Chapter 14
Life is full of secrets and those secret can break you or make you. Di madaling maglihim lalo na't may mga taong malapit na sa buhay mo. Wala na akong takas. Yan ang paulit-ulit na naririnig ko sa utak ko.
"Are you f*ckin' listening?" Nabalik ang atensyon ko kay Uno na nasa harap ko.
Mula ng umalis sila Grendel ay natulala nalang ako. May tinatanong si Uno at si Seb naman at Avo ay seryosong nakatingin samin. Tiningnan ko lang si Uno at hindi nagsalita. Pakiramdam ko ay nalunok ko pati ang dila at ngipin ko.
Napabuntong hininga naman siya.
"Right! You're not even listening." Inis na sabi nito at hinarap ang mga kasama namin na hindi ko naman kilala ang iba.
"Dude, are you going to let her go in the club?" Nag aalalang tanong ni Seb.
"Boss, sa tingin ko ay hindi magiging mabuti kung isasama natin siya ngayon." Halos pabulong na wika ni Avo. "We need to clear things."
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Ano bang pinagsasabi nila? Kahit naman pilitin nila akong sumama ay hindi talaga ako sasama sa kanila. Mas gusto ko pang manatili at magtago nalang sa condo kasama si kuya Drake.
Humarap naman sakin si Uno at tinitigan ako. Those cold-domineering-eyes. I knew that eyes. Ginantihan ko ang mga titig niya. Walang emosyon akong tumitig sa kanya at hindi nagpaapekto.
"Uuwi na ako." Tumalikod ako sa kanila at naglakad palabas ng gate. Kahit na kinakabahan ako ay lumabas parin ako ng gate para umuwi. Nakita ko si Trinity sa di kalayuan na nakatingin lang sakin. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay agad siyang yumuko.
'Coward!'
Hinawakan ko ang kamay ko at nakayukong umalis. Alam kong suicidal tong ginagawa ko. Baka nakalimang hakbang palang ako ay may humila na sakin at dalhin ako kay Hades!
May pagkabaliw si Hades at hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya. Eh si Uno kaya? Napailing ako. Ano namang pakialam niya sakin?! Isa lang naman siyang gangster na siga sa eskwelahan. Tulad ni Trinity at ng pamilya ko, wala rin siyang magagawa para sakin.
Naramdaman kong may nakasunod sakin kaya huminto ako at lumingon sa likod. Nakita ko si Uno na nakapamulsa habang seryosong nakatitig sakin. Nakita ko rin yung iba kasamahan niya na sumakay na sa kotse at motor nila at nagsisialisan na. Lumapit si Uno sa kinatatayuan ko at tumitig sakin.
"Let's go." Seryosong sabi niya.
"You don't need--"
"I said let's go." Malamig na sabi niya. Hindi na ako nakipag away pa at nagsimula uling maglakad papunta sa condo.
"So you live here?" Di ko napansin na nasa harap na pala kami ng pinto ng condo. Sobrang tahimik namin kanina at ngayon ko lang naalala na may kasama pala ako.
"Condo to ng kuya ko." Pinindot ko ang password saka binuksan ang pinto. "Gusto mong pumasok?" Tanong ko pero sana lang mapansin niyang hindi siya welcome.
Pero talagang tuluyan ng nabingi sakin ang tadhana at deretsong pumasok si Uno sa loob ng condo. Napabuntong hininga ako. How can I get away with this gangster?
"Kukuha lang ako ng juice. Feel at home. Wag kang mahiya." Di ko paman sinasabi ay talagang feel at home na si lalaki at umupo agad sa sofa at pinatong ang paa niya sa harap na lamesa. I rolled my eyes.
"Oh! Juice mo." Nilagay ko ang juice sa mesa katabi ng paa niya na nakapatong. Umayos naman siya ng upo ng umupo ako sa kabilang sofa. Seryoso lang ang mukha niya habang nakatitig sakin.
"May bakanting unit pa ba rito?" Napanganga naman ako sa tanong niya.
"Malay ko. Hindi kami ang may ari ng lugar nato." Napailing naman siya.
"Nevermind." Saka niya hiniga ang leeg niya sa sofa. Mahabang katahimikan ang namagitan samin bago ulit siya nagsalita. "Where's Drake?"
Napatingin naman ako sa orasan. Alas sais na at wala pa si kuya. Napabuntong hininga ako.
"Siguro umuwi siya sa mansyon." Bulong ko pero sapat na para marinig niya.
"So you're alone here?" Tanong niya.
