KABANATA 14

1195 Words
"Ate Jellie," mahinang tawag ni Sylvia sa hipag na kasalukuyang nasa lamesa, at nakikipagkwentuhan sa ilang customer. Nagtataka naman ang anyo nitong lumapit sa kaniya. Dahil kailangan pa na umikot para tuluyang makalapit sa kaniya ay sinenyasan niya ito. "Bakit?"curious na tanong ni Jellie sa kaniya. Hinawakan ni Sylvia ito sa braso para mas ilapit pa. Pasimpleng niya rin iginala ang mga mata, sinisiguradong walang makakikita o makaririnig sa kanilang magiging usapan. "Saan ba pwedeng humanap ng ka-date?" lakas loob niyang tanong. Nakalolokong ngiti ang nabungaran niya sa hipag nang magkatinginan sila. Siya naman ay nag-aabang ng magiging suhestiyon nito. "Diyos ko! Akala ko naman kung ano 'yang itatanong mo!" natatawang sambit ni Jellie. "Shhh…, huwag kang maingay," saway niya sa hipag. Hinatak niya ito sa braso para ilapit pa ng husto. May alinlangan na luminga si Sylvia kay Jellie. Ngiting-ngiti naman ito sa kaniya, lihim siyang nagmasid sa paligid para siguruhin muling walang makapapansin sa kanilang dalawa. "Saan ba ako makahahanap ng ka-date?" bulong niya habang walang distansya sa hipag. "Marami akong alam. Pero huwag muna ngayon," Nilibot nito ang paningin sa mga taong nasa labas ng bahay nila. Bago muling binalikan siya ng atensyon. "Mamaya natin pag-usapan, okay?" "Sige, sige. Mga 8, kapag tulog na si Sophia, ganoon na rin si Inang at Kuya," seryosong usapan nila ng hipag habang determinadong-determinado ang mga mata. Tumango naman si Jellie sa kaniya. Kung anong emosyon niya ay ganoon din ito. Kaya paborito, at botong-boto siya sa sister-in-law niya na ito. Nagkakasundo sila sa maraming bagay. Dahil siguro magkalapit lamang ang kanilang edad. Umiindayog ang ulo ni Troye habang nakikinig ng kanta mula sa paborito, at award winning singer na si Bruno Mars. Ang mga daliri niya ay malayang gumagalaw habang nasa manibela kasabay ng beat. Saglit niyang tinanaw ang mga sasakyan sa unahan. Walang kagalaw-galaw ang mga kotse sa sobrang traffic. Kasalukuyan ngayon ang binatang nasa isa sa pinakaabalang highway sa City. Kahit na may bahagyang bwisit na nararamdaman sa kalooban ay pilit niya iyong winaksi. Kinondisyon niya na ang sarili, nang imulat ang mga mata ngayong umaga na hindi na siya aarte katulad kahapon. Baka akalain pa ng ibang empleyado ay sobra siyang naapektuhan sa pag-re-resign ng kaniyang sekretarya. He need to prove that it's nothing! He can live with it! He can survive his life as a CEO, without his old maid secretary! Buong kumpiyansang tumango si Troye. Desidido ang mga mata niyang diretso lamang ang tingin. He will do anything to get a better one! "Hello, Gabe?" "Yes, Sir?" "How's everything?" kaswal niyang usisa. Nakasuot ng wireless bluetooth sa kaliwang tenga habang matiyaga pa rin naghihintay na umusad ang mga sasakyan. "Medyo busy po, Sir." Sumilip si Troye sa labas ng bintana. Tirik na tirik ang araw, mukhang nakikisama ang klima sa kaniyang magandang pakiramdam. "I expect it smooth, alright?" "Affirmative, Sir." "Marami pong nakapilang applicant. And I am very sure, makapipili po kayo rito," pagmamayabang ni Gabe. "Good job, Gabe." Isinuot ni Troye ang bilog, at retrong sunglasses bago isinarado ang pinto ng pick-up truck niyang sasakyan. Sa labas pa lamang ay binabati na siya ng mga empleyado. Hindi katulad ng nakasanayan, nginitian niya ang mga ito, at sa mga kinikilig na babae ay nagpa-cute pa siya. "I feel good," usal ng binata. Nararamdaman na niya na makahahanap na siya ng bagong sekretarya. Makalilimutan na niya ang ginawa ng dati! "Sir!" Nagkukumahog si Gabe habang kipkip ang patong-patong na folder. Sumalubong agad ito sa kaniya. "How are you, Gabe?" kaswal na tanong ni