Ito ang unang araw ni Milkita na magsisimula na sa trabaho kinakabahan siya sa maaring maging resulta ng pagpapakilala sa kaniya mamaya ni Enfakid sa mga empleyado nito hindi niya alam kung matatanggap ba agad siya ng mga magiging kasama o baka madakip agad sila na mag-asawa. Ang dami niya talagang isipin nang mga araw na iyon. hindi niya alam kung kailan siya magiging ganoon. huminga siya nang malalim saka napapikit nang mariin. Tinitigan niya ang sarili sa salamin matapos magbihis ng formal, hinihintay na rin siya ni Enfakid sa labas. Kaya na niya kaya ang unang araw niya sa trabaho? Ayaw naman niya na bigyan ng problema o masamang impresyon sa kaniya anng asawa. Ayaw naman niyang mpahiya sa harapan ni Enfakid, kaa medyo kinakabahan siya nang kaunti. Pero gagawin naman niya ang lahat