"Baka uuwi siya mamaya." Sagot ko saka yumuko. Muli siyang natahimik. Sobrang tahimik naming dalawa. Inaamin ko gustong gusto kong malaman ang iniisip niya pero sino ba naman ako para itanong ang bagay nayun. I'm just nobody.
"I want to ask you but I don't know if I want to listen." Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay muli siyang nagsalita.
"Ha?" Kahit narinig ko naman ay gusto kong ulitin niya. Nagmumukha tuloy akong tanga. -__-
Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sakin. Siya parin ang Uno na gangleader para sakin at tulad ng lagi kong nakikita sa kanya, mapanganib pa rin siya.
"Isa lang naman ang gusto ko. Ang maging totoo ka sa kin at hayaan mong kilalanin kita." Napayuko ako sa sinabi niya.
"Bakit naman ako magpapakilala kung huhusgahan rin lang naman ako?!" Hindi ko na siya tiningnan at basta nalang nilikot ang kamay ko. "Sawa na akong ipaliwanag ang sarili ko. Sawa na akong magpaliwanag kung alam kong hindi naman ako paniniwalaan."
"Why you always generalizing us?" Naramdaman ko ang galit sa tono ng boses niya.
"I'm not generalizing, I'm stating the fact. After all my efforts to explain, no one will listen. Walang maniniwala sakin." Nanginginig ang kamay ko at pinipigilan ang luha sa mata ko.
"Then how can I know you if your not letting me? Kaya ko namang hintayin kung kailan mo ako papasukin sa buhay mo. All I want now is to know you kahit pa maghintay ako."
"Why do you have to know me if its better if you know nothing?" Balik ko sa kanya. "I'm not letting anyone to enter my life because its like," napabuntong hininga ako, nakakapagod pala ang ganito. "it's nothing to do with yours. Mas mabuti pang umalis kana." Bago pa ako mawala sa katinuan ko at sabihin sayo lahat.
Mahabang katahimikan bago ulit siya nagsalita.
"Boyfriend mo ba si Hades?" Agad na napaangat ang paningin ko at nakita ko ang seryosong mukha niya at malamig na titig niya sakin. "I need your answer. Sayo ako maniniwala at hindi sa iba." That caught me.
Napangiti ako, "No, Uno. Hindi ko siya boyfriend." Sagot ko habang nakatitig sa kanya. Yun ba ang gusto niyang malaman? Para naman siyang natanggalan ng tinik sa sinabi ko. 'What is he trying to imply?'
Tumayo na siya kaya napatayo na rin ako. Agad siyang naglakad papunta sa pinto at binuksan ito. Sinundan ko naman siya sa labas bago niya ulit ako hinarap.
"A-are you mad?" Bago ko paman pigilan ang sarili ko ay nasabi ko na. Gaga ka talaga, Winter. Pwede mo namang pigilan ang sarili mo bat nagtanong ka pa! Napayuko ako pero lumapit si Uno sakin at hinawakan ang baba ko para humarap sa kanya.
"I'm not mad, I'm hurt. There's a difference." Seryosong sabi niya. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata.
"Yo-you're hurt?"
"Yes, Winter." Seryosong sabi niya at nilagay sa likod ng tenga ko ang buhok ko. "I don't want other touches what's mine. Please remember that." Seryosong sabi niya habang nakatitig sa mata ko. Hindi ko maipaliwanag ang t***k ng puso ko. Kinakabahan ako. Pero hindi ko maitatangging may kiliti akong naramdaman sa puso ko.
"Uuwi na ako. Pumasok ka na." Utos niya. I rolled my eyes pero mas nanliit ang mata niya sakin. Napailing nalang ako. "I can wait and I will wait until such day that you're willing to open your door and let me in."
"Sige na, alis na." Pagtataboy ko sa kanya at hindi na pinansin ang sinabi niya.
"Tsk! Hihintayin kitang makapasok sa loob. Lock the door." Seryosong saad niya. Di ko maiwasang mapangiti ng tumalikod ako sa kanya para pumasok sa loob.
Sinulyapan ko siya sandali saka ako sinirado ang pinto.
**
Kinabukasan.
"Bakit may mga pasa kayo?" Tanong ko kay Uno ng makaupo siya sa tabi ko. Umiwas naman siya ng tingin kaya humarap ako sa kabila para harapin si Seb at Avo na may mga pasa rin sa mukha.
"Anong nangyari?" Tanong ko ulit pero wala paring sumagot sa kanila.
"Uno--"
"Stop asking, okay? It was just a gang fight. Nothing more." Napabuntong hininga ako. Ano ba naman ang aasahan ko sa mga gangster na to? Normal lang sa kanila ang makipag away. Tsk! Why do I have to care? Yun naman talaga ang gawain nila? At isa pa, sino ba ako sa kanya para makialam sa buhay niya?
"Alonzo? May Alonzo po ba rito?" Napalingon ako sa pinto ng may pumasok na freshmen.
"Ako. Bakit?" Ngumiti naman ang istudyante sakin.
"Pinapatawag po kayo ni Ma'am Sison sa faculty." Tumango lang ako at inayos ang gamit ko.
"I'll go with you." Mabilis akong tumayo at umiling.
"Wag na. Babalik rin naman ako." Hindi ko na hinitay ang sagot niya Saka ako tumakbo palabas.
*
"Good morning, Ma'am."
"Alonzo." Bati sakin ni Ma'am Sison saka ngumiti. "May nag hahanap kasi sayo sa labas ng gate at ayaw niyang pumasok." Natigilan ako.
"S-sino po?" Ngumiti naman si Ma'am Sison bago sumagot.
"Yung kuya mo." Tumango ako at tumakbo palabas ng gate.
"Kuya!" He was leaning on his car when I called him. He looked back and smiled. "Hindi ka umuwi kagabi!" Nakasimangot na sabi ko. Ngumiti siya saka ko lang napansin na may pasa rin siya sa gilid ng labi niya.
"Anong nangyari dyan?" Tanong ko habang nakatitig sa mukha niya.
"It's nothing. How are you--"
"Is it something connected to Uno? Nagkita ba kayo kagabi at parehas kayong may mga pasa ngayon?" Napaiwas siya ng tingin.
"Sometimes I wished that you are retarded or slow sometimes. Ang hirap mag tago ng sekreto sayo." Saka ito ginulo ang buhok ko. So, confirmed nga? Talagang may nangyari kagabi?
"Anong ginawa niya sayo kuya?" Galit na tanong ko saka naman siya tumawa.
"Nothing harmful. Nag usap lang kami."
"Tungkol saan?"
"Syempre tungkol sayo." Napakunot ang noo ko, "He asked my permission--"
"About what?"
"About dating you." Saka siya ngumisi.
"It's not your decision to make!" Inis na sabi ko, "So, is that a reason why you punch each other?" Naguguluhang tanong ko. Bakit niya naman susuntukin si kuya at bakit naman idadamay ni kuya si Avo at Seb? It doesn't make sense at all!
Napabuntong hininga siya.
"Hindi naman kasi si Uno ang sumuntok sakin." Ngumuti si kuya at nagulat nalang ako ng niyakap niya ako. "You can count on him, sis." Sabi niya at ramdam ko panunukso sa boses niya.
"Deogracias!" Inis na tawag ko sa pangalan niya pero tumawa lang siya at humiwalay sakin. "Is it the reason why you're here? Kailangan pa talaga akong mag cutting classes." Napasimangot ulit si kuya at umakbay sakin.
"Syempre hindi. Inexcuse lang kita sa advicer mo pero kailangan mo naring pumasok after second period."
"Eh bakit ka kasi nandito? Dapat kasi umuwi ka kagabi." Sumeryoso ang mukha niya.
"I didn't made last night. May nakasunod kasi sakin." Hindi ako makapagsalita, "Mabuti nalang at naabutan ko si Uno sa harap ng building bago pa man ako makapasok. Nag usap kami at napansin namin na may nagmamanman samin."
Hindi ko maipalawanag ang itsura ko habang nakatingin kay kuya Drake. Ano bang nangyari kagabi?
"You don't have to think of it, okay? You're safe now. As long as Uno is with our side. Hindi ka nila magagalaw. And I won't let them. If I need to throw Hades to the hospital again, then I will. Just to keep you safe." Seryosong tuloy nito.
Napalunok ako saka ulit ako nagsalita.
"Did he already knew?"
"Sino? Si Uno? No. He doesn't know anything and I think he respect our privacy." Hinawakan naman ni kuya ang kamay ko at ngumiti, "He's sincere. You should have seen that in his eyes." Seryosong tuloy niya pero umiwas lang ako ng tingin.
"Winny, there comes a point in your life when you realize who really matters, who never did, and who always will. Give him a chance. I trust him." Ngumiti si kuya sakin pero hindi man lang yun umabot sa mata niya.
"I need to go." Paalam niya saka muling ginulo ang buhok ko.
Nang makaalis si kuya ay agad akong tumalikod at pumasok sa gate. Ngunit bago pa man ako tuluyang makapasok ay napansin ko na ang pigura sa di kalayuan.
Why he's here? Ba't hindi nalang nila ako tantanan!? Ngumisi siya sakin saka tumalikod at naglakad papunta sa motor niya.
'Grendel, why you keep on eyeing me?'