"Hindi nga nagkamali si Kid at sinundo niya kming dalawa ni Enzo sa schhool. Nakwentto ko rin sa kanya ang nangyari sa buong umaga, maging si Ennzo ay binalita sa kanya ang tungkol sa pagkakuha nito ng tatlong star na marka sa kanilang activity kanina. Tuwang-tuwa naman ang aking asawa sa kakulitan ng aming ana. "Manang-mana talaga sa iyo si enzo," biro ko sa kanya, nang siya ang ikinasama niya ng tingin sa akin. "MAna sa iyo ang anak mo." turo niya rin sa akin na ikinailing ko. "Saan niyo gustong kumain ngayon?" tanong sa akin ni kid nang matapos na ang asaran naming dalawa. Hindi ko maiwasan ang mapangiti at mapatitig sa kanya. Abala naman ang aming anak sa likuran habang naglalaro na sa kanyang PSP game. Hindi na yata ma-istorbo sa paborito niyang laro. "Saan ba ang paboritong

