NAGISING AKO SA isang pamilyar na silid. Inilibot ko ang aking buong paningin sa aking kinaroroonan. At nakomperma kong nasa mini-house ako ni Enfakid. Napasapo ako sa aking panga nang maramdamang kumirot ito. Naalala kong nasuntok pala iyon ng isa mga lalaling naka-bonet kanina. Napamura ako nang wala sa oras. Maging ang sikmura ko ay ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang sakit. Parang nagkapasa pa ang pagsuntok. Naalala ko ring niligtas ako ni Enfakid. Sa pangalawang pagkakataon ay nailigtas na naman niya ako. Hindi ko na alam kung paano ako magpapasalamat sa kanya. Naisipan ko na ang bumangon, tutal wala namang deperensya ang kamay at paa ko. Lumabas ako ng silid at tumungo sa sala. Pero wala akong Enfakid na nakita. Pero napatigil ako sa aking paghahanap nang makaamoy ng isang amo