Troye. "Maayos naman, Sir." "By the way, did you see the applicants po ba?" dagdag nito. Lumingon si Troye sa isang linya ng mga upuan. Agad na nagpagandahan ang iba't-ibang klase ng mukha ng mga babae nang mapansing naroon ang atensyon niya. Muli niyang binalikan ng tingin si Gabe. Napatingin ito sa sariling balikat nang hawakan niya iyon. Itinapat pa niya ang mukha sa empleyado. "We will start after 1 minute, got it?" "Yes, Sir!" Buong luwag pa rin siyang nakangiti habang tinutungo ang opisina. Expected naman niya pipilahan, at pagkakaguluhan ang job vacancy na ito. Maging secretary ka ba naman ng isa sa pinakasikat, at tanyag na kumpanya sa bansa, ang Ledesma Real Estate Company. Idagdag mo pa ang benefits na sobrang talino, mayaman, malaki ang katawan at higit sa lahat, gwapo! Ang paglingkuran mo araw-araw, hindi na talaga trabaho ang matatawag kung ang CEO ay si Troye Matthew Ledesma. Nang makalagpas ang binata sa halera nila Lorie, at tuluyang makapasok sa loob. Makuhulugang nagtinginan ang mga empleyado, naguguluhan ang mga imahe. "Ano'ng tinira ni Sir Troye, ngayon?" mahinang usisa ni Lorie sa mga kaharap. Hinatak ng binata ang suot na suit. Gusto niyang maging pormal, at kagalang-galang ang hitsura sa mga applicant. Hinagod pa niya ang buhok, at inayos ang pagkakaupo sa swivel chair. Hindi alam ni Troye kung anong pwesto ng upo ang pipiliin. Kung de-dekwatro ba, ilalagay ang mga braso sa ibabaw ng mesa, hahawakan ba ang ballpen. Nang may kumatok ay parang isang hari ngunit natataranta niyang isinandal ang likod sa silya. "Co-come in!" kaswal nga pero nag-backle naman siya nang magsalita. Pumasok si Gabe, isang folder na lamang ang nasa braso nito. Ngumiti agad ito sa kaniya, siya naman ay kaswal na kaswal. "We can proceed now." "Noted, Sir Troye." Umibis na ito ng kaniyang office. Hindi pa man na isasarado nito ang pinto ay may pumasok na isang babae. Imbis na pagtuunan ng pansin ni Troye ang unang aplikanteng babae ay ibinaba niya ang mga mata. Kinuha niya ang resume nito para basahin. "Good day, Mr. Troye Matthew Ledesma," magalang pero may himig na nagpapa-sweet ito. "Have a sit," pormal niyang tugon habang nasa binabasa pa rin na papel ang atensyon. Umupo na ito, inangat naman na ng binata ang mukha. Nakita niya ang isang babae, maganda, oo. Pero hindi lamang ganda ang kailangan niya. Atsaka, sawa na siya sa mga ganoong hitsura. Araw-araw at ordinaryo na lamang iyon kay Troye. May make-up, kahit pormal ang dress ay may skin pa rin siyang naaaninag. "Tell me about yourself, Miss Gallego." Seryoso niya itong tinitigan sa mga mata. Walang ekspresyon ang mukha niya habang naghihintay ng sasabihin nito. Lumipas ang ilang segundo, ay bumagsak ang balikat ni Troye. Dahil bago magsalita ang babae ay inipit muna nito ang kulot at brown na buhok sa magkabilang tainga. "Hi, Mr. Troye Matthew Ledesma." "I'm Stella Michelle Gallego. 21 years old. Graduated of Bachelor of Science in Office Administration." "And applying as your Executive secretary," mahaba, at ngiting-ngiti nitong pakilala. Tumango siyang nang bahagya. Napansin niya ang patukoy na pagpapa-cute nito kaya minabuti niyang tingnan na lamang ang hawak na papel. "So, Miss. Gallego, why should I hire you as my secretary?" pormal niyang tanong. Sa nabasa naman niya ay may maganda itong resume. Graduate sa sikat na University with flying colors pa. May background din sa pagiging sekretarya, at iba pang trabahong related sa pareho nilang craft. "You should hire me 'cause I'm perfect for this job. The same goes for you." Napataas ang mga itim na mata ni Troye nang dumukwang ang babae sa lamesa. Humalumbaba, at tinitigan siya diretso sa mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD