Can you please fetch my cousin Zhairiyah from their house? I already texted her, and I asked her to accompany me here. Naiilang kasi ako na mag-isa lang sa loob." ani ko, nang hindi sinasalubong ang tingin nito. "Wala ba sa loob ang mga kaibigan mo?" kuryoso nitong tanong, at bakas ang bahid ng pag-aalala sa tono nito.

