Kinakabahan si Milkita nang araw na iyon, dahil araw iyon ng sabado. ibig sabihin ay mangyayari na mamaya ang makipagkita siya sa nagbabanta sa aknilang buhay. Hindi niya alam kung may lakas ba siyang loob mamaya na harapin ang taong nasa likod ng mga pagbabanta. Hindi niya alam kung tama nga ba ang kaniyang desisyon, o kung hindi niya nailalagay sa pahamak ang kaniyanng pamilya. Pero iyon lamang ang naisip niyang paraan para kausapin niya nag kalaban at kung ano ang kailangan nito sa kaniya at sa pamilya. Hindi niya alam kung ano nga ba, kailangan niya nang kumilos sa lalong madaling panahon kung ayaw niyang malagay sa panganib ang buong pamilya. Isa pa ay nangako naman ang culprit sa kaniya na hindi siya nito sasaktan o may gawing masama sa kaniyang asawa at anak pagkatapos ng kanilang

