DAKS 6

1154 Words
Mula pa madaling araw, parang binayubay na ng bagyo ang kusina ni Sir Rax. Hindi dahil sa gulo, kundi dahil sa tindi ng paghahanda para sa malaking business dinner. Darating ang mga VIP investors mula sa Singapore, at ayon kay Butler Alfonso, ang gabing ito ang magdidikta kung magiging King of Asia si Sir Rax o magiging King of Bankruptcy. ​"Miss Dimalanta, pakikintab uli 'yang mga wine glass! Dapat kapag tumingin si Sir Rax diyan, makikita niya ang gwapo niyang mukha sa sobrang linis!" utos ni Alfonso habang may hawak na magnifying glass para suriin ang bawat kutsara. "At pakiusap, Luningning, 'wag kang hihinga nang malakas. Ang carbon dioxide mo ay baka makadumi sa hangin ng mga bilyonaryo." ​"Opo, Ser Alfonso! Kahit yata lamok, madudulas sa kintab nito!" sagot ni Ning habang pawis na pawis. ​Sinukat ni Ning ang distansya ng bawat kubyertos gamit ang ruler sa ilalim ng mapanuring mata ni Alfonso. Pero nang isuot ni Ning ang kanyang bagong uniporme, parang may mali. "Manang Fe, Ser Alfonso, bakit parang mas sumikip 'to? Hindi naman ako kumain ng marami kagabi ah?" ​"Baka sa nerbyos 'yan, Ning," biro ni Manang Fe. ​"O baka dahil sa tatlong platong sinangag na kinain mo kaninang madaling araw," hirit ni Alfonso habang inaayos ang bowtie nito. "Dahan-dahan, Dimalanta! 'Yung bewang mo, baka maputol sa higpit ng butones niyan! Isang maling galaw mo lang, magiging projectile weapon 'yang suot mo." ​Eksaktong alas-siyete, bumukas ang pinto. Dumating ang tatlong lalaking amoy dolyar at seryoso ang mga mukha. Pero ang agaw-eksena ay si Sir Rax. Nakasuot ito ng navy blue suit na bumagay sa kanyang tindig. Para itong Greek god na naligaw sa Makati. ​Nagtama ang mga mata nina Rax at Ning habang naglalapag ang dalaga ng tubig. Lumapit nang bahagya si Rax at bumulong, "Serve the appetizers, Dimalanta. And please... for the love of God, don't break anything today." ​"Opo, Sir. Safe po ang lahat," sagot ni Ning, bagama't ramdam na niya ang hapit na hapit na tela sa kanyang dibdib. ​Naging maayos ang unang tatlong serving. Proud na proud si Ning dahil wala siyang nabasag. Pero habang papalapit na ang main course—ang malaking tray ng steak na may mainit at malapot na sarsa—doon na nagsimula ang kamalasan. ​Dahil sa sobrang kaba at pagpipigil ng hininga para magmukhang professional, biglang... TIC! ​Isang butones sa gawing itaas ng blouse ni Ning ang biglang humulagpos dahil sa sobrang sikip! Lumipad ito na parang bala, dumaan sa harap ng ilong ni Butler Alfonso, at tumama sa kristal na baso ng isa sa mga bisita. Ting! ​"Oh my God," bulong ni Ning. Nanlaki ang kanyang mata at dahil doon, nawalan siya ng balanse sa suot na sapatos. Ang malaking tray ng steak ay nagsimulang gumiwang na parang bangka sa gitna ng dagat. ​"Dimalanta, watch out!" sigaw ni Rax. ​Sa sobrang taranta ni Ning na huwag matapon ang pagkain sa mga bisita, ang tanging paraan na naisip niya ay ang tumalon palayo. Pero imbes na sa sahig bumagsak, diretso siyang sumubsob kay Sir Rax na mabilis na tumayo para sana saluhin ang tray. ​SPLAT! ​Ang sarsa ng steak? Imbes na sa mga bisita, tumama ito sa puting shirt ni Sir Rax sa loob ng kanyang suit. At si Ning? Ang mukha niya ay baon na baon sa leeg ni Rax, habang ang dalawa niyang