"Habulin niyo sila!." Pasigaw na utos ni Aljoe sa kanyang mga tauhan. Agad naman na hinabol ng mga ito ang dalawang nakatakas. May tama din ng b@la ang balikat ni Celesty, kaya alam ni Aljoe na hindi makakalayo ang dalawa. "S-Si Ella? Nasaan si Ella!?" Nag pa-panic naman na tanong ni Caleb sa mga kasama. Pabaling-baling din siya ng tingin, upang hanapin si Ella sa paligid. Medyo madilim ang ibang bahagi ng barracks, kaya hindi niya maaninag kung may tao sa paligid. "Pare, may dala ka bang flashlight?" Tanong ni Caleb sa kaibigan. Gusto niyang hanapin si Ella, ngunit hindi naman niya makita ang kanyang daan, patungo sa pinaka loob ng dating tulugan ng kanilang mga workers. "Sumunod ka sa akin, pero huwag kang maingay." Sagot ni Aljoe sa kaibigan. Agad naman na sumunod si Caleb kay A

