Chapter 43 Ang nakaraan. . . ENFAKID’s POINT OF VIEW Mabilis akong naglakad sa hallway habang nakatingin sa malayo. Ilang taon na ring nakakulong si Milkita at kapag iisipin ang lahat parang kalian lamang iyon na nangyari. Sa mga oras at araw na lumipas ay nangungulila pa rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil mahal na mahal ko siya nang sobra. Sila ng anak naming na si Enzo. Ang mamuhay mag-isa at aalalahanin siya araw-araw ay napakasakit sa kalooban ko. wala man lamang akong magawa bilang asawa niya. Wala akong silbi at ginagawa para lamang mapalaya siya, ganoon ako mag-isip ng mga bagay-bagay. Napahilot ako sa aking sintido habang nakatutok ang mga mata sa harap ng laptop ko. I was doing a report for my business and reviewing its sales for the whole month. At natutu

