ELLA'S POV.... NAGISING AKO sa isang kuwarto na hindi familiar sa akin. Agad akong bumangon, upang alamin kung nasaan kuwarto ako ngunit muli din akong napabalik sa paghiga, dahil sa pagkahilo. Nasapo ko rin ang ulo ko, dahil sa bigla kong pagkahilo. Parang umikot ang kesame ng kuwartong kinaroroonan ko, dahil sa pagkahilo ko. Muli din akong napapikit, dahil parang nagdilim din ang paningnin ko. Ilang beses pa akong pumikit at muling dumilat, dahil sa kakaibang pakiramdam na biglang lumukob sa aking buong katawan. Hindi rin muna ako gumalaw, dahil sa sama ng nararamdaman ko. Parang masusuka na rin ako, dahil sa pagakahilo kanina. Maya-maya pa, ay nagdesisyon na rin akong bumangon, upang alamin kung saang lugar ako naroroon. Alam kong wala ako sa mansion ng mga Chavez, dahil maliit lang a

