Zairie's POV Ilang araw na rin ang nakalipas matapos ang nangyari kay Veronica at Earl. Kumalat sa campus ang nangyari pero siyempre hindi ito nakalabas. Maapektuhan ang image ng school kung sakaling kumalat ito. Until now inaalam namin kung sino ang mga lalaking gumawa no'n kay Veronica at Earl. Ano ang pakay nila? Bakit kailangan nilang gawin 'yon kay Earl? Earl is commatosed for goodness sake. Napatingin ako kay Veronica nang lumabas ito ng kwarto niya. Walang imik at dire-diretsong naglalakad papunta sa kusina. Tahimik na tinititigan ko lang siya. Ilang minuto ang nakalipas at bumalik na siya sa kwarto niya na kahit isang sulyap sa 'kin ay wala. Napabuntong-hininga ako. Simula nang nangyari 'yon ay ganyan na siya. Nagkukulong sa kwarto, walang kinakausap, at cold. One thing is for

