KINABUKASAN ay nagtungo sina Caleb at Aljoe sa dating lugar, kung saan nakatira sina Ella at ang ate nito na si Ellen. Si Aljoe na rin ang nag drive sa kotse ni Caleb, dahil kinakabahan si Caleb sa paghaharap nila ni Ella. Napakalaki ng nagawa niyang kasalanan sa asawa, kaya ngayon ay halos hindi rin nito malaman ang kanyang gagawin at kung paano niya sisimulhan ang paghingi ng tawad. Ipinarada ni Aljoe ang kotse sa isang gilid, malapit sa inuupahang kuwarto ni Ella noon. Malapit lang din ang lugar sa pag-aari nilang Mall. Ang CROWN MALL na patok na pasyalan ng mga tao sa lugar at karatig na bayan. Sa lugar na ito nila pinuntahan si Ella, dahil ito lamang ang alam nilang pupuntahan o u-uwian ni Ella. Malayo din kasi ang probinsyang pinanggalingan nito, kaya inisip nilang hindi umuwi ng p