kamay ay mahigpit na nakakapit sa balikat nito. ​"Stay... still," mahina at pigil na asik ni Rax. Ramdam ni Ning ang mabilis na pagtibok ng puso ng amo—o baka puso na niya 'yun na gustong tumalon palabas? ​Lahat ng bisita ay napatigil. Si Butler Alfonso naman ay napahawak sa kanyang puso habang dahan-dahang napasandal sa pader. "Is this a new way of serving steak, Raxon? With a side of... hug?" biro ng isang investor. ​Namula ang buong mukha ni Sir Rax hanggang sa dulo ng kanyang mga tenga. "It's... a clumsy incident. Excuse us for a moment." ​Mabilis na binuhat ni Rax si Ning—parang sako ng bigas—paalis ng dining room. Ibinaba niya ang dalaga sa hallway at tinitigan nang diretso. "Ano ba'ng gagawin ko sa'yo, Ning?" tanong nito, parang pagod na ewan. ​"Sir, 'yung butones ko po kasi, bumigay! Masyado po kasing masarap ang luto ko, kaya pati uniporme ko sumuko!" palusot ni Ning habang tinatakpan ang blouse. ​Mabilis na hinubad ni Rax ang kanyang navy blue suit jacket at isinuot ito kay Ning. "Wear this. And stay in the kitchen. Huwag ka nang lalabas." ​Nang makabalik si Rax sa loob, naiwan si Ning sa hallway na suot ang malaking jacket. Amoy na amoy niya ang bango nito. Pagpasok niya sa kusina, sinalubong siya ni Alfonso na may hawak na baso ng tubig. ​"Miss Dimalanta... muntik na akong mamatay," hingal na sabi ni Alfonso. "Bakit suot mo ang jacket ni Sir Rax? At bakit... bakit parang amoy ulam ka?" ​"Ser Alfonso, huwag niyo na pong itanong. Mas mahaba pa sa pila sa NFA ang kuwento," sagot ni Ning. ​Lumipas ang isang oras. Nang makaalis na ang mga bisita, dahan-dahang lumabas si Ning bitbit ang basang bimpo. Nakita niya si Rax sa sala, nakaupo sa sofa habang nakapikit. Wala na ang jacket nito, at ang puting shirt nito ay may malaking mantsa ng sarsa. ​"S-Sir?" mahinang tawag ni Ning. ​Inabot ni Rax ang shirt sa kanya para labhan. "Sir, salamat po pala kanina," sabi ni Ning habang nakayuko. "Salamat sa jacket." ​"I did it for the investors, not for you," pagsisinungaling ni Rax, pero alam ni Ning na hindi iyon ang totoo. ​"Alam ko naman po 'yun, Sir. Pero malaking tulong po ito. Kailangan ko po talagang mapanatili ang trabahong ito para kay Tatay," bulong ni Ning. ​Napatigil si Rax. "The surgery. I heard you talking to your mother last night." ​Nanigas si Ning. "N-narinig niyo po?" ​"I didn't mean to eavesdrop," paliwanag ni Rax, ang boses ay naging seryoso. "Is it really that bad? Ang sakit ng tatay mo?" ​Tumango si Ning, pilit na pinipigil ang iyak. "Opo, Sir. Kaya kahit po maging target niyo ako ng pagsusungit niyo, okay lang po. Basta makasahod ako para kay Tatay." ​Isang mahabang katahimikan ang namayani. Inasahan ni Ning na susungitan siya nito, pero nagulat siya nang maramdaman ang kamay ni Rax sa kanyang balikat. Isang magaan na tapik. ​"Fix the shirt, Ning. And don't worry about the money for now. Focus on not breaking my house," sabi nito bago tuluyang umakyat. ​Naiwan si Ning na hawak ang mantsadong shirt. Sa likod pala ng pagiging Dragon ni Raxon Vantress, may isang tao palang nakikinig at nakakaintindi. Mula sa gilid, nakasilip si Butler Alfonso na may maliit na ngiti sa labi habang dahan-dahang pinupunasan ang kanyang salamin. ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD