Pumasok sa isip niya si Gunner. Saglit na nagtalo ang kanyang isip kung ipapaalam dito ang kanyang kalagayan. She wouldn't ruin his relationship with Nina Ellize. Ipapaalam lang niya sa binata ang kanyang kalagayan. Yun lang. After all, may karapatan itong malaman na magkakaanak na ito. Hindi man nila sinasadya.
Agad niyang tinahak ang daan patungo sa network company nito. Dahil kilala na ng mga guards ang kanyang sasakyan ay agad siyang pinapasok ng mga ito. Ipinarada niya ang sasakyan . Sinikap muna niyang pakalmahin at inayos ang sarili bago nagtungo sa opisina ni Gunner.
Kumatok siya sa pintuan ngunit walang nagbubukas. Sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pintuan at suwerte namang hindi ito naka lock. Kaya naman pala walang nagbubukas, wala sa puwesto nito ang sekretaryang si Geneva.
Mula sa siwang ay narinig niyang may kausap si Gunner.
"What!" gulat na gulat na sigaw ni Harisson sa kaibigan.
Nanatili lang na kalmadong nakatingin dito si Gunner.
"I told you to spare Kristel from this. Hindi ba sinabi ko sa iyong huwag mong gamitin si Kristel laban sa kanyang kapatid na si Gibson? Bakit ginawa mo pa rin?" halos manggalaiting sabi ni Harisson. "Blue is also a friend of mine. Paano kung malaman niya na alam ko naman pala ag plano mo but I didn't warn him?"
Maya maya pa'y nakita niyang dismayadong napahilamos sa kanyang mukha si Harisson. Samantalang nananatiling blangko ang ekspresyon sa mukha ni Gunner.
Parang dinaklot ang kanyang puso sa narinig. Sunud - sunod. Patung - patong na mga pangyayari sa buhay niya. Sobrang sakit na. May mas sasakit pa ba? Kulang pa ba? Kung mayroon pa ibuhos na lahat at isang bagsakan na. Daig pa niya ang nasa giyera na sunud - sunod ang mga bombang pasabog. Baka gutay gutay na sa oras na ito ang kanyang buong katawan.
Hindi niya alam may iluluha pa pala siya matapos ang mahabang pag - iyak mula sa biyahe kanina. May mas sasakit pa pala sa naging paghihiwalay nila ng kanyang yaya, ng naging karanasan niya kay Hugh at sa pagpapalayas ng kanyang ama sa kanya sa kanilang tahanan. Ito naman ngayon. Ang kaalaman na ginamit siya ni Gunner upang pasakitan ang kanyang kapatid sa naging kasalanan nito sa binata.
"Sana lang hindi mo pagsisihan ito Gunner." may diin na sabi ni Harisson sa kaibigan. Base sa tayo nito ay mukhang aalis na ito ng opisina. Mabilis siyang tumalikod at tumalilis. Kinalimutan na niya ang dahilan ng kanyang pagpunta sa network.
******************
REFLECTION
Lea Salonga
Look at me
I will never pass for a perfect bride or a perfect daughter
Can it be
I'm not meant to play this part
Now I see, that if I were truly to be myself
I would break my family's heart
Who is that girl I see
Staring straight back at me
Why is my reflection someone I don't know
Somehow I cannot hide
Who I am, though I've tried
When will my reflection show, who I am, inside
How I pray, that a time will come
I can free myself and meet their expectations
On that day, I'll discover someway to be myself
And to make my family proud
They want a docile lamb
No-one knows who I am
Must there be a secret me
I'm forced to hide
Must I pretend that I am someone else for all time
When will my reflection show, who I am inside
When will my reflection show, who I am inside
Saglit niyang itinabi ang sasakyan sa sidewalk. Hilam ang kanyang mata sa luha. Hindi niya kayang magpatuloy sa paglalakbay. Mataman niyang tinitigan ang reflection niya sa salamin ng sasakyan. Hindi niya kayang magpanggap na okay siya. Na kaya niya itong mag - isa. Magpapakalayu - layo siya. Doon sa lugar na walang ibang makakakilala sa kanya bilang ang celebrity na si Kristel.
Uso naman ang waze app ngayon. She would try to look for her Yaya Berna sa Basey, Samar.
****************
Naka ilang stop over din at inabot ng 28 hours ang paglalakbay ni Kristel bago narating ang tahanan ng kanyang dating Yaya Berna. Kanina matapos bumili ng pagkain sa kilalang convenience store hindi niya mahagilap ang kanyang cellphone. Nawala sa isip niya na nasa ibabaw ito ng dashboard. Pagbalik niya ay wala na ito doon. Naiwan pala niyang bukas ang isang bintana sa may drivers seat. Buti na lamang at saktong kakilala ng kanyang napagtanungan si Yaya Berna. Itinuro nito sa kanya ang mismong bahay ng dating kasambahay.
"Manang Berna.. Manang Berna." ang tawag sa kanyang Yaya ng kanyang kasama na si Botchok habang sunud - sunod ang ginawang pagkatok nito sa kubo.
"Sandali.. " narinig niya ang pamilyar na boses mula sa loob ng kubo. Maya maya pa'y bumukas na ang pinto at bumungad sa kanila ang kanyang Yaya Berna. "O Botchok, ano't agang aga ay kung makakatok ka ay parang gigibain mo na ang aking pinto?"
Napakamot naman sa ulo si Botchok."Ah eh, Manang may bisita po kayo galing Maynila."
Noon lamang bumaling sa kanya ang matanda. Nangunot ang noo nito pero makalipas ang ilang sandali ay biglang nagliwanag ang mukha nito. Nangingilid sa luha ang mga mata nito.
"K-kristel, ikaw na nga ba yan hane?" naniniguradong tanong nito sa kanya.
Umiiyak na ring tumango tango siya sa matanda. Agad niya itong sinugod ng yakap. "Yaya.. Namiss kita nang sobra."
Gumanti naman ito ng yakap sa kanya. Matagal. Mahigpit. Naramdaman niya ang matinding pangungulila at pagmamahal nila sa isa't isa. The kind of love she longed for.
****************
PLEASE READ THE COMPLETE VERSION OF THE STORY IN g*******l. LOOK FOR MAUI AZUCENA. GOD BLESS!