HINDI AKO mapakali sa aking kinatatayuan sa labas ng opisina ng pinasukan ni Enfakid. Nandito na kming dalawa sa presinto. Gusto kong malaman ang pinaguusapan nila sa loob. Pero hindi ako sumama dahil ayaw ko ring marinig ang katotohanang magpapabago ng lahat. Sana. Sana hindi pa. Napahawak ako sa aking tiyan. Pilit kong kinakalma ang aking sarili. Kinakabahan ako ng todo. Maraming mga negativity ang pumapasok sa isip ko. Iyong mga paano at ano. Paano kung matuklasan lahat ni Enfakid ang lihim ko? Paano kung ayaw na niya sa akin dahil sa pagnakaw ko sa sasakyan niya? Paano kung iwasan na niya ako dahil isa ako sa mga parte ng sindikato? Paano na kami ng anak niya? Ano ang gagawin ko? Ano ang magiging kalalabasan ng lahat ng ito? Katapusan ko na ba? Katapusan na ba ng pagmamahal nami

