Maagang nagising si Caleb upang maghanda sa pagpasok sa kanyang trabaho. Matapos niyang maligo ay nag shave naman ito at naglagay ng lotion sa mukha, upang hindi mag dry ang kanyang mukha na bagong ahit. Pinisi-pisil pa niya ang magkabilang pisngi, upang masiguro na hindi dry ang kanyang balat. Nag spray na rin siya ng kanyang paboritong body spray, bago nag lagay ng damit sa katawan. Inayos din niya ang wedding na suot niya. Hindi niya tinanggal sa kanyang daliri ang wedding ring na ipinasuot sa kanya ni Ella noon. Umaasa din siya na kapag nakita ito ni Ella ay maalala nito ang kanilang nakaraan na dalawa at hindi na ito magpapanggap na hindi siya kilala ng asawa. ISANG lingo na rin niyang sinusuyo si Ella. Araw-araw niya itong pinapadalhan ng bulaklak, chocolates, pagkain na ipinapaluto

