Veronica's POV Pagkatapos ng nangyari ay wala na akong kinakausap pwera na lang kung importante ito. Wala ako sa mood makipag-usap sa lahat ng tao lalo na kung ipapamukha lang nila sa 'kin na wala akong kwenta kagaya ng ginawa ni Dad. "Clare babes? Do you have a problem? Hindi mo kami kinakausap." Tumingin ako kay Klayne nang sabihin niya iyon. "Por que't wala akong kinakausap ay may problema na ako. Malay mo tinatamad akong magsalita." I heard him sighed. Nang mag-bell ay umayos ako ng upo dahil nabalitaan kong nandito na si Ma'am Prutas. "Good morning class." "Good morning, Ma'am," bati ng mga ugok bukod sa akin na nananahimik lang. "It's been a while since I saw your faces again. Pasensiya na dahil ilang weeks akong nawala. Pumunta kasi ako sa Vietnam dahil may kailangan akong

