Veronica's POV Two weeks passed after that incident happened. Pilit kong kinakalimutan ang nangyari pero naaalala ko pa rin. Habang naglalakad ako patungo sa classroom ay nginingitian ako ng mga estudyanteng makakasalubong ko. Pagkatapos kong manalo ay palagi na akong nakakatanggap ng rosas, chocolates and letters. And I'm starting to hate it. Nagkagusto lang sila sa 'kin no'ng nanalo ako pero noon, kulang na lang paalisin nila ako rito sa paaralan. Mga tao talaga ngayon. "Ate Veronica, may nagpapabigay po." Napatingin ako sa isang babae nang bigla itong nagsalita. Ngumiti ako at tinanggap ang rosas na inaabot niya sa 'kin. "Pakisabi, maraming salamat." Ngumiti siya at tumango. Ganito ang nangyayari tuwing umaga. Wala akong magagawa kundi tanggapin ang binibigay nila dahil ayoko na

