SA TAPAT NG GATE nang bahay ni Amalia, nag park ng kotse si Celesty. Hiniram din niya ang kotse ni Caleb, dahil wala na siyang magarang sasakyan na p'weding i-drive. Ayaw naman niyang mag drive ng lumang kotse nila sa garahe, kaya ang Roll Royce ni Caleb ang naisipan niyang ilabas. Nag door bell si Celesty, at agad naman siyang pinagbuksan ng guard ng mansion. Matapos niyang mag Log-in sa Log book ng guard ay agad na siyang pinatuloy at sinabing deretso na ito sa may main door at doon muling mag door bell. Alam ni Celesty na napakahigpit ng seguridad sa bahay ng kanyang kaibigan na si Amalia, kaya hindi na siya nagreklamo pa. Pagkapindot niya ng door bell ay tumayo naman siya sa tapat ng pinto, dahil alam din niya na may camera ang peephole ng bahay ni Amelia. Sa isang maliit na monito

